Estelle Nagising ako sa isang kuwartong pamilyar na pamilyar sa akin, naupo ako sa kama at tinignan ko ang buong paligid. How can I forget this room? The room where everything started? Kung paano nakaayos ang mga naka-display sa buong paligid ng silid nung huli akong tumuntong sa bahay ni Lorenzo ay gano’n pa din ito, maging a bedsheet, mattress at kurtina. Tumayo ako at dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto tapos ay sumilip ako sa labas pero wala akong taong nakita kaya nagdesisyon akong lumabas at bumaba. Napahinto ako nung makita ko si Lorenzo na kalaro niya si Dria. Hindi ko alam naiiyak ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Bakas sa mukha ni Dria na masaya siya habang kalaro niya si Lorenzo at bakas din sa mukha ni Lorenzo ang galak at kita kong nangingilid ang mga

