XIA "Lubayan mo nga ako!" Tinulak ko si Raffy. Akmang maglalakad ako paalis nang hawakan niya ang kamay ko. "Akala mo makakaalis ka ng lugar na ito nang ganoon-ganoon lang?" may pagbabantang wika niya. Deretsong napatingin ako sa kanya. Nakangisi ang loko. Kinabahan ako. "It's either tatanggapin mo ang kamatayan na siyang parusa mo dahil nangahas kang pumasok sa level na ito ng walang pahintulot... o sasama ka sa akin." "K-Kamatayan?" Wala sa loob na sambit ko. Nasa himig ang kaba. "Oo... rule iyon ng Elementian Supreme Class." mayabang na wika niya. "Rule namin iyon dito." Napalunok ako. Binalikan ko sa isip ko ang librong binasa ko tungkol sa ESC. May parusa bang kamatayan ang pagpasok sa ESC? Nabigla ako nang akbayan ako ni Raffy. "Pero huwag kang mag-alala. Pwede kang mak

