Lorenzo Habang papunta kami sa may backstage ay kitang kita ko na mas lalong dumami ang tao sa may venue kung saan gaganapin ang campaign rally malapit lang din sa munisipyo. Dumami rin ang mga reporters na sa tingin ko ay magko-coverage ng mga kaganapan dito. I’m already used to it but it’s overwhelming pa din minsan. Nung makalapit kami sa backstage ay agad kong nakita si Daddy dito, siguro ay hinihintay niya ako. Seryoso ang ekspresyon ng mukha niya nung makita niya kami at mas lalo na nung makita niya si Essie sa labas ng backstage. Lumaki ako na strikto si Dad sa amin ni Edward kaya siguro nasanay na din ako sa mga kilos niyang ganito. “Dad, you’re here.” Nag aalangang sambit ko sa kaniya pero kay Essie pa din siya nakatingin. “What a very supportive friend.” Rinig kong koment

