Estelle Isang linggo na ang makalipas simula nung last campaign ni Lorenzo at simula nung makita ko do’n si Mama sa venue ay hindi na niya ako pinapansin at ang nakakapagtaka ay hindi ko alam kung bakit at ano ang dahilan niya, iwas siya sa akin maging kina Tita Loraine. Hinila uwi nung makita ko siya at wala man lang siyang sinabi kaya hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako. Kadalasan naman kasi kapag may problema si Mama ay sinasabi niya sa’kin. May isang beses pa na sinubukan niya akong kumbinsihin para mag-resign na sa trabaho ko kay Lorenzo, sinubukan ko namang tanungin ang rason niya pero nagalit siya, iwas siyang sagutin ng diretso kung anong totoong dahilan pero hindi ko kayang gawin yo’n basta basta. “Essie.” “Essie.” “Thalia Estelle.” Bumalik lang ako sa katinuan nung m

