Estelle Papauwi na sana ako sa bahay namin, galing kina Shaina pero hindi ko alam at bakit bigla kong naisipan na mag unwind at pumunta sa lugar kung saan kami naging close ni Lorenzo, kung saan niya ako unang hinalikan. Siguro naman ay wala siya do’n ngayon? Nandito na ko malapit sa kung saan ‘yung city view pero hindi pa man ako nakakalapit ay may nakita na kong sasakyan na naka-park do’n, sasakyan ni Lorenzo! Dahan dahan akong naglakad at parang akomg nanigas sa kinatatayuan ko nung nakita ko si Lorenzo at ang kapatid niya na nag-iinom. Unang napatingin sa gawi ko si Edward tapos no’n ay sumunod si Lorenzo, gustuhin ko mang umatras agad at tumakbo na papalayo pero parang napako ‘yung mga paa ko sa kinatatayuan ko. Kita ko ang dali daling pagbitaw ni Lorenzo sa can ng beer na hawak

