Estelle Ang sakit ng ulo ko kakaiyak, nagising ako na nasa biyahe pa din kami ni Railey. Tahimik lang siya habang nagmamaneho, maya maya na tanaw ko na ang apartment namin, nasa manila na pala kami at ni hindi man lang niya ako ginising nakakahiya! Hindi ko napansin si Shaina sa backseat kaya nagulat ako nung biglang may kumalabit sa akin. So, sinundo pala siya ni Railey sa kanila? Napakakaladkarin talaga ng babaing to, partida may trabaho pa siya niyan pero mag ma-manila pa ngayong weekend. “Nandito na tayo sainyo Estelle.” Magiliw na sambit ni Railey nung makahinto kami sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko dito sa manila. Hindi ko pala na informed si Mama na uuwi na kami, ang paalam ko kasi sa kaniya ay monday pa ko ng hapon uuwi eh. Hindi ko alam pero habang papanik kami ng h

