Estelle Halos nakatulog lang kami ni Shaina sa buong biyahe namin, malapit lang sa manila ang De Hermosa kaya naman tatlong oras lang ang tinaggal ng biyahe namin at nagising ako bago pa man kami makapasok sạ boundary ng manila at De Hermosa. “Railey, sorry na katulog ako.” Sambit ko kay Railey habang nakatutok lang ang tingin niya sa kalsada. “Okay lang, nandito naman na tayo.” Nakangiting sambit naman ni Railey. Alas dose kami ng madaling araw umalis sa manila at mag aalas tres na ng madaling araw ngayon. Meron pa kaming ilang oras para magpahinga at matulog. “Ihatid ko na lang muna kayo sa bahay niyo, Estelle and then I’ll see you in the afternoon, okay?” Bilin ni Railey sa akin kaya tumango na lang ako at tumingin ako kay Shaina na mahimbing pa din siyang natutulog habang naka

