Chapter 60

2503 Words

Ilang beses na ibinuka ni Madox ang kanyang bibig ngunit tila ba tinakasan na siya ng tinig niya ngayon habang kaharap niya pa ‘ring nakatayo doon si Mico na may gulantang pa ‘ring mga mata. Walang kakurap-kurap ang mga titig niya sa mukha ng dati niyang kasintahan. Kung punong-puno ng tapang si Madox sa kanyang katawan doon kanina bago pa magtungo doon, ngayon ay tila naglaho na iyong parang bula at tinangay na ng malakas na lipad ng hangin kasabay ng agarang pandidilim ng tingin ni Mico sa kanyang mukha. Wala na siyang maapuhap na mga salita lalo na at seryoso ang mga titig ni Mico sa kanya. Para siya nitong tinutunaw at ibinababad sa suka. Mga titig na hindi niya mahulaan ang mga ipinapahiwatig doon o sadyang ayaw niya lang tanggapin sa kanyang sarili na hindi na ito kagaya ng mga titig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD