Wala ng maapuhap na mga salita sa kanyang narinig si Mico, kahit na pangit ang naging end ng kanilang relasyong dalawa ay nalulungkot pa rin siya sa sinapit na ngayon ng relasyon ng babae sa ibang lalaki. Na minsan sa kanyang buhay ay minahal niya pa rin ang babaeng ito na nasa harapan niya sa kabila ng kakulangan at kagaspangan ng ugali nito sa kanya noon. Nalulungkot siya na malaman na nangyayari iyon kay Madox ngayon, ang lahat ng malas na hindi naman niya kusang hiniling na mangyari sa babae kahit na niloko pa siya nito noon. Tila nadudurog ang kanyang puso kahit pa sabihin na mas pinili na lang nilang maghiwalay na dalawa. Ilang taon din ang kanilang pinagsamahang dalawa, ang naging relasyon nila at hindi maitatangging may kurot pa din ang mga bagay na iyon doon sa katauhan ni Mico.

