Estelle Nakatulala lang ako habang nasa biyahe na kami pauwi, kasama ko pa din si Railey at Shaina pero hindi ko sinasabi sa kanila ginawa ni Lorenzo o kung anong nangyari. “Shaina.” “Railey.” “Guys, pasensya na kung nasira ko ‘yung gabi niyo at pati kayo ay napauwi ng wala sa oras.” Paghingi ko ng pasensya sa kanila at basag ko sa katahimikan namin habang nasa biyahe kami. “Don’t worry about us, Estelle. We’re fine and it’s okay.” Sambit naman ni Shaina and from the back seat she held my shoulder and gave me a warm smile. “At saka, Estelle, hindi ka namin pipilitin magkuwento kung hindi ka pa handa, basta nandito lang kami kapag kailangan mo ng kausap, you should go get some rest.” Sambit naman ni Railey bago niya ihinto ang sasakyan. Nandito na pala kami sa tapat ng apartment,

