Pagbalik galing ng bakasyon ay naging abala na sina Mico at Avril sa kanilang sariling mga trabaho sa kumpanya ng kanilang mga pamilya. Kaalinsabay pa iyon ng paghahanda nila sa napipinto nilang magiging kasal na dalawa. Ganunpaman ay hindi nila naging alintana iyong dalawa, patuloy silang umabante kahit sa sa pagpapalit ng buwan ay bumungad ang isang problema kay Avril tungkol sa kanilang isa sa main branch ng Grilled Chicken na nasunog at tuluyang inabo ng nagngangalit na ningas ng apoy. She needs to moved some of their staff sa ibang branches upang hindi sila tuluyang mawalan ng trabaho habang inaasikaso pa nila ng kanyang mga magulang ang rebuild ng bumagsak na main branch na tuluyan ng naabo. Pasalamat na lang din sila dito na walang nasaktan doon, isa ito sa mas malaki ang nagiging p

