Estelle Naiilang ako nung makita ko si Lorenzo na parang napako ang tingin sa akin, kanina pa siya nakatitig sa akin. Nandito kami ngayon sa isang restaurant para kitain ang mga nanay namin. Kasama naman namin si Edward pero he is busy on his phone while he’s brother keeps his eyes on me. Maya maya pa, narinig ko ang boses ni Mama sa di kalayuan kaya naman nung napalingon ako sa gilid ko ay nakita sila ni Atty. Loraine na papalapit sa amin. Naupo si Mama sa tabi ko, habang si Atty. Loraine naman ay katabi ni Lorenzo sa kaliwa miya at si Edward naman ay ang nasa kanan. Si Lorenzo ang kaharap ko kaya naiilang ako. “Essie, I bet you already met my youngest too?” Nakangiting baling ni Atty. Loraine sa akin kaya napatango naman ako. “Opo, Attorney.” Nakangiting sagot ko sa kaniya pero

