Matapos na makarating nila sa unit ni Mico ay nagpahinga lang ng ilang minuto si Avril at nagpaalam na magtutungo ito ng banyo upang mabilisang maligo doon. Init na init na siya sa alikabok kanina pa. Idagdag pa ang kanyang kolorete sa mukha. "Are you sure Baby, hindi pagod ang katawang lupa mo? Ayaw mo bang magpahinga muna?" may himig na ng pag-aalala sa tinig ni Mico, "Hindi mo naman kailangang maligo ngayong gabi." Payak lang na tumawa si Avril, kumuha na ng tuwalya sa kanyang inihanda kagabing maleta. Hindi pinansin ang mga sinabi ni Mico na may iba ng kahulugan sa kanyang pandinig. "Hindi pa ako pagod, hindi mo pa naman ako pinapagod kaya bakit ako mapapagod?" tanong niyang ngumisi pa sa asawa niyang natitigilan na sa kanyang tinuran, "Mabilis lang ako." Marahang sinalat-salat ni

