Harry Nandito ako ngayon sa office ng Daddy ko para umattend sa isang business meeting. Wala kasi siya at ako ang inatasan niyang mag-ayos ng mga business deal namin at ngayon naka-schedule ang meeting ng kapatid ni Nadia at ni Daddy pero ako ang haharap. Tss. Bat pa nataon na wala si Dafdy eh, ayoko pa namang kausap tong kuya ni Nadia, paano napakayabang kasi at masyadong mataas ang tingin sa sarili, pareho pareho silang magkapatid. Kung hindi nga lang dahil kay Lorenzo ay hindi ko magiging kaibigan o should I say.. acquaintance ang magkapatid na Vuenabentura eh. Papasok na ko sa conference room nung matanaw ko siyang abala sa cellphone niya. Kaming dalawa lang naman ang nandito ngayon, I don’t think we need to be that formal. Nilapag ko ‘yung folder na hawak ko sa conference table

