Lorenzo Nandito ako ngayon sa munisipyo, ngayon kasi ang araw ng bilangan at ngayon din ang bilangan pero parang wala akong gana at hindi naman ako excited. Alasingko na ng hapon, ibig sabihin ay simula na ng bilangan. Nandito kami sa labas ng munisipyo kasama ko ang mga staff ko at ilang mga supporters na nanonood ng bilangan ng mga boto at nag aabang kung sino ang mananalo pero parang wala ako sa sarili ko. It’s been just three days, hindi ko maintindihan bakit ako nagkakaganito sa isang relasyon na halos araw lang naman ang tinigal. “Kuya, are you okay?” Rinig kong Was pabulong na tanong ni Edward sa tabi ko kaya tumango na lang ako at napatingin ako sa naka-flash sa screen. Halos isang daang boto lang ang lamang sa akin nung kalaban ko at dikit na dikit ang mga boto naming dalawa

