Estelle Kanina pa ko tahimik dito at hindi ko kinikibo si Shaina, mag aalas otso na ng umaga at malapit ng dumating sina Lorenzo. Alam kong hindi na ko makaka-atras. Isa pa, sayang din naman kung itu-turn down ko ‘yung gano’n kalaking offer nila, bahala na nga. Makikipag-usap lang naman eh. “Teh, sorry na! Hindi ko naman alam na lawyer pala yo’n ni Lorenzo.” Nakasimangot na sambit ni Shaina sa tabi ko. “Shai, I’m not mad at you, kinakabahan lang ako kasi ito ang unang beses na makikita ko siya ulit, hindi ko naman kasi inexpect na makita ko pa siya ulit o magku-krus ulit ang mga landas mamin.” Nakangusong paliwanag ko pa sa kaniya. “At saka sigurado ako na siya man o hindi ang buyer nito, magkikita at magkikita pa din kayo! Remember, you are working for a congressman of this town ka

