Makalipas ang dalawang buwan pagkaalis ni Jc ay napapansin kong palagi namang masaya si Grace. Ibig sabihin ay ok ang relasyon ng dalawa. Bumalik ulit si Jc para sunduin ang kanyang asawa. Pumayag na si Grace na doon na sila sa Maynila maninirahanat para magkasama na sila bilang mag-asawa. Pero bago yun ay ilang araw pang nanatili si jc sa isla. Kami naman ni Andrew ay halos di na nagkakausap at nagkakasama ng matagal dahil sa mga busy schedule namin. Ako na madaming asikasuhin sa resort dahil sa pagdagdag ng convenient store namin, flowershop, gift shop at soon to open na restaurant. Sya naman ay mga paper works pa rin sa opisina at mga virtual meetings with clients and investors. Maaga syang magising at nagtatrabaho na. Ako naman pagkagising ay si Andy ang inaasikaso at ang resort sa t

