“Sigurado kang diyan ka matutulog, Mico?” ilang beses ng naitanong ni Avril iyon kay Mico na naglatag ng higaan niya sa sahig ng loob ng silid ni Avril, kahit na sinabi ng mga magulang ng dalaga na malaki naman ang kama ng kanilang anak at pwede siyang sa tabi nito matulog. Ang mahalaga ay mayroon na siyang pahintulot mula sa kanila. At nasa hustong edad na rin naman sila ng kanyang nobyo. At isa pa iyon ang pakay ng mag-asawa kung kaya ipinipilit nilang doon na siya matulog sa tabi ng kanilang anak ngayon. “Mananakit lang ang likod mo diyan sa sahig.” “Ayos lang ako dito, Baby, matulog na tayo.” tugon ni Mico na sa kabilang dereksyon nakaharap at nakabaluktot ang katawan doon habang yakap ang kumot at unang ibinigay ng magulang ni Avril, “Alalahananin mong pareho pa tayong maagang aalis

