Lorenzo Tahimik si Railey nung makalabas si Estelle. “So, Mayor. What do we need to discuss, napapadalas ka yata sa manila ah?!” Sarkastikong bungad niya sa akin “You have a business, hindi ba? My Dad sent me here to give his proposal for you.” Sambit ko sa kaniya at kinuha ko ‘yung folder na nilapag ko do’n sa round table na kaharap lang din ng couch kung saan ako nakaupo kanina, kinuha niya naman yo’n at binasa. Saktong pag-angat niya ng tingin sa akin ay biglang pumasok ‘yung head ng security niya. “Sir, si Ms. Estelle po may kaaway sa parking lot.” Natatarantang sambit nito maya agad sumunod si Railey sa security niya at lumabas sa office kaya naman sinundan ko sila. Nung makarating kami sa parking lot ay si Estelle agad ‘yung una kong natanaw pagbaba ng elevator, she was sitting

