Bago kami umalis ni Andrew papuntang isla ay ininvite ko muna ang mga friends ko sa bahay. Konting salu-salo at kamustahan. Ok naman ang mga island boys sa kani-kanilang trabaho. Medyo nahihirapan pa sa buhay Maynila at na-culture shock dito. Pinagtatawanan namin ang mga bagong experience nila. Nagrereklamo dahil masyado raw maraming sasakyan pero nangangarap naman na makabili sila ng mga sarili nilang sasakyan. Wala daw sariwang hangin at malapit na beach pero manghang-mangha naman sa mga nagtataasang gusali at magagandang mall. Di daw sariwa ang mga isda pero panay baboy at manok na ang mga kinakain. “True manilenyo na kayong tatlo ha. Di na ba kayo babalik sa isla?” tanong ko sa tatlo “Magpapayaman muna kami at magtatayo rin kami ng Island boy’s Resort doon.” “Good luck sa mga pang

