XIA "Fliam!" Naglakad ako palapit. Papasok ata siya ng Royalties Room. Nilingon niya ako. "Bakit?" "Alam mo ba ang building ng ESC?" tanong ko saka ngumiti "ESC?" pag-uulit niya at saka kumunot ang noo. Tumango ako. Lumingon-lingon siya sa paligid. Naningkit ang mga mata niya nang tumingin sa akin. "Ba't mo naman natanong?" "Wala lang..." Pinilit kong kagatin ang dila ko para huwag sabihin sa kanya na nag-ri-research ako tungkol sa ESC. Muli ay naningkit ang mga mata ni Fliam. "May hindi ka sinasabi sa akin." "Ahm, wala... sagutin mo na lang kasi tanong ko." kunwa'y naiirita kong sabi. "Pinagkatiwala ka sa akin ng Mommy mo kaya dapat sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit mo tinatanong sa ang building ng ESC." Napakamot ako sa batok ko. "Alam ko. Eh..." Bahagya akong na

