Lorenzo Namdito ako ngayon sa munisipyo dahil marami pa akong kailangan asikasuhin at tapusin na trabaho na natambak dahil matagal din akong nawala, gustuhin ko mang maging masaya pero hindi ko magawa, ang dami ko pa ring problema at sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano aayusin to lalo na kung anong plano ni Daddy sa araw Ng engagement namin ni Nadia. Gumugulo pa din sa isip ko kung anong totoong rason ni Daddy. I tried to asked Edward if he knew anything but he said no. Mahirap talagang basahin si Daddy at hulaan ang mga susunod niyang hakbang. Nakasandal lang ako sa swivel chair habang nakapako ang tingin ko sa kisame. Kung wala lang akong responsibilidad sa bayan na ‘to ay baka umalis na lang ako at nagpakalayo layo kasama ang mag ina ko, hindi mahalaga sa akin kung anumang mero

