Chapter 1: Pandurukot
"La, lalabas lang ho ako. Uuwi din agad ako mamaya."
"Saan ka na naman ba pupunta at hapon na?"
"Dedelihensiya ho ng makakain natin 'la," Kakamot kamot niyang sabi.
"Baka iba na naman yang gagawin mo? Kuh, bata ka. Kung buhay lang ang tatay mo e, binatukan ka na niya"
"Diyan lang ho talaga ako sa labas la. Binanggit niyo na naman si itay. Baka babangon na iyon sa hukay"
" Mabuti nga na babangon iyon para mapagsabihan ka niya. Tignan mo iyang itsura mo, parang hindi ka babae kung manamit"
"Outfit ito 'la. Hindi na ho uso iyang ganyang suot niyong bestida na hanggang sakong"
"Pati suot ko, napansin mo na"
"E, pinansin niyo din ho itong suot ko"
"Namimilosopo ka na naman pad"
Napangiwi siya sa huling binanggit ng kanyang lola.
"La, hindi ho ako papel. H'wag niyo na akong tawaging pad. Bakit kasi, ang daming ipapangalan sa akin e, Zoe Pad pa," Papungas pungas niyang sabi.
"Ikinakahiya mo ba ang pangalan mo apo? Si tatay mo ang nagbigay ng pangalan mong Pad, dahil Pedro siya. Pangit naman kung ped."
"Sige ho la. Alis na ho ako baka
saan na naman mapunta itong usapan natin. Bye la," Aniyang nagmano sa matanda at umalis na siya. Hindi niya na pinakinggan ang sinasabi ng kanyang lola Ipang. Bumili muna siya ng dalawang bubble gum para nguyain ito habang tatambay siya sa kalsada. Kailangan niyang makadelihensiya ngayon. Pangako niya sa kanyang sarili na huli na ito. Alam naman niyang masama ang ginagawa niya, pero kailangan niya itong gawin para maibsan ang gutom nila ngayong gabi.
Isang taon lang ang natapos niya sa kolehiyo kaya hirap siyang maghanap ng trabaho. Isa pa ay hindi naaayon lagi ang isinusuot niyang damit sa tuwing nag-aapply siya ng trabaho. ''Laging bumalik ka na lang sa ibang araw miss, with corporate attire''. Wala naman siyang pambili ng formal na damit. Tanging kupas na pantalon at polo shirt ang meron siya. Sumandal siya sa pader at humalukipkip siya. Tumingin tingin siya sa paligid. Parang tumayming ang araw na 'to sa kanya dahil halos walang dumadaang jeep at tao sa kalye na iyon. Naiinip na siya dahil wala pang dumadaang kotse na pwedeng niyang biktimahin kaya naglakad lakad muna siya at isang oras na siyang nakatambay dito at padilim na.
Nang mamataan niyang may lalaking paparating at halatang yayamanin ito ay umakto siyang normal na tao. Naka-gray ito ng polo shirt, at naka- fitted jeans, at puting rubber shoes ito. Nakasuot pa ito ng shades.
"Hanep naman ng lalaking ito. Padilim na ay nakashades pa! Bampira ata ito?" Bulong niyang sabi. "Ito na lang kaya ang iisahan ko? Mukha naman talagang mayaman ito. Choosy pa ako sa lagay na 'to ha?" Pagtutuloy niya.
Kunwari ay inaayos niya ang sintas niyang kulay abo na sa dumi. Ngunit panakaw nakaw siya ng tingin sa papalapit na lalaki.
Nang makatapat na ito sa kanya
ay tumayo siya at inilagay niya ang kanyang paa sa paa ng lalaki. Kaya natisod ito at bumagsak sa semento at napadaing ang lalaki. Nilapitan niya ito.
"Awwww! Aray!"
"Okay ka lang ba Mister?"
"May okay bang nadapa miss? Kaya nga aray diba?"
"Malay ko ba kung okay ka lang. Ilan naman ang nahuli mong palaka?"
Napapangiti siya habang kausap ang lalaki. Mukha itong pikonin.
"Niloloko mo ba ako, miss? May nakikita ka bang palaka dito?"
"Suplado mo. Tatanga tanga ka kasi e. ayan, nadapa ka tuloy," Bulong niya. Samantalang sinadya naman niya itong tisodin. Napahagikgik pa siya sa kanyang tinuran.
"What did you say? And what's funny?"
"Wala!"
"Tutulungan mo ba ako o tutunganga
ka lang? Lumapit ka lang ba dahil nagagwapuhan ka sa akin?"
"Hindi ka lang pala suplado, maya bang ka pa!"
"Miss, hindi ko kailangan ng sermon mo. I need your help, okay. Tulungan mo na akong makatayo dahil napilay ata itong kamay ko at may gasgas itong siko ko. Isa pa, nagmamadali ako"
"Makiusap ka muna para tulungan kita"
"What?!"
"Gusto mo bang what watin ko iyang gwapo mong mukha? Pa englis englis ka pa e, nandito ka lang sa kalye"
"Pinagbabawal na bang magsalita ng english dito?"
"Oo. At ako ang nagbabawal"
"Look, miss. I'm not joking with you. Raise me up, so I can get out of your sight!"
"Look too, Mister. Hays! ito na nga,'' Sabi niyang hinawakan sa braso ang lalaki. Pero ang isang kamay ay sa bulsa nitong may pitaka. Mukhang malaki laki ito,'' Bulong ng isip niya.
Akala ng lalaki ay itatayo na siya ng babae. Nang maramdaman niyang may kinukuha ito sa bulsa ng jeans niya ay kumaripas na ito nang takbo. Sing bilis ito ng hangin.
"Hoy! Bumalik ka dito!" sigaw nitong pinilit tumayo kahit may gasgas ang kanyang siko at hinabol niya ang babae.
"Naisahan ako ng babaeng iyon a. Sabi ko na nga ba e, modus niya ito," Bulong nito sa kanyang sarili.
Hingal na Hingal naman sa kakatakbo si Zoe. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito.
"Dalian mo Zoe, hinahabol ka na ng lalaking mayabang na iyon. May lahing kabayo ata iyon at ang bilis niyang tumakbo. Hala, bilisan mo self. Nandiyan na ang kalaban,' sabi niya sa sarili niya.
Papaliko na sana siya nang biglang nahawakan ng lalaki ang braso niya at hinila siya nito, kaya napasubsob siya sa dibdib nito.
"Ay, ang tigas!"
"Matigas talaga ito, lalo na sa baba!"
"Bastos!"
"Bastos na kung bastos. Ibalik mo sa akin ang wallet ko, '' Diin nitong sabi.
"Tinapon ko na 'yung pitaka mo. At may lahi ka bang kabayo at naabutan mo agad ako?"
Napangisi ang lalaki at hinawakan na naman siya nito sa braso.
"Hindi lang kabayo ang lahi ko. Pati kangaroo din. H'wag mo ng ibahin ang usapan miss. Ibalik mo ang pitaka ko, kung ayaw mong tatawag ako ng pulis"
Napalunok siya. "Bitawan mo muna ako at kukunin ko sa bra ko ang pitaka mo"
Binitiwan siya ng lalaki.
"Bra? Bulsa na pala ngayon ang bra at sa'yo ko lang yan nakita. Tssk!"
"Takpan mo yang mata mo."
"Tatakpan ko? Pinagloloko mo ba ako?
Baka takasan mo pa ako kung gagawin ko iyon"
"Kung manilip ka? baka ikaw pa itong makulong at makasuhan ng anti-voyeurism"
"Hindi kagaya mo ang tipo kong silipan. Look at you, hindi ka kagandahan para silipan ko. At halata namang maliit yang b***s mo"
"Wala kang paki! Importante, may dibdib ako. Pumikit ka na! Dami mong ratatatatat!"
"Bilisan mo! Bakit parang mali ata? Ako na nga itong nadukutan, ako pa itong sunod sunuran sa'yo,'' Kakamot kamot nito sa batok niya at tinakpan niya na ang dalawang mata niya.
"Dami mong reklamo. H'wag kang sisilip a. Sisigaw ako dito kung maninilip ka"
"Sige na, sige na. Putak ka nang putak!" Anito na panaka nakang sinisilip ang babae.
Kukunin na sana ni Zoe ang pitaka sa bra niya ng mapansin niyang nakaawang ang isang daliri ng lalaki.
"Hoy, manyak! Gusto mo bang ibigay ko sa'yo ang pitaka mo o sisigaw ako dito?"
Inalis ng lalaki ang kamay niyang nakatakip sa kan'yang mga mata.
"Naiinis na ako, miss. H'wag mong sagarin ang pasensiya ko, kung ayaw mong ako mismo ang kukuha ng wallet ko diyan sa bra mo at wala akong pakialam kung kakasuhan mo pa ako. Ginagawa mo 'kong katawa tawa dito. Pasalamat ka at babae ka"
"Gano'n pala ha,'' Aniyang tatakbo sana siya ngunit nahawakan ng lalaki ang kanyang braso.
"Tatakasan mo na naman ako a"
Sabi nito. Ngunit mabilis ang babae. Sinapak siya nito at sa lakas ng sapak nito ay natumba siya.
"Sorry Mister. Ang kulit mo e.
Sayang, sapak ang inabot mo sa akin.
Sa susunod na makita kita, hindi na wallet mo ang nanakawin ko sa'yo, kundi halik, '' Sabi niyang sabay kindat at tumakbo na siya papalayo sa lalaki.
"Bumalik ka dito!" Sigaw nito sa babae. ''s**t! Siya lang ang tanging babaeng nakasapak sa akin ng ganito," anitong hinaplos ang pisngi niyang sinapak ng babae. Ibang klase ang kamao na 'yun. Para atang kamao ni pacman. Nabawasan ata itong kagwapuhan ko sa sapak na iyon,'' Napapailing nitong sabi.
"Lintik lang ang walang ganti miss. Hindi lang talaga halik ang mananakaw mo sa akin 'pag nagkita tayo. Baka, pati ang nasa baba ko din ay ipanakaw ko sa'yo. Shuta! Kung ano na naman ang naiisip ko,'' Sabi nitong tumayo na at tinawid na ang daan.
(Lotus del Mundo's POV)
"Nakakainis ka naman red. Kung kelan naman ako nagmamadali, tsaka ka titirik,'' Sabi ko sa aking kotse. May date akong pupuntahan tapos ngayon ka bibigay. Makisama ka naman, '' Sabi ko na naman na tinabig ang manibela. Nasaktan tuloy ang kamay ko at napangiwi ako sa sakit.
"Bumabawi ka ba red dahil pinagsasabihan kita. Hindi mo iniwas 'tong manibela mo kaya nasaktan itong maganda kong kamay,'' Sabi kong hinaplos haplos ang likod ng kamay ko. Naalala kong tawagan si Strad, ang ka date ko.
"Hello, babe. Nasiraan ako dito sa daan. Baka malate ako ng dating. Yes, I'll be there at seven thirty. Okay bye,'' At ibinaba ko na ang tawag.
Luminga linga ako. Buti nalang pala at sa tapat ng talyer tumirik si red. Ibinaba ko ang salamin ng kotse ko. Nakakita ako ng siramiko, este mekaniko. Bumaba ako at tinawag ko ito. Pwedeng pakitulak sa talyer niyo?" Sabi ko dito. Tumango lang ito na hindi man lang ngumingiti. May galit ata ito sa mundo. Nagtawag ito ng kasama niya.
"Richard, tulungan mo 'kong itulak
'tong kotse ni sir"
Lumapit ang lalaking tinawag niya.
"Ano 'yon Aga?"
"Sabi ko, tulungan mo akong itulak itong kotse ni sir pogi. Nabibingi ka na sa kakapisbuk mo Richard. Isumbong kaya kita kay Sir Ian Concepcion."
"Ikaw talaga Aga Gomez, parang
pisbuk lang,'' Kakamot kamot nitong sabi.
Lihim akong natawa sa mga
pangalan nila. Hindi halatang fan ng nanay nila ang mga matinee idol. Well, gwapo naman talaga ang mga artistang iyon. Kulang lang siguro ako ng kalahating paligo at dalawang beses na kuskos sa katawan. Iyon nga lang, bakit baliktad ata ang mga apilyedo nila?" Bulong ng isip ko. " Ahm, mga boss saan ang sasakyan dito papuntang East Avenue?"
"Kung dito kayo maghihintay sir, baka abutin kayo ng siyam siyam. Kaya, diretsohin niyo lang yang daan at lumiko kayo. Maraming dumadaang taxi at jeep doon sir, '' Sagot nitong si Aga Gomez.
Nagpasalamat at nagpaalam ako sa mga matinee idol. Sinabi ko sa kanilang kukunin na lang ng dalawang kapatid ko ang kotse ko. Nagbayad na at umalis na ako. Kinuha ko uli ang aking telepono at tinawagan ang aking kapatid para sila na ang mag-uuwi kay red. Wala si mang Poling. Nasa bakasyon ito.
"Hello, Camlin"
"Yes, kuya. Napatawag ka?"
"Tell Newell na pumunta kayo dito"
"Why? What's happening ?"
"Red, stood up. That's why I need your help"
"Bakit kasi iyan pa ang ginamit mong sasakyan? Alam mong topakin yang kotse na iyan. Nandito naman si black''
"This is my favorite car and you know that. Pumunta na kayo dito. Late na ako sa date ko"
"Ayaw talaga ni red na makipagdate ka,'' Sarkastik na sabi ng kapatid ko sa kabilang linya.
"Kung babae nga siguro iyon, talagang ayaw niya akong makipagdate sa iba. Sige na. Pumunta na kayo dito"
"Saan ba yan?"
"Dito sa East Triangle''
"Okay. Tawagin ko saglit si Newell. Hirap pa namang yayain 'yon. Newell! Kuya Lotus called. Puntahan daw natin si red sa talyer,'' Tawag niya sa pangatlo naming kapatid. '' Kuya, he doesn't want to come here''
"Give your cellphone and I'll talk to him''
"Newell! Kuya Lotus is angry. Come here! He wants to talk to you"
Narinig kong nagrereklamo sa kabilang linya ang aking kapatid.
"Kuya.. Why? I'm busy.''
"Stop acting like that Newell. You're just lazy. You go here''
"But, kuya? I have a lots of assignments to do"
"No more buts, Newell. Your assignments can wait! I'm telling you, I will not give your allowance this week"
"There you are kuya. You always pass me by that word. E, 'di mo naman ginagawa"
"Do you want me to do that now? Sabihin mo lang," Pagbabanta ko dito. Sa lahat ng kapatid ko ay si Newell talaga ang laging hindi sumusunod sa akin.
"No. But promise me, You will increase
my allowance"
"Okay. I will give you 550 pesos this week"
"What? 50 pesos lang ang idadagdag mo kuya? Mukha ba akong elementary?"
"Importante ay meron. Pumunta na kayo dito ng kuya Camlin mo. Inihabilin ko na sa mga siramiko na kayo na ang mag-uuwi kay red"
"Siramiko? Okay," Walang ganang sagot ng kapatid ko.
"Balik mo na kay Camlin yang cellphone at isend ko sa kanya ang address ng talyer at makikita niyo doon ang mga matinee idol."
"Okay. Here's your phone kuya Camlin. Tawagin mo na lang ako kung aalis na tayo."
Dinig kong sabi nito. "Camlin, baka hindi ka samahan niyan a. Kung ayaw niya talaga, si Sheaffer na lang ang isama mo," Naiinis kong sabi. Kilala ko ang bituka ni Newell.
"Don't you worry kuya. Ako ang bahala''
"Okay sige na't mag gagabi na at lalakarin ko pa itong daan,'' Sabi kong ibinaba na ang cellphone ko.
Binagtas ko na ang daan. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang babaeng hindi mapakali sa kinatatayuan nito. Marami na akong na encountered na ganito. Kung hindi trip ay modus operandi ika nga. Pagbigyan ko kaya ito? Inayos ko ang suot kong shades. Papalapit na ako sa babae ng mapansin kong nag-aayos ito ng sintas niyang dumihin na. Ilang taon na kayang hindi nalalabhan iyon? "Tssk! Pati ba naman iyon napapansin ko," Bulong ko.
Nang malapit na ako sa kanya ay tumayo ito at kitang kita ko kung paano niya ako tisodin. Ako naman si sardinas e, pinakisamahan ko na. Ngunit nahuli ako ng sarili kong bitag. Tumama ang siko ko sa matigas na semento at talagang masakit ito at baka nga nagkapilay pa ako.
"Awww! Aray!" sigaw ko. "Shuta ka Lotus. Kalalaki mong tao, nadapa ka?" Pagalit kong bulong sa aking sarili. Lumapit sa akin ang babae.
"Okay ka lang ba Mister?" tanong niya sa akin.
"May okay bang nadapa miss? Kaya nga Aray diba?" sabi ko sa kanya.
"Malay ko ba kung okay ka lang. Ilan naman ang nahuli mong palaka?" tanong niya sa akin na ikainis ko.
Napansin kong ngumiti ito. Ano kayang trip ng babaeng ito? "Niloloko
mo ba ako miss? May nakikita ka bang palaka dito?" sabi ko sa kanya.
"Suplado mo. Tatanga tanga ka kasi e, ayan nadapa tuloy," Sabi nitong pabulong pero narinig ng dalawang malinis kong tenga ang ibinulong niya at napahagikgik pa ito.
Napataas ang Kilay ko. "May saltik ata ang babaeng ito?" Bulong ng isipan ko. Tinan0ng ko ito. "What did you say and what's funny?"
" Wala!" sagot nito sa akin. May naisip akong paraan para malaman ko kung anong trip o modus ng babaeng ito.
"Tutulungan mo ba ako o tutunganga ka lang? Lumapit ka lang ba dahil nagagwapuhan ka sa akin?" Sarkastik kong sabi sa kanya.
"Hindi ka lang suplado, mayabang ka pa!" sabi nito sa akin.
"E, sa totoo namang gwapo ako. Iyon sana ang gusto kong isatinig, pero 'wag na lang. ''Miss, hindi ko kailangan ng sermon mo. I need your help, okay. Tulungan mo na akong makatayo dahil napilay ata itong kamay ko at tignan mo, may gasgas itong siko ko, at nagmamadali ako," Sabi ko dito kahit kaya ko namang tumayo.
"Makiusap ka muna, para tulungan kita."Sagot nito sa akin. Napamaang ako sa kanyang sinabi.
"What?!" sabi ko. Okay lang ba ang babaeng ito? Siya na nga itong nagtisod sa akin, ako pa itong makikikiusap. "Whatta world?" bulong uli ng aking isipan. Nagmumukha na akong si Ken Chan sa may O' may tatay sa kakausap ko sa aking sarili.
"Gusto mo bang what watin ko yang gwapo mong mukha? Pa englis englis ka pa e, nandito ka lang sa kalye?"
Napapailing ang aking ulo. Sa baba o sa taas Lotus? Pwedeng both? "Pinagbabawal na bang magsalita ng english dito?" sabi ko. Ang tagal ng babaeng ito na itayo ako. Ngalay na ngalay na ang aking braso. "Gademeyk!"
"Oo. At ako ang nagbabawal."
Napalabi ako sa tinuran niya. "Look, miss. Raise me up, so I can get out of your sight!" sabi ko dito, para inisin siya. Sumagot pa ang babae sa akin. Akala ko ay itatayo niya na ako, pero naramdaman kong ang isang kamay nito ay nasa bulsa ko at kumaripas ito ng takbo. Dinama ko ang aking bulsa. "Siete, otso, nueve. Hoy! Iyong pitaka ko! Bumalik ka dito!" sigaw ko.
Pinilit kong tumayo at hinabol ko ang babae."Naisahan ako ng babaeng 'yun a. Sabi ko na nga ba eh, modus niya ito," Bulong ko habang tumatakbo ako. "Ang bilis niyang tumakbo. Sisiw lang sa akin ang pagtakbo niya . Hasa na kaya ako sa pag takbo. Ano pa' t sumasali ako sa fun run sa kompanya."
Nakita kong papaliko na ang babae, kaya binilisan ko pa ang takbo at nagtagumpay ako. Nahawakan ko ang braso niya. Ang lambot ng balat niya a. Kaso, hindi ata naghihilod ang babaeng ito. Dala siguro sa pawis. Hinila ko ito kaya nasubsob siya sa aking dibdib at nabitawan ko ang braso niya.
"Ay, ang tigas!"
"Matigas talaga iyan, lalo na sa baba!" diin kong sabi dito. At ngumisi pa ako. Pinagod ako ng babaeng ito. Pinagsalitaan pa niya ako ng bastos. Pinipilit ko siyang ibalik ang wallet ko, dahil nando'n ang mga importanteng bagay sa akin kahit sa kan'ya na ang pera.
Sinabi niyang itinapon niya na ang wallet ko, pero hindi ako naniwala. Wala naman akong nakitang itinapon niya iyon. Sinabihan pa niya akong may sa lahi ako ng kabayo dahil naabutan ko siya. Nginisihan ko siya at hinawakan ko na naman siya sa braso. Sinabi ko dito na kung hindi niya ibabalik ang wallet ko ay tatawag ako ng pulis at parang natakot ito.
"Bitawan mo muna ako at kukunin ko sa bra ko ang pitaka mo"
Lihim akong natawa dahil nilagay niya ang wallet ko sa kan'yang bra. Kelan pa naging bulsa ang bra? It means na dumapo iyon sa mismong b***s niya? Pinatakpan niya ang aking dalawang magagandang mga mata para kunin niya ang wallet ko sa kanyang bra. Baka raw silipan ko siya. Hindi sa ganoong babae ako nagkakatipo. Sinilip ko ito baka bigla siyang mawala sa paningin ko. Pero pinagsabihan niya ako nang many*k! "Gademeyk! Siya? Sisilipan ko e, 'di siya kagandahan!''
to be continued..