XIA Nagsimulang lumiwanag ang paligid. Hudyat na magpapakita na ng kakaibang kakayahan ang mga Aurora Manipulators. Kitang-kita ko kung paano sila naghanap sa gitna ng field. Kung bibilangin ay sampu sila doon. 'Yong pinakagitna ang nagpakawala ng puting fireworks na nagi-stay sa kalawakan ng ilang minuto. At fantastically nagfo-form iyon na parang aurora borealis! Sumunod nagpakawala siyam na nakahilera sa gitna. Iba't ibang kulay ang binitawan nila sa ere. Narinig ko kung paano naghiyawan sa sobrang pagkamangha ang mga elementians. Hindi ko rin mapigilan mapatalon at masayang napatingin kay Cleron. "Ang ganda! Ang galing nila!" Iyon ang lumabas sa bibig ko sa labis na kagalakan. Nagniningning ang mga mata ko habang tinititigan ko ang makukulay na Aurora Borealis sa kalawakan. Nahil

