Minsan ay sumisilip rin ako sa site para tingnan ang work progress ng resort at kinakausap si Marco para makipagkwentuhan at kamustahan. “Dito ka ba manganganak sa isla?” tanong niya habang nakatingin sa malaki ko nang tiyan. “Hindi. Sa Manila. Baka mahirapan ako sa documents kapag dito. Atleast maraming kakilala doon sa atin. Tsaka gusto ni Andrew na sa hospital ako manganak.” “Tama naman. For you and for the baby’s safety. But ok rin naman sa clinic and midwifes pero naniniguro lang din ang asawa mo.” “True. So kamusta naman dito? Wala ka bang namimiss sa atin?” saad ko na may halong panunukso. “Medyo nahihirapan ako sa tao. Hindi skilled kaya pupunta yung ibang mga tauhan ko dito at dito muna gagawa since wala namang trabaho doon sa atin.” “Ok. Pag-usapan natin yan with Andrew. Y

