AMYTHYST "Mag-i-ingat ka anak," mahinang sambit ni Daddy bago ako humakbang papasok ng gate ng Trojan Academy. Busy ang mga tao. Open naman ang gate school sa mga bisita. Medyo madilim na rin ang paligid pero nagbigay ng liwanag ang Trojan Academy. Mala-pyesta ang event na ginaganap doon. Ano kaya ang event nila? Mas bongga ang event ngayon kesa noong mga kapanahunan ko. Naririnig ko na host na siyang nagsasalita mula sa ground floor ng Trojan Academy na paniguradong ginawa nilang reception. Niyakap ko si Daddy. "Opo Dad, mag-i-ingat ako," nakangiting wika ko. Hinarap ako ni Daddy habang hawak ang mga kamay ko. "Maghihintay ako dito. Siguraduhin mong hindi ka makikita ni King Charles sa paligid ah?" Humugot ako nang malalim na hininga. Kahit papaano kasi kinakabahan ako sa plano

