Estelle Parang akong tangang nakatulala sa wall clock na nakasabit sa pader ng office ni Atty. Loraine, mag aalasyete na kasi ng hapon pero nandito pa din ako at kasama ko pa din si Mayor Lorenzo. To be honest, we have alot of paperwork to finish pa pero hindi ako maka-focus at nabo-bored na ko. Mula dito sa couch na kinauupuan ko ay hindi ko maiwasang hindi mapatitig kay Lorenzo na nakatulog na dahil sa sobrang pagod at puyat niya. Nakasandal nga lang siya sa swivel chair na kinauupuan niya pero ang lalim ng tulog niya, pagod siguro siya sa trabaho sa munisipyo dahil malapit na din ulit ang campaign season. Dahan dahan akong lumapit sa table kung nasaan siya para kunin ‘yung mga papel na binigay ko sa kaniya kanina, ako na lang siguro ang tatapos nito para makauwi na din. Hindi ko p

