Pagdating ni Andrew ay ilang araw pa siyang nagpahinga dahil sa pagod pa daw sya ng nakaraang limang araw niya sa maynila. Pinagbigyan ko pa rin sya at pinagpahinga. Balak ko sanang hindi pumasok ng lunes para makasama ang aking pamilya ngunit naubusan naman kami ng mga stocks sa resort. “Mamaya tayo magtutuos Andrew. Pasalamat ka at kailangan kong mamili sa bayan.” “Oo na babawi ako mamaya at humanda ka.” Sa malaking City ako mamimili at nagpasama ako sa isang staff. Sakay kami ng isang bangka papunta roon. Maaliwalas naman ang panahon kaya sa palagay ko ay magiging maayos ang aming biyahe. Nang makarating ay agad kaming pumunta sa mga pmilihan ng kasama kong staff. Binili namin ang lahat ng kailangan. Ang bangkero naman ay umuwi na at binilin na lang kami sa taga roon na ihatid kami

