Estelle Nasa labas pa lang kami ng bar ay parang ayoko nang pumasok dahil sa ingay ng paligid, feeling ko mababasag eardrums ko dahil sa sobrang lakas ng tugtog eh. Hindi ko naman akalain na seryodo pala si Railey nung sinabi niya na magba-bar kami at magpa-party, akala ko pampalubag loob lang eh. Hila hila ako ni Shaina papunta sa loob ng bar habang si Railey ‘yung naunang maglakad sa amin. “Shaina, sandali! Matatapilok ako kakakaladkad mo sa akin eh, at saka teka naman bumaba yung tube dress na suot ko tapos ang ikli ikli pa nito.” Reklamo ko kay Shaina at hila ko sa kaniya pabalik. “Sabi ko naman sa’yo, lagyan mo ng double sided tape yan for clothes eh.” Sermon naman ni Shaina bago niya ako tulungang ayusin ‘yung damit ko. Pagkatapos no’n ay sinundan na namin si Railey na dumire

