Pinunasan ni Jacob ang duguan niyang nguso at nagsalita. "Alam nating dalawa kung sino ang nagsimula nang gulo! Sa lahat ng ayaw ko, yung mayroon sinasaktang babae sa harapan ko! Magpasalamat ka at inawat tayong dalawa dahil kung hindi, tinitiyak ko sayong puno na ng pasa ang mukha mo!" "Stay away from my fiance, you b***h! Kutong lupa ka lang kaya alamin mo ang posisyon mo. Sinungaling ka! Gusto mo lang agawin si Jewel!" "Ikaw ang sinungaling, kahi si Jewel mismo alam niya ang totoong nangyari. Matagal mo na sigurong sinasaktan si Jewel!" Napatingin naman si Mr. Diaz kay Jewel. "Sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo Jewel?" "Ahh ehh... si ano..." Nahirapang mamili si Jewel pero dahil alam niya nang sira ang plano, useless nang kuhain ang loob ni Jacob. Lumapit siya kay Isa

