Aichi "Truth or dare?",ang sabi namin. Maya-maya lamang ay biglang nagtago si Akari sa likuran ko. "T-teka ayokong sumali jan!",ang sabi ni Akari. "Bakit ano bang meron sa laro na yan?",ang tanong ni Kyle. Lumabas siya sa likuran ko at nilalaro niya ang kanyang mga daliri ng bigla siyang magsalita. "Ano kasi kapag nagspin ng bottle kung kanino matapat yung pinaka-mouth nung bote siya yung tatanungin nung taong katapat naman base ng bote ng truth or dare . Kapag dare susunod ka sa utos kapag truth sasagutin mo yung tanong ng taong nagtanong sa'yo ng walang kasinungalingan..",ang paliwanag ni Akari. Nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi niya. Seryoso ba talaga sila? Imagine ang mga torpeng katulad namin paaminin? What the actual fudge? "A-Ano?!",ang sigaw namin m

