Nadia Kanina pa ko paikot ikot dito sa loob ng bar pero hindi ko mahanap si Lorenzo at ang mga kaibigan namin sa usual spot namin dito sa bar. Alam kong may nag-iinom do’n pero ang hindi ko alam ay kung saan sila nagpunta, sinusubukan kong tawagan ang cellphone ni Lorenzo pero naka-off yo’n kaya nag-aalala ako baka kung napano na sila. Sabi ni Lucas nandito lang sila eh pero saan sila nagpunta? Paikot ikot ako kung saan saan, hanggang sa natanaw ko na ang iba naming kaibigan sa gitna ng dance floor pero wala akong Lorenzo na nakita. Nando’n sa dance floor ang kapatid niya pero wala siya, sa kakahanap ko ay mapadpad ako sa gilid ng dance floor kung saan malapit ang comfort room, nakita ko si Lorenzo na naglakad sa hallway, mukha siyang dismayado and he look like a mess right now. “Lore

