Estelle Para akong tangang nakatulala sa wall clock na nakasabit sa may office ni Atty. Loraine, kakaalis lang kasi ni Lorenzo kasama si Nadia, napadaan sila dito sa opisina pero wala si Attorney Loraine at hindi ko alam kung magkasama ba sila o ano pero para akong nakahinga ng maluwag nung makaalis silang dalawa. I hate having those two around because the tension between them is always screaming and I can feel it and it’s making me uneasy around them. I took my phone and browse through my social media apps, wala naman na akong masyadong gagawin dahil maaga ko natapos lahat ng mga kailangan kong gawin at maaga pa naman. Uupo sana ako sa couch na katapat lang din ng table ni Atty. Loraine nung biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Lorenzo na mukhang dismayado at agad siyang naupo

