Estelle Magda-dalawang buwan na simula nung bumalik kami dito ni Mama sa manila, naging maayos na din ulit ang relaxyon naming dalawa pero syempre, mahirap ang mag-adjust na naman ulit especially now na nagre-rent lang kami ng apartment at wala pa kong bagong trabaho hanggang ngayon, ginagastos lang namin ang ipon ko sà previous work at yung natira sa pinagbentahan ng bahay namin sa manila. “Shaina!” Dito!” Tawag ko kay Shaina nung matanaw ko siya napapasok sa coffee shop at halatang naghahanap para sa akin. Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap niya ako. “Girl!!! I miss you!” Magiliw na sambit nito sa akin tapos ay umupo na kami sa puwesto namin at inabot ko na sa kaniya ang inorder kong kape para sa kaniya. “Oo nga pala, girl, ang hirap hanapan ng interested buyer nung bahay

