Chapter 9:Titig

1495 Words
Tumingin pa ako sa salamin nang may pumasok na babaeng empleyado. Tinanong niya ako kung isa ba ako sa mga aplikanteng iinterviewhin ngayon. Sabi ko ay oo. At sabi niya ay nag-umpisa na raw ang interview. Tinignan ko ang lumang relo ko at half hour na pala akong narito. Nagpaalam ako sa babae at tinakbo ko na ang elevator. Pagkabukas ng elevator ay tinakbo ko na ang opisina ng mag-iinterview sa mga aplikante. Nadatnan ko pa ang babaeng nakasuot ng malaking salamin na nakatitig sa akin at tatawagin na sana ako nito ngunit agad akong pumasok sa loob at isinarado ang pinto. Tinanong ko agad sa lalaking nakadekwatro at natatakpan ng folder ang mukha nito kung ako na ba ang susunod kahit hingal na hingal ako. Ibinaba ng lalaki ang hawak nitong folder at tumingin ito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Tumitig siya sa akin. Titig na kay lalim at parang may ibig sabihin at hindi ko alam kung ano 'yon. Kaya 'wag kayong tsismosa dahil malalaman niyo rin mamaya kung ano man iyon. Napalunok ako. Matinding kaba ang nararamdaman ko ngayon at umabot ata hanggang sa aking bituka. Pati ang aking mga tuhod ay nanginginig dahil sa takot at kaba, buti na lang at pinainom ako ni lola ng anlene. Dahil kung hindi ay baka kanina pa ako natumba. Tumayo ang lalaki. Sa pagkakaalam ko ay Lotus ang pangalan nito. Alam kong ito ang may-ari ng hotel dahil nakita ko iyon sa ID niya. Pero hindi ko alam na ito pala mismo ang mag-iinterview sa amin. Sabi ng guard kasi kahapon ay hindi masiyadong pumupunta ang pinaka boss nila at wala naman daw itong pakialam sa mga empleyado at karamihan nga ay hindi nito kilala ang mga empleyado niya. Kaya naglakas loob akong mag-apply dito. Akala ko ay lalapit na ito sa akin, Iyon pala ay lalabas ito. Kaya nakahinga ako ng maluwag. "Relax lang Zoe, '' bulong ko sa aking sarili. Dinama ko ang aking noo. Okay pa naman ang temperature ko. Hindi pa man din nag-uumpisa ang interview ay tagaktak na ang pawis ko at hanggang sa singit pa ata. Nang bumalik ang lalaki sa loob ay saglit akong napapikit. Hindi ko alam kung uupo ba ako o hindi dahil hindi naman niya ako inaalok para umupo. Titig na titig ito sa akin. Kaya napahawak tuloy ako ng mahigpit sa bag ko at nagsalita ito. " It was you. Yeah it's really you. What a small world. Nagbago ang itsura mo but your face has not changed, '' sabi nito at lumapit sa akin. Halos matumba ako sa aking kinatatayuan dahil sa paglapit nito. Magsasalita sana ako kaso ay ayaw niya akong pagsalitahin tapos magagalit siya nong hindi ko siya sagutin sa tanong niya. Sinabi ko na lang na alam kong siya ang CEO pero hindi dito sa hotel na ito. Kailangan kong magsinungaling dahil para ko na ring ipinahamak ang sarili ko kung aaminin ako sa kanya. Marami pa siyang sinabi sa akin. Ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit tumugon ako sa kanyang mapangahas na halik. First kiss ko 'yon, pero bakit pa sa aroganteng katulad niya. Nakakahiya ako. Gusto ko siyang sampalin, kaso ay nanghina ako pagkatapos ng halik na iyon. Buti na lang at may kumatok at tumatawag sa labas. Dahil kung hindi ay baka kung ano na ang kahinatnan ng halik na iyon. Baka mapunta pa sa kung saan. Hindi ako makatingin sa kanya. Namula ang aking mukha at alam kong pati siya ay namula rin. Binuksan niya ang pinto at halos 'di ko marinig ang usapan nila ng babaeng nakasalamin. Nakita ko na lang siya na umalis at hinarap ako ng babaeng nagpakilalang sekretarya ng aroganteng iyon at tinanong ako nito. ''Ahm, kayo po ba si Zoe Pad Reyes?" "Ako nga po mam, '' sabi ko dito na nginitihan siya. "Ako nga po pala si Maxine Villarde. Call me Maxi. According to sir, tapos na raw niya kayong interviewhin?" sabi niya sa akin. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba a'g totoo sa kanya. Mukha naman kasi itong pagkakatiwalaan. Pero napaisip ako na kapag sinabi ko ang totoo, baka ikakahamak ko pa. "H-ha? O-oo. Tapos na, '' sabi ko dito. Nginitihan lang niya ako. At nagpaalam na ito sa akin. Pumikit ako at bumuntong hininga ng malalim at lumabas na rin ako para sa susunod na sasabihin ng big boss kung anong posisyon ang ibibigay niya sa akin. Kinakabahan man ako ay kailangan ko ang trabaho na ito. -------- "Hello, sir Lotus. Nasaan na po ba kayo? Iyon pong hinired ninyong bagong empleyado ninyo, kanina pa kayo hinihintay at mukhang gutom na ho," ani Maxi na kinakamot ang ulo. "Nandito ako sa kabilang opisina ko, Maxi. Papuntahin mo na lang siya dito at um-order ka na lang ng pagkain. Good for two.'' "Ha? Anong ginagawa niyo diyan sir? Diba, private room ninyo po iyan? Ba't niyo po papupuntahin si Ms. Zoe Pad Reyes diyan at sabay kayong maglalunch?" "Tanong nang tanong Maxi? Ihatid mo na lang siya dito at dito ko na rin sasabihin kung anong posisyon ang ibibigay ko sa kanya. Sundin mo na lang kung anong sinasabi ko sa'yo.'' inis na sabi nito sa kabilang linya. Napanguso naman si Maxi at bumulong. "Ano bang problema ni sir? Kanina lang good mood siya. Anyare? Maka-order na nga. Baka lalong mainis 'yon sa akin," Sabi niyang idenial ang numero ng restaurant at pinuntahan niya na si Zoe. "Ahm, Ms. Reyes doon po tayo sa private room ni Sir Lotus.'' "Private room?" "Oho. Iyon po kasi ang sabi niya. Katatawag ko lang ho sa boss ko na iyon kanin kanina lang ho.'' " E, bakit sa private room pa ng lalaking iyon?" anitong humalukipkip at napagtanto niyang nadulas siya sa kan'yang sinabi. Kumunot naman ang makinis na nuo ni Maxi sa narinig. "Lalaking iyon? Teka, teka. Magkakilala ho ba kayo ni Sir? Parang may iba e,'' sabi niyang tumaas ang isang kilay niya. "Ah? H-hindi, '' pagtatanggi nito. "Alangan naman na sabihin kong babaeng iyon e, lalaki siya. Pwede sana kung bading siya. Pero hindi diba?" aniyang inirapan ang kaharap na sekretarya. "Okay. Sabi niyo ho e. Tara na po doon, baka magiging tigre na naman iyon 'pag di pa kita inihatid doon,'' aniyang hinila ang braso ng dalaga." Feeling close tayo no?" sabi niyang ngumiti kay Zoe. Napapailing naman si Zoe sa kanya. Pinuntahan na nilang dalawa ang private room ni Lotus na halos singkwentang hakbang lang mula sa opisina ng binatang Ceo ang layo doon. Kumatok si Maxi at automatic na bumukas ang pinto. "Automatic no? Alam mo bang bihirang nagpapapasok si Sir dito ng empleyado sa opisina niya. Kaya balitaaan mo ako kung anong gagawin niya sa'yo ay este sasabihin niya sa'yo sa loob. At kasabay mo siyang maglalunch. From now on, friendship na tayo ha,'' sabi niyang kininditan ang dalaga. Napaubo naman si Zoe sa inasta ng sekretarya. Manang itong manamit at nakasuot ito ng makapal na salamin, pero kung magsalita ay cool lang. Walang arte sa sarili. Hindi katulad ng mga ibang empleyado na sobrang arte. Akala nila ay sa kanila ang building na ito kung makaasta sila. Kaya siguradong magkakasundo sila ng babaeng ito. Dalawang pinto ang nandoon. At sa kanang pinto sila tumungo. Kakatok na sana si Maxi nang biglang bumukas ang pinto at nagulat si Zoe. Halos matawa naman ang dalawa sa inakto ng dalaga. Pinamulahan tuloy ito ng pisngi. "Sorry.'' hinging paumanhin ni Lotus kay Zoe. " Hindi halatang excited kayo sa pag bukas sir,'' sabi naman ni Maxi. "Maxi,'' baling ng binata sa kaniyang sekretarya. " Jowk lang ho.'' anitong yumuko. "Come in Ms. Reyes. Maxi, iyong binilin ko sa'yo, '' anitong Tina asan ng isang kilay ang sekretarya niya. " Oho sir. On the way na ho ang lunch niyo. '' "On the way? Sa baba lang ang restaurant natin, paanong on the way?" "Jowk lang ho sir. Kayo naman, hindi mabiro, '' anitong nagpeace sign." Sige ho sir, sa labas na ho ako." Humugot ng malalim na hininga ang binata." Okay.'' sagot na lang niya dito. At lumabas na nga roon si Maxi. "Come in Ms. Reyes,'' aniyang hindi tumitingin sa dalaga. Pumasok naman sa loob si Zoe at hindi niya alam kung uupo ba siya o hindi. Napansin naman ni Lotus na parang naiirita sa kanya ang dalaga. Tumikhim siya. "Ehem. I think your not comportable with me. About what happened earlier, I want to apologize for what I did.'' sabi niya at tumingin sa dalaga. Nagtama na naman ang kanilang mga mata. Ilang segundo silang nagkatitigan at naunang nagbaba ng tingin si Zoe. "Have a seat. Baka sumakit yang binti mo 'pag di ka pa umupo.'' pagtutuloy niya. Umupo naman ang dalaga patagilid sa kanya kaya may pagkakataon siyang titigan ang magandang mukha nito. Ngumiti siya ng palihim ng mahuli siya ng dalaga na nakatitig siya dito. to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD