Lorenzo Kanina pa ko nakatulala at palingon lingon sa pintuan ng opisina ko, hinihintay ko si Essie dahil ngayon ang first day niya sa akin pero hanggang ngayon ay wala pa din siya. Nakatulala lang ako sa kawalan nung biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman bahgya akong nagulat at tinignan ko kasi baka si Essie ang nag-message pero mali ako, si Edward yo’n. Pagbukas ko ng message niya ay bumungad sa akin ang mga screenshot ng posts ni Essie. “Stalker ka ba? Bro, hindi ka sasagutin niyan kung puro ka lang likes ng post niya, galaw galaw ka diyan. Baka maunahan ka.” Pang aasar na sambit pa nito sà messages niya sa akin. At nung tinignan ko ulit ang screenshots na sinend niya ay kita ko na yo’n ‘yung mga post ni Essie na nilike ko. Napahinga ako ng malalim, naiisip ko pa lang ang

