Estelle Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ano kayang pakay ni Lorenzo kay Railey? Para kasing napapadalas ang paglapit lapit niya kay Railey eh. Ang hilig hilig niyang pumunta lagi kung nasaan kami! Stalker ba siya?! “A-anong.” “A..anong ginagawa niyo dito sa office ni Congressman, Mayor?” Mausisa at nakakunot noong tanong ko sa kaniya. Tumayo siya sa harap ko at kinuha niya ‘yung ibang papel na bitbit ko. “Hi, Miss Marquez.” Nakangitng bati nito sa akin at saka siya naupo sa couch na katabi ng table ni Railey. Nakakainis, kung makangiti siya sa akin ngayon ay parang nakalimutan niya na ‘yung ginawa niya sa akin kagabi! He played with my feelings and now ito na naman siya sa harap ko?! “Gusto ko sanang makausap si Congressman Railey kaso wala pa pala siya. Do I have to set

