Chapter 1-Meet Akari
Sa Medius Regnum,. Sumugod ang mga nilalang na tinatawag nilang Acerbus at marami silang pinatay na mga inosenteng tao. Nang maubos nila halos ang kalahati sa populasyon ng kaharian sumugod sila sa loob ng palasyo. Bagamat naubos halos ng mga kawal ng kaharian, ang mga Acerbus na pinamumunuan ni Serpentius, ay nagtungo sa bawat silid ng palasyo at ni isang buhay ay hindi nila pinalagpas. May ilang nakaligtas ang nakalusot pa palabas ng palasyo at sila'y tumakbo para sa kanilang mga buhay.
Mula sa loob ay maririnig ang sunud-sunod na mga pagsabog. At dahil sa mga pagsabog ay nagdulot iyon ng pagkawasak sa iba't ibang bahagi ng kastilyo.
Nagsisitakbuhan ang mga nagsisilbing walang kalaban-laban. Bagamat may kakayahan lumaban ang Hari at ang Reyna ay hindi nila magawa dahil sa itinatakbo nila ang kanilang bagong silang nilang sanggol. At anumang pagkakamali nila sa paglaban ay maaaring magdulot ng pagbabago sa hinaharap ng Medius Regnum.
Dahil iyon na lang ang ligtas at natatanging paraan ay kakailanganin nilang magtungo sa lihim na lagusan kasama ang dalawang tao na kanilang pinagkakatiwalaan. Sa bawat pasilyong madadaanan nila ay pawang mga duguan at nagmamakaawa na iligtas sila ngunit wala silang magawa kundi tumakbo at iligtas ang sanggol na magiging reyna sa hinaharap.
Tumigil sila sa tapat ng isang lagusan papalabas ng kaharian.
"Queen Akane anong gagawin natin?",ang tanong ni Mikuru, ang matalik na kaibigan ng reyna at isang professor sa Chikara Academy.
Napatingin si Queen Akane sa kanyang sanggol at naririnig niya ang pag-iyak nito. Nabalot ng pagkabagabag ang reyna at pilit niyang pinatahan ang sanggol upang hindi sila masundan ng mga kalaban.
"Mahal ko kailangan nating ilayo ang anak natin kay Serpentius!",ang sabi ng Reyna habang yakap-yakap ang kanilang sanggol.
"Hindi ko kayang malayo sa anak natin. Dadaan muna sa akin si Serpentius bago niya makuha si Hikari!",ang sigaw ni Prinsipe Daisuke.
"Pero Mahal. Sa ngayon, kaligtasan niya ang tangi nating alalahanin!, ang sabi ni Queen Akane at saka tinitigan ang bagong silang nilang sanggol.
Naputol ang pag-uusap nila nang dumating ang isang lalaking naka-itim. Nanlilisik ang kanyang mga mata at alam nilang ang pakay nito ay ang kanilang bagong silang na sanggol.
"Bakit mo ilalayo ang bata?! Mga Acerbus habulin sila at kunin ang bata!",ang sigaw ni Serpentius at nagsimula ang labanan ni Serpentius at ni Prince Daisuke.
Agad binuksan ni Queen Akane ang lagusan at hinalikan niya ang sanggol. Ibinigay niya kay Mikuru ang sanggol at puno ng pag-aalala para sa kaibigan si Mikuru.
"Bilisan niyo Keima! Itakas mo na ang anak namin!",ang sigaw ni Prince Daisuke.
"Oo!",ang sabi ni Mikuru.
"Tayo na!",ang sigaw ni Keima, ang asawa ni Mikuru.
"Alagaan niyo nang maigi ang aming anak!",ang sabi ni Queen Akane at itinulak nila ang dalawa sa isang portal.
At ang lagusan na iyon ay di nila inaakalang nagdurugtong sa mundo ng mga tao. Tiningnan ni Queen Akane ang mga Acerbus at nagpalabas siya ng Custos. Lumabas si Sky at Horizon at tinulungan si Akane na lipulin ang mga kalaban.
" Don't you ever touch my daughter, Serpentius! Not with your filthy hands!",ang sigaw ni Queen Akane.
"Ibalik niyo siya sa akin!",ang sigaw ni Serpentius at umalingawngaw ang sigaw niya noong gabing yun.
At ang gabing iyon ang nag-udyok upang tapusin ng Braveheart Royalty ang kasamaan ni Serpentius.
Pagkalipas ng labing-pitong taon...
Akari
Nagising ako sa isang gazebo na punung-puno ng mga Delphinium. Hindi ko alam kung bakit lagi akong napapadpad sa lugar na iyon. Isang paraiso ang lugar na iyon lalo na't napupuno rin iyon ng mga alitaptap sa paligid.
" Akari, wake up. You're getting late. Wake up before it's too late. Wake up, Akari!",ang sigaw ng isang boses.
Hinanap ko ang pinagmumulan ng boses ang kaso bigla akong nahulog sa kawalan at hinatak ang katawan ko sa kung saan kaya naman ang ending ko nahulog ako sa kama ko. Nagising ang diwa ko at bumungad ang kisame ng aking kuwarto.
"Badtrip na boses yun ah! Aray!", ang sigaw ko.
Napatingin ako sa phone ko and it's already 4:39 am in the morning.
Jusmiyo marimar! Pahamak talaga ang panaginip na iyon! Why did I always fell for that dream?! Nauna pa akong magising kaysa sa tinakda kong alarm!
Besides, who is that woman? Bakit lagi niya akong tinatawag? Agad akong bumangon sa sahig and then I look at my full body sized mirror. At ano ang nakikita ko? Isang babaeng may brown na buhok, hindi naman ganun kalaki ang hinaharap ngunit may kurbang katawan ngunit isa lang akong nerd dahil sa may salamin ako at madalas na may bitbit na aklat.
Agad akong naghanda para hindi na ako gisingin ni Mom. Agad akong naligo upang magready sa pagpasok sa school.Pagkatapos ay humarap ako sa salamin. Suot ko ang uniform ko na pinatungan ng kulay pula na vest na may logo ng agila at ang palda naman nito ay checkered na maihahalintulad sa disenyo ng bagpipe. Sa convertible collar ko naman ay nakatali ang dilaw na laso. Ang puting medyas ko ay hanggang binti at ang sapatos ko ay walang takong at kulay itim ito.
Itinali ko ang aking buhok dahil paniguradong mapapasabak ako ngayong araw. Sinuot ko ang cardigan ko dahil sa malamang ay malamig na simoy ng aircon ang sasalubong sa akin sa loob ng classroom. Inayos ko ang mga gamit ko at agad lumabas sa kwarto.
"Akari! Bumangon ka na jan!",ang sigaw ni Mom na abala sa kusina.
"Mom. Gising na po ako! Bababa na po ako jan!",ang sabi ko at binilisan ang pagbaba sa hagdan.
Tiningnan ako ni Mom at napangiti ako sa ginawa niya.
"Aba nakauniform ka na pala! Kain ka na! Buti ka pa di tulad ng mga kapatid mo na mukhang sumugod sa digmaan umagang-umaga pa lang.",ang sabi ni Mom at ngumuso sa kambal na hanggang ngayon ay nasa mga damit pantulog pa rin nila.
"Mom,masyado mo naman binebaby yang nerd na sampid na yan!!",ang sabi ni Kira.
Napabusangot na lang ako sa sinabi ni Kira. Pasalamat siya at wala ako sa mood makipaglokohan sa kanya, kung hindi! Nevermind na lang ano nga bang mapapala ko kung makikipag-away lang ako sa kanya.
"Watch your words, young lady!",ang sabi ni Mom pero nagroll eyes lang si Kira.
" Kira. That's too much. Hindi ka pa rin ba magsasawa kakaaway kay Ate Akari?",ang tanong ni Seiji habang kumakain ng strawberry filled sandwich.
"Whatever Mom! Ipagtanggol niyo pa yang babaeng iyan! Hindi ko alam kung anong meron sa sampid na yan at nagagawa niyo siyang pakisamahan!",ang sabi ni Kira.
Nararamdaman kong parang wala ng pasensya si Mom. Naikuyom niya ang kanyang kamao sa
sa sobrang galit. Lumapit siya kay Kira at sasampalin na sana siya ni Mom pero pinigilan ko si Mom. Ayokong may masirang pamilya dahil sa pagtira ko dito. May punto si Kira, isa lang akong sampid.
" Akari.",ang naluluhang sabi ni Mom.
Ngumiti lang ako at pinigilan ang nangingilid kong mga luha.
"Mom wag na po.Totoo naman po sinabi niya eh. Isa pa,wala naman akong karapatan na ipagtanggol niyo. Tutal ampon niyo lang po ako.",ang sabi ko at saka nagbigay ng isang mapaklang ngiti.
Naputol ang drama namin nang biglang bumaba mula sa second floor ang isang lalaki na nasa mid-40s ang edad. Magulo ang kanyang buhok at makikita pa sa kanyang mga labi ang bakas ng chocolate cake na kinain niya pa kagabi. Mukhang nakatulog na naman sa kanyang study room si Dad. Agad siyang naghilamos sa may lababo at humarap sa amin.
"Good Morning!",ang sabi ni Dad.
"Good morning po.",ang sabi ko at ngumiti siya.
Napansin niya na may kakaiba sa nangyayari kusina. Napaka-awkward nang atmosphere samahan mo pa ang namumugtong mata ni Mom.
" Kira?! May ginawa ka na naman bang kalokohan?",ang seryosong tanong ni Dad kay Kira.
Napa-cross arms naman si Kira at sinamaan naman siya nang tingin ni Dad.
"Wala akong ginawang masama!", ang sabi ni Kira.
"Mom,masyado mo naman binebaby yang nerd na sampid na yan!"
Nanlaki ang mga mata namin nang marinig namin ang sinabi ni Kira kanina. At napatingin kami kay Seiji na hawak ang isang recorder.
"So are you going to apologize or I will cut all your credit cards, Young lady!?", ang sabi ni Dad.
"You can't do that to me!", ang sigaw ni Kira.
" So it's a no? Then fine, I will also throw your make-ups, from Matte lipstick to MAC!",ang sabi ni Dad.
Boom punit! Mukhang titiklop dito si Kira. Sabi nga nila, ilayo mo na ang lahat wag lang ang make up niya. Kasi nga motto niya ang ,"Make-up is life."
"Ok fine. I will apologize.", ang labag sa loob na sabi ni Kira.
Tiningnan niya ako nang masama.
"I'm sorry, Nerd.", ang sabi niya.
" What did you say?! Young lady, I never thought of such thing like that! Do a proper way of apologizing or else magka-camping ka sa labas!",ang sigaw ni Dad.
"I'm sorry, Ate Akari.", ang sabi niya at nabalot ng tensyon ang kusina.
Pagkatapos kumain ay nagtoothbrush na ako. Agad kaming nagtungo sa garahe upang sumakay sa kotse.
"Nak! Sabay ka muna kay Kira!",ang sabi ni Mom.
Halata namang mangyayari na naman ang inaasahan ko.
"Sige po!",ang sabi ko at napatingin ako kay Kira.
Nang nasa garahe na kami. Nang sasakay na ako ng kotse.
"Ops! Bawal sumakay ang sampid!",ang sigaw ni Kira.
"Pero Kira sabi-", naputol ang sasabihin ni Seiji ng putulin iyon ni Kira.
"Seiji! Sakay na!",ang sabi ni Kira.
Napailing na lang si Seiji sa ginawa ni Kira.
" Pasensya na, Ate Akari.",ang sabi ni Seiji at saka sumakay siya sa kotse namin.
"Bye-Bye!", ang sabi ni Kira at pinaharurot niya ang sasakyan at saka umalis.
Naiwang ako nakatayo sa garahe at nakita ko ang bisekletang palihim kong binili noon sa pagkakataong gagawin iyon ni Kira.
"Gagamitin ko na naman yung bisekleta.",ang sabi ko at saka nagpakawala ng isang buntung-hiniga.
Inihanda ko ang bisekleta... Sinimulan ko na ang pagpepedal.
Kanina pa pala ako daldal ng daldal. My name is Akari Farhengart, 17 years old. At isang highschool student. Madalas ma-bully sa school lalo na ng mean-gels. Anghel daw sila sa kagandahan pero demonyita sa pag-uugali kaya yun yung tawag sa kanila. At si Kira ang leader nun.
Binilisan ko ang hanggang umabot ako sa school. Since walang elevator ang school tinakbo ko hanggang 3rd floor. Pagdating ko sa room. Pabagsak akong umupo sa desk ko sa room.
Wooohhh! Ang mahal ng tuition wala namang elevator!,ang sigaw ko pagkapasok ko sa classroom.
Maya-maya may lumapat na malamig na bote ng mineral water sa pisngi ko.
"Aichi!",ang gulat ko ng makita ang kaibigan kong lalaki na may asul na buhok. Si Aichi.
"Heto o kunin mo. Pambihira lagi ka na lang pinahihirapan ni Kira. Alam ko pagod ka sa pagbibisekleta. Kaya tanggapin mo na 'to.",ang sabi ni Aichi,isang hearthrob transferee sa klase.
Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng oras ay tinutulungan niya ako.
"S-Salamat!",ang sabi ko at kinuha ang tubig na alok niya.
Nang mainom ko na ang mineral water na binigay ni Aichi, napansin kong nakatingin sa akin nang masama ang lahat ng babae sa room.
"May dumi ba sa mukha ko?",ang tanong kaya naman lalong tumalim ang tingin nila.
"Wala naman,witch.",ang sabi ng isa sa alipores ni Kira.
Sasagot na dapat ako nang biglang sumulpot si Sakura.
"Hoy intrimitida! Kung ayaw mong makalbo jan wag na wag mong tatawagin na witch si Akari! Wagas makatawag na witch mukha namang palaka!",ang sigaw ni Sakura.
Siya naman ang amasona kong kaibigan na may kulay Rosas na buhok. Tagapagtanggol ko simula ng pumasok sila dito sa school.
"Duh! Whatever!",ang sabi ng alipores ni Kira.
"Kung tutuusin mas witch ka pa sa kanya.",ang cold na sabi ni Aichi.
"Kaya ka tumatanda ng maaga eh. Alam mo ba na ang inggit maaaring ikamatay kaya naman get well soon sayo!",ang sabi ni Sakura.
"Arrggghhh!",ang sigaw niya at saka pasupladang umupo sa upuan.
Biglang nagring ang bell. Mga ilang minuto lang ay narinig ko na yung boses nung kambal.
"Kainis! Pati naman sayo nadadamay ako sa kamalasan mo nasermonan tuloy tayo!",ang sigaw ni Seiji.
"Kapag ikaw na naman ang nagdrive liliparin ang buhok ko! Sayang naman ang oras na ginugol ko sa pag-aayos!",ang sigaw ni Kira.
"I don't care!",ang sigaw ni Seiji at naupo siya sa kanyang desk.
"Paano ka nakarating rito?! Di ba iniwan kita sa bahay?!",ang sigaw ni Kira.
"Karma mo yan! Palibhasa kasi wala kang utak kaya yan ang napapala mo!",ang sigaw ni Sakura.
"Anong sinabi mo?!",ang sigaw ni Kira
At heto na nagsimula ng magbangayan yung dalawa.
Maya-maya lang ay may pumasok na representative para mag-announce.
"Guys walang klase nasa meeting ang mga teachers!",ang announce nito sa amin.
"Shut up!",ang sigaw nung dalawa sa representative na nag-announce.
Napaface -palm na lang ako. At yung dalawa patuloy pa rin sa bangayan.
"Huwag mo na lang silang pansinin. Maiinit lang ang ulo nila.",ang sabi ko sa nag-announce.
Lumabas ako ng room dahil masyadong masakit sa ulo ang ingay ni Sakura at Kira.
Ngunit sa paglabas ko ay may naramdaman akong kakaiba. Nanlaki ang mata ko nang biglang tumigil ang lahat ng nasa paligid ko.
"Anong nangyayari?", ang tanong ko nang makitang naistatwa ang mga schoolmates ko.
"Iha, hindi pala Mahal na Prinsesa, matagal na kitang hinihintay.",ang sabi ng isang babaeng nakablue na long gown and ang style is greek style at may diamond na naka-embed sa noo niya.
"Teka, paano po kayo nakapasok rito? At saka sino po kayo?", ang tanong ko sa kanya.
"Ako ang oracle. At hindi rin mahalaga kung paano ako nakapasok rito. Hikari, magsisimula na ang kapahamakan mo sa buhay mo.", ang sabi ni
"Po?",ang sabi ko at halatang nagtataka sa pangyayari.
"Naalala ko hindi pa nga pala naikwekwento ni Mikuru ang tungkol sa pagkatao mo.",ang sabi niya at saka ngumiti sa akin.
"Kilala mo ang tunay kong magulang?!",ang tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Pero sa ngayon narito ako para balaan ka.",ang sabi nito at hinaplos ang mukha ko.
"Balaan? Tungkol saan naman po iyon?",ang tanong ko na naguguluhan pa rin sa nangyayari.
"The love ones will suffer
And the only thing is to be a fighter
The Lady with the power of thorn of rose shall be reap,
A hair which is braided will be whip
And her smile will be seen in her lips.",ang sabi niya at napalingon ako sa paligid ko. Bumalik ang lahat sa normal. Ngunit nawala na sa harap ko ang babae.
Bumalik na ako sa classroom at nagbasa na lang ng mga libro.
Maya-maya ay bigla kaming nakarinig ng isang malakas na pagsabog.
Hindi ko alam dahil parang nakita ko na ang pangyayaring ito. Pero saan?
Kaya ang dalawang salita ay kusang lumabas sa labi ko.
"Dé javù."