Hindi na doon sumagot si Avril na mahina ng humahagikhik habang nakabalot pa rin ang katawan niya sa kumot. Nakatakip na sa kanyang bibig ang isa niyang palad. Hindi niya mapigilan pa ang matawa sa mga ginagawa niya ngayon. Pinagtri-tripan niya ang asawang si Mico, at para sa kanya ay satisfying ito. "Baby?" marahang tapik muli nito sa kanyang likod, hindi niya pa rin pinansin ang tawag ng asawa. Maya-maya pa ay marahan ng naging hagod ang kanyang mga tapik sa kanyang likod, ngunit hindi pa rin niya ito pinansin. "Hala, tinulugan na nga yata talaga ako nito." Lalo pang lumawak ang ngisi doon ni Avril, nai-imagine na niya ang itsura ngayon ni Mico na alam niyang naiirita at naiintriga pa rin sa aktong pambabalewala niya dito. At kahit na gusto niyang makita ang reaction nito ay hindi niy

