Estelle Nandito ako sa opisina ni Railey nakakatulala at hindi ko alam anong mararamdaman ko, nagi-guilty ako sa nangyari kay Nadia, hindi ko naman kasi alam na buntis siya eh pero kasi siya ‘yung naunang sumugod at hindi ko alam kung bakit, dahil ba kay Lorenzo? Dahil ba napansin niyang lapit ng lapit si Lorenzo sa akin? Well, hindi ko na kasalanan yo’n dapat si Lorenzo ang kinausap niya at hindi siya nagpadalos dalos. Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. “Railey, hindi ko naman sinasadya ‘yung nangyari pero sa tingin mo ba okay lang si Nadia at ang baby niya?” Maluha luha kong tanong kay Railey na tahimik lang sa tabi ko habang nakikinig sa akin at sinusubukan akong pakalmahin. “Estelle, stop worrying.”! “Wala kang kasalanan. I saw the CCTV footage at kitang kita naman na si

