bc

MAJIKA

book_age16+
148
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
fated
comedy
humorous
evil
demon
sword-and-sorcery
magical world
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Simple lang ang lahat ng bagay para sa kanya, mga pangarap na gustong makamit, mga ambisyon sa buhay. Tanggap na niya sana ang mga bagay na wala sa kanya. Pero lahat nagbago ng pagtungtung nya sa edad na dyese otso. Mga pananaw, paniniwala at higit sa lahat ang katotohanan sa likod ng masalimoot na buhay na kanyang naranasan sa loob ng labing-walong taon nya sa mundo.

chap-preview
Free preview
Seventeen
Pagmulat ng mata niya agad napatingin yung binata sa kalendaryong nakapaskil sa kanyang dingding. “June 5” bigkas niya at huminga siya ng malalim at napatingin sa kisame. Siya si Benjoe, 17 taong gulang at isang ulila. Kinupkop siya ng isang matanda na pangalan ay Tasyo, tinuring niya itong lolo at itong matanda ang nagpalaki sa kanya. Isang magsasaka lang si Tasyo at may sariling pamilya. Kaya mula nung bata si Benjoe nag aral siya ng mabuti para makakuha ng mga scholarship. Ayaw niyang makadagdag sa pasanin ng tinuring niyang lolo at naging mapalad yung binata pagkat nabiyayaan siya ng full scholarship mula elemtary hanggang high school sa isang private school. Doon niya nakilala si Arturo, na naging matalik na kaibigan niya. Magkaklase sila mula elemtarya hanggang high school. Mayaman sina Art, mabait ang kanyang magulang at tinuring na nilang anak din si Benjoe. Sa katanuyan ay inalok nila bayaran ang buong college fees ni Benjoe pero nahiya yung binata. Dahil sa sipag at tiyaga sa pag aaral ay nakakuha ulit siya ng academic scholarship sa isang tanyag na unibersidad kung saan pumapasok din si Art. Ang tanging tinanggap niya mula sa pamilya nina Art ay ang pagtira sa condo ng kanyang kaibigan. Kasama ng scholarship ay may allowances si Benjoe kaya maganda ang kanyang buhay pero hindi siya masaya. Naiinggit siya kay Art, isang matipunong binata na nabiyayaan ng yaman at magandang itsura. Lalo pang naiinggit si Benjoe pagkat maganda ang girlfriend ng kanyang kaibigan, si Kate. May lihim na pagtingin si Benjoe kay Kate, sino ba ang hindi magkakagusto sa dalaga pagkat maganda na at mabait pa siya. Naging close sila ni Benjoe, bestfriend ang kanilang turingan at tuwing nag aaway si Art at Kate, nandon siya lagi para damayan ang dalaga. May hinanakit si Benjoe kay Art pagkat babaero ito, tuwing wala si Kate ay lagi may kasama itong ibang babae. Gusto niya sana isumbong kay Kate ito pero ayaw naman niya masira ang pagkakaibigan nila at alam niyang kahit na maghiwalay sila ay di naman mapapasakanya ang dalaga pagkat di siya pinagpala sa itsura. Nagbukas ang pinto ng kwarto niya, isang matamis na ngiti ang bumati sa kanya. “Happy birthday bespren!!!” sigaw ni Kate at agad nakihiga yung dalaga sa kama at niyakap yung binata. Malambing sila talaga sa isat isa, minsan naiisip ng ibang barkada ni Art na mas magsyota pa sila ni Benjoe. “Bukas pa birthday ko bespren” sagot ng binata. “Happy birthday parekoy!!!” sigaw ni Art at pati siya nakihiga sa kama at niyakap ang kaibigan niya. “Pare naman, pag si Kate pwede, pero pag ikaw medyo pagdududahan na tayo” sabi ni Bejoe. Hinalikan bigla ni Art ang kaibigan niya sa pisngi at tawa ng tawa yung dalaga. “Ew!!! Kadiri kayo talaga!” sigaw niya pero game na game naman yumakap si Benjoe sa kanyang kaibigang lalake. “So pare ano gusto mo ihanda natin bukas?” tanong ni Art. “Pare wag naman na nakakahiya na masyado. Malaki na naitulong niyo sa akin” sagot ni Benjoe. “Ah shut up ka pare. Pinapatanong din nina mama e. Ano maghahanda tayo dito o kakain nalang tayo sa labas?” tanong ng kaibigan niya. “Pare wag naman na, nakakahiya na. Every year nalang na ganito e” sabi ni Benjoe. “Ah basta pare, you deserve it. Alam mo pare my parents know that pag wala ka malamang nawalan na ako ng landas.” “Parang guardian angel kita e” sabi ni Art at Nagkatinginan sila. “Talaga?” tanong ni Benjoe at napailing ang kaibigan niya pagkat alam niya na alam ni Benjoe ang lahat ng kanyang sekreto. “Oy tama na nga drama niyong dalawa. So ano ihahanda natin bukas?” tanong ni Kate. May kumatok ng malakas sa pinto ng condo. Agad bumangon yung dalaga at muling nagkatinginan yung magkaibigan. “Pare naman wag ganon” sabi ni Art. “Sabi ko sa iyo pare magbago ka na. I told you to stop fooling around or else I will really tell her.” “Wala na ako pakialam kung palayasin mo ako o ipabugbog sa mga barkada mo” sabi ni Benjoe. “Yeah pare I know, sorry, last na talaga yung last week” sabi ni Art. “Benjoe! Lolo mo nandito” sabi ni Kate at agad bumangon yung binata. Paglabas niya ng kwarto ay agad sya hinila ng matanda. “Dalian mo wala na tayong oras na pwede sayangin” sabi ng matanda. “Hey gramps whats the problem?” tanong nung binata. “Basta sumama ka sa akin” sabi ni Tasyo. “Saan kayo pupunta?” tanong ni Kate. “Magbibihis muna ako lo” sabi ni Benjoe. “Hindi na! Sumama ka na sa akin ngayon at malayo pa ang lalakbayin natin!” sigaw ng matanda at natahimik yung tatlo. “E birthday ho niya bukas, babalik ba kayo lolo?” tanong ni Art. “Hindi ko alam basta kailangan na namin umalis” sabi ni Tasyo. “Saan ba kasi tayo pupunta lolo? Pwede ba pagkatapos nalang ng bukas?” tanong ni Benjoe. “Sumama ka na ngayon! Parang awa mo na apo sumama ka na sa akin. Halika na!” sigaw ni Tasyo. Kinapitan ni Kate si Benjoe pero mapilit talaga yung matanda. “Okay okay relax, sige sasama na ako” sabi ng binata. “Benjoe” sabi ni Kate. “Okay lang, di ko alam bakit pero sige sasama ako sa lolo ko. I will try to be back by tomorrow. Don’t worry about me” sabi ng binata. Nilabas ni Art ang phone niya pero masama ang titig ni Tasyo sa kanya. “Alam ko madami kang koneksyon pero pag ayaw niyo masaktan wag na kayo makikialam. Hindi niyo alam ano maaring makakaharap niyo” banta ng matanda. “Sige na pre okay lang ako. I will be back when I can” sabi ni Benjoe at sumama na siya sa matanda. Nakalabas ng condo ang dalawa pero sumunod sina Kate at Art. Nagulat sila pagkat may magarang SUV na nakaparada sa kalsada at doon pumasok yung dalawa. “Wow, kailan pa nagkaroon ng ganyan si lolo?” tanong ni Art. “I have a bad feeling about this” sabi ni Kate pero bago pumasok ng sasakyan si Benjoe at tumalikod ito at kinawayan yung dalawa. “Babalik ako promise” sigaw niya at tuluyan nang pumasok. Sa loob ng kotse ay pinaandar na ni Tasyo ang makina, “Wow lolo mukhang asenso ka na ha. Ilang buwan lang tayo di nagkita may kotse ka na” sabi ni Benjoe. “Di ako lolo mo, mag seat belt ka” sabi ng matanda. “Bakit pa? Tinted naman yung bintana, di na tayo mahuhuli ng pulis no” sagot ng binata. “Mag seat belt ka! Pag may masamang nangyari sa iyo tiyak na papatayin ako non” sabi ng matanda. “Sino?” tanong ni Benjoe. “Wag ka na matanong, mahabang biyahe ito kaya tumahimik ka nalang o kaya matulog” sabi ni Tasyo. “Sino? Kanino mo ako dadalhin?” pilit ng binata. “Sa tatay mo! Wag ka nang matanong sabi e. Siya na bahala magpapaliwanag” sabi ng matanda. “Lolo talaga nagpapatawa ka na e. Patay na yung nanay at tatay ko diba? Naka drugs ka ba gramps?” sabi ni Benjoe at masama ang tingin ni Tasyo sa kanya. “Iniwan ka sa akin ng tatay mo nung sanggol ka, sabi niya sasabihin ko sa iyo na patay na mga magulang mo.” “Kung may tanong ka sa kanya mo nalang itanong” sabi ng matanda. “Oo na nice joke lolo. Pano mo ba nakuha tong kotse? Marunong ka pala mag maneho? O tapos ano yan Rolex?” “Wow tumama ba kayo ng lotto? Dadalhin mo ako siguro sa bagong bahay niyo ano?” tanong ni Benjoe at nairita na yung matanda. “Sabi ng tatay mo basta maalagaan kita at mapalaki ng maayos, balang araw pagbalik niya gagantipalahan niya ako ng kayamanan.” “Hindi ako naniwala noon pero alam mo ba baldado na ako noon? Naka wheel chair na ako noon dahil sa disgrasya pero nung pinalakad niya ako muli wala ako magawa kundi sumunod sa kanya.” “Pasensya ka na ngayon na yung oras na yon. Eto mga nakikita mo galing lahat sa kanya to.” “Oo maayos na buhay namin at ayaw na namin makialam pa” kwento ni Tasyo sa nanginginig na boses. “Wow cool! So ibig mo sabihin mayaman tatay ko?” tanong ng binata at napakamot yung matanda. “Yang tatay mo nakakatakot, hindi siya tao. Hindi na ako pwede magsalita pa baka parusahan niya ako at bawiin niya lahat ito” sagot ng matanda. “Weh! Patawa ka talaga lolo, e ano naman ang tatay ko kung hindi tao?” tanong ni Benjoe. Pinatigil ni Tasyo ang kotse at tinabi, tinignan ng masama ang binata at huminga ng malalim. “Demonyo ang tatay mo!!!” sigaw niya at biglang dumilim ang kalangitan at may malaking kidlat ang tumama sa malapit. “Diyos ko po narinig niya, wag ka na matanong pa kasi please” sabi ni Tasyo at matulin na pinatakbo yung sasakyan. Di makapaniwala si Benjoe pero nangilabot siya sa kidlat. Tinignan nalang niya yung matanda at tumawa. “Coincidence lang yon, sus okay sige na nga kunwari naniniwala na ako” sabi ng binata pero may takot na namumuo sa kanyang dibdib. Pagdating nila expressway ay biglang nakatulog si Tasyo. Nagpanic si Benjoe at agad napahawak sa manubela. “Lolo! Gising!” sigaw niya pero di maintindihan ni Benjoe, gumagalaw ang mga kamay ng matanda at nagagawa pa nito magkambyo kahit siyay tulog. Inaantok si Benjoe, di niya maintindihan ang nangyayari, napasandal siya sa matanda at tuluyan naring nakatulog. Nagising si Benjoe, masakit ang katawan niya pero pagtingin niya sa labas ay may malaking bahay sa tapat nila at nakatigil na yung kotse. “Lolo gising!” sabi niya at dahan dahan namulat si Tasyo at biglang nanginig. “Nandito na tayo, halika na ihahatid na kita para matapos na obligasyon ko” sabi ng matanda. “Pero lolo pano tayo nakarating dito? Nakatulog ka kanina kaya nagpanic ako, di ko alam pero nakatulog din ako e” sabi ni Benjoe. “Ganyan talaga tatay mo, masyado maingat. Pati nung dinalaw niya ako last week naglakad ako habang tulog.” “Hayaan mo na yang kwento na yan, halika na para makaalis na ako” sabi ni Tasyo at lumabas sila ng kotse. Nakarating yung dalawa sa pinto, hindi pa sila kumakatok pero nagbukas agad yung pintuan. “Late na ba tayo? Diyos ko delikado to” sabi ni Tasyo at halatang kinakabahan siya. Takot na takot narin si Benjoe nang pumasok sila sa magarang bahay. Lahat ng kagamitan sa loob ay gawa sag into at punong puno sila ng mga diyamante. “Oh wow, kahit makuha ko lang tong isang silya solve solve na ako” sabi ng binata. Pumasok sila sa isang kwarto na may pulang pintuan, napayuko si Tasyo at nanginig pagkat may isang lalake na nakatayo at nakaharap sa bintana. “Makakaalis ka na Tasyo. Sapat na ba yung naibigay ko sa iyo na kayamanan?” tanong nung lalake sa napakalalim na boses. Napahawak si Benjoe sa matanda pero si Tasyo ang bilis tumakbo palabas. “Sapat na po! Sige po! Sige iho goodluck! I love you Benjoe, text text nalang ha!” sabi ng matanda at biglang nagsara ang pinto kaya nabalot ng takot yung binata. “Matagal na kitang gusto makita anak” sabi ng lalake at humarap ito kay Benjoe. Matutulis ang kilay ng lalake, grapo at balbas sarado. “Halika Saturnino, have a seat anak at mag usap tayo” sabi niya at napasandal ang binata sa dingding at nagsimulang tumawa. “Patay na ang tatay ko. Ano to may hidden camera? Good time lang to ano?” sabi ng binata at dumagungdong ang malakas na tawa nung lalake sa buong kwarto. “Hindi Saturnino, ako ang iyong ama” sabi ng lalake at naupo ito sa isang sofa. “Benjoe ang pangalan ko, hindi Saturnino. Patay na ang aking ama at ina” pilit nung binata. “Maupo ka anak at ipapaliwanag ko lahat. Namiss na kita sobra at matagal na kitang gusto makasama. Sige na iho maupo ka” sabi ng lalake at ayaw pumayag ni Benjoe. “Kung lokohan ito tama na, oo na panalo na kayo. At sabi ni Lolo demonyo ka daw? Imposible na yon” sabi ng binata sabay tumawa. Nanigas bigla ang katawan ni Benjoe, lumutang siya sa ere at nagtungo sa sofa na katapat ng lalake. Nang nakaupo siya ay nakagalaw ulit ito pero sobrang nabalot na ng takot. “Ngayon nakuha ko na ba atensyon mo?” tanong nung lalake at tulala lang si Benjoe at napatungo ang ulo. “Oh my God” bigkas ng binata. “Don’t say bad words!!!” sigaw ng lalake at muling kumidlat sa labas ng bahay. “Grabe Saturnino, sanggol ka pa noon nung iniwan kita kay Tasyo. Pasensya ka na anak pagkat kinakailangan ko gawin yon. Saka ko na ipapaliwanag ang lahat pero sa ngayon gusto ko sagutin lahat ng tanong mo. Alam ko mahirap tanggapin ang lahat na ito pero anak maniwala ka ako ang iyong ama” sabi ng lalake. “Ano pangalan mo? At totoo bang demonyo ka?” tanong ni Benjoe na nanginginig. “Ang pangalan ko ay Antonio at oo anak demonyo ako” sagot ng lalake. “Di ba dapat Lucifer ang pangalan niyo o satanas?” tanong ni Benjoe. Napailing si Antonio saglit, napatingin sa malayo at nagsimangot. “Ah mga big bossing yon. Si Lucifer ay ang grand daddy ng mga demonyo sa buong mundo, si Satanas naman ang big bossing ng mga demonyo dito sa Pinas.” “ Ako naman ay masasabi mo narin na bossing sa bansang ito pero komplikado lahat at ipapaliwanag ko sa iyo balang araw” sagot ni Antonio. “E bakit mukha kang tao?” tanong ni Benjoe at natawa ang tatay niya. “Anak pag pinakita ko sa iyo ang tunay kong anyo baka di kakayanin ng puso mo” sabi ng ama niya. “Di parin ako makapaniwala, ibig mo sabihin hindi rin ito ang tunay kong anyo?” tanong ng binata. “Yan na ang tunay mong anyo anak, nung ginawa ka namin ng nanay mo naka human form kami kaya ikaw ay tao pero may demon blood ka” paliwanag ng tatay niya. “Nasan ang nanay ko?” tanong ni Benjoe at napatayo si Antonio at naglakad lakad. “Hindi ko alam pero wag kang magtatanim ng galit sa kanya anak. Bweno, ako naman ang magpapaliwanag kaya makinig ka mabuti” sabi ng tatay niya at sumandal si Benjoe sa sofa at di parin makapaniwala. “Alam ko tinatanong mo bakit wala kang powers, totoo yan wala ka pang powers pagkat wala ka pa sa sapat na edad. “ “Ang kapangyarihan mo ay lalabas pagsapit mo ng edad na eighteen and that is tomorrow” sabi ni Antonio at nagulat si Benjoe at napatingin sa kamay niya. “Ows? Ano klaseng powers? Teka totoo ba ito talaga? Please pag lokohan lang ito suko na ako” sabi ng binata. “Everything is true Saturnino, and tomorrow you shall gain your powers” sabi ng tatay niya pero napansin ng binata ang kalungkutan sa mukha nito. “Di ba dapat happy ka? Pag totoo sinasabi mo dapat masaya ka pagkat nakita mo anak mo at magkaka powers ako” sabi ni Benjoe. “Hay, its not that easy anak. Kung pwede lang wag ka na magkakaroon ng kapangyarihan pero nandito na. Ayaw ko sana mangyari ito pero Saturnino ikaw ang papalit sa akin.” “Pinaparetiro na nila ako at ikaw na magdadala ng malaking responsibilidad, sa kamay mo nakasalalay ang balance ng Pinas” paliwang ng ama niya. “Say what?!” tanong ni Benjoe at napaupo si Antonio sa tabi niya. “Saka na natin pag usapan yan anak. Ang importante ay kasama na kita. Kailangan pa kita gabayan sa pag gamit at paghasa ng kapangyarihan mo bago mo ako pwede palitan.” “Relax ka lang muna anak and for the next few days just enjoy being a demon” sabi ni Antonio. “Bakit mo pa ako binibitin? Bakit di mo pa sabihin lahat ngayon na?” pagalit na tanong ng binata. “Sinabi ko saka na e!!!” sigaw ng ama niya at namula ang mga mata niyo. Agad napayuko si Benjoe at nanliit, “Okay pow” bulong niya sa takot. “Wag kang jejemon! Alam ko mautak ka! Di maitatago ng pagiging jejemon ang tunay mong anyo. Jejemon jejemon para magmukhang cute! Pweh!” “Such nonsense and blatant waste of brain cells. Communication is supposed to be direct and simple for everyone to understand each other” litanya ng ama niya at biglang natawa si Benjoe. “Aha! Napatawa kita ano? Good! Gusto mo din ba yakapin kita o ihele kita? Gusto mo kantahan kita ng lullaby?” tanong ni Antonio at napaamo ang mukha ng binata at naluluha. “Di ko naramdaman ang mga yan nung bata ako” bulong niya. “Pwes! Wala ako balak gawin yon sa iyo! Ang laki laki mo na! Damulag ka na at gusto mo pa ng ganon?” banat ni Antonio at tumawa ng napakalakas. “Demonyo ka talaga ano?” tanong ni Benjoe at dinilatan siya ng ama niya at napaatras ang binata pagkat mahaba at matulis ang dila ng tatay niya. “Pati naman ikaw…pero bukas pa” sabi ni Antonio. “So okay, medyo naniniwala ako. Itong kayamanan mo akin narin ba?” tanong ng binata. “Nope!” sagot ng tatay niya. “Eh bakit ganon? Dapat may mana ako” reklamo ni Benjoe. “Patay na ba ako?! Ha?! Ngayon palang tayo nagkita gusto mo na ako mamatay?” pabirong tanong ni Antonio. “Hindi po, pero lumaki akong walang pera kaya kanina medyo natuwa ako nung makita ko ang laki ng bahay niyo tapos panay ginto. Since anak niyo ako kahit allowance lang sana” banat ng binata. “Never! Pinaghirapan ko mga ito, and maybe youre forgetting demonyo ako, we are selfissssshhh” bulong ng tatay niya at napasimangot si Benjoe. “Damot! Sige turuan mo ako pano yumaman” sabi niya. “Matalino ka naman e, so yumaman ka mag isa mo!” banat ni Antonio. “At ikaw pano mo naipon tong yaman na ito?” tanong ng binata. “Haller! Kulangot palang ito sa kayamanan ko. I steal from the corrupt officials, wala sila karapatan magreklamo pag nakita nila nawawala pera nila or else mabubuking silaaaa” landi ng ama niya. “Turuan mo ako” sabi ni Benjoe. “Sorry, all corrupt officials are mine. And if you touch my cows, I will kill you” sabi ni Antonio. “Pero anak mo ako!” reklamo ng binata. “Ay oo nga pala, if you touch my cows then I will s***k you” ulit ng ama niya pero tumawa lang yung binata. “With this” pahabol ni Antonio at biglang may lumitaw na malaking kahoy na puno ng duguang pako. “Don’t worry di ka mamatay sa palo” hirit niya at napasimangot si Benjoe. “Bakit ganon ba kaimportante ang pera sa iyo anak?” tanong ni Antonio. “Hindi naman po, pero madami lang ako namiss habang lumalaki. Hanggang tingin nalang ako sa iba.” “Ni wala pa nga akong cellphone e. Sila nakikinig sa mga ipod, ako sa lumang radio parin.” "Nadadala nila ipod nila sa school o kahit saan, ako di ko madala yung radio pagkat nakakahiya” “Hanggang fishball ko nalang natreat mga kaibigan ko. Yun lang kaya ko sa allowance na nakukuha ko e.” “Ilang birthday ko na ang lumipas at laging sina Art ang naghahanda para sa akin. Sobra na ako nahihiya dad.” “Parang may limitasyon ang buhay ko, hanggang sa isang sulok nalang ako palagi pagkat pag humakbang ako kailangan ko na ng pera sa mundo ng buhay.” “Pero ayos lang naman dad, nakakayanan ko pa naman” drama ng binata. Nakayuko si Antonio at nakita ni Benjoe na tumulo ang luha niya. “Naawa ka na ba? Bibigyan mo ako pera?” tanong ng binata. “Hindi ako naawa, demonyo ako remember” sabi ni Antonio sabay nilayo ang tingin niya pero may kirot sa kanyang dibdib. “E bakit ka umiiyak?” tanong ng binata. “Napuling ako” bulong ng ama niya. “Palusot!” sigaw ng binata sabay tawa. Humarap sa kanya ang ama niya at muling namula ang mga mata nito. “Opo napuling kayo, mahangin po kasi dito, lakas ng aircon” bigkas ni Benjoe sabay yumuko sa takot. Niyakap bigla ni Antonio ang anak niya. Nanigas konti si Benjoe pagkat di siya sanay pero napasandal din siya sa kanyang ama. “Naiyak ako kasi you called me dad” bulong ni Antonio. “Hindi ba totoo?” tanong ni Benjoe. “Totoo Saturnino, ako ang ama mo” bulong ng ama niya. “Benjoe pangalan ko” sabi ng binata. “Saturnino ang binigay namin na pangalan mo anak. Kinailangan lang palitan ni Tasyo pero ipapaliwanag ko lahat” sabi ng tatay niya. “So dad, bukas you mean to say I will be a demon?” tanong ni Benjoe. “Yes that is right” sagot ng tatay niya. “I will have powers?” hirit ng binata. “Yes, you might be even more powerful than me pag nahasa powers mo” sagot ni Antonio at napangisi ang anak niya. “So mababawian ko na ang lahat ng umapi sa akin? Lahat ng nanliit sa akin? Lahat ng nakagawa ng masama sa akin at sa mga kaibigan ko?” tanong niya. “Yesssss!!!” sagot sa tuwa ni Antonio pero biglang napasimangot. “Hmmm…pero that would be bad dad. Kahit na demonyo ako di ko ata kaya gawin yon” bulong ng binata at napangiti ng malaki si Antonio at napatingin sa binatana. “You grew up well anak. Now sleep, and I will see you tomorrow” bulong ng ama niya sabay hinaplos ang mata ng binata sabay hinalikan sa noo at bigla silang nawala. Nagising si Benjoe, nagulat siya pagkat nandon na siya sa kanyang kwarto sa condo. Pagtingin niya sa relo niya alas dose ng hating gabi. Natawa siya pagkat akala niya panaginip lang lahat pero biglang sumulpot sa harapan niya ang kanyang ama. Napasigaw yung binata na parang babae pero mabilis tinakpan ng ama niya ang kanyang bibig. “Happy birthday anak. Go back to sleep now. See you in the morning” bulong ng ama niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.0K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook