Akari
"Dé javù."
Sunud-sunod na pagsabog ang naririnig namin na ikinataranta ng lahat.
"Anong nangyari?!",ang tanong ni Aichi habang pinagmamasdan ang labas ng eskwelahan na patuloy nasusunog dulot ng mga pagsabog.
"May narinig akong mga pagsabog!",ang sigaw ko.
Nakita kong nagsitakbuhan ang mga classmate ko sa sobrang takot at inirapan naman ako ni Kira.
"You're so stupid! Tinakot mo ang mga hamstrung!",ang sabi ni Kira sabay irap.
"Pagalitan mo man o hindi magsisitakbuhan talaga ang mga hamstrung! Tumingin ka nga sa labas,Kira!", ang sigaw ni Seiji.
At makikita ang mga halimaw sa labas.
Pero nagulat ako nang makita kong binuksan ni Sakura ang bintana. Don't tell me pupuntahan pa nila yung pinangyarihan ng pagsabog?!
"Akari tumakas na kayo!",ang sabi ni Sakura.
" Anong bang sinasabi mo jan?! Tatakas tayo! At hindi lang ako ang tatakas!",ang sermon ko kay Sakura.
"Akari! Wag matigas ang ulo mo! Tumakas ka na! Sundin mo na lang kami!", ang sigaw ni Aichi.
"Hindi ko kayo iiwan! Mapanganib sa labas! Kailangan niyong magtago!",ang sigaw ko sa kanila.
"Kung gusto mong magtago, ikaw na lang! Hindi kami isang duwag katulad mo!",ang sigaw ni Kira at naunang tumalon sa bintana.
"Kira!",ang sigaw ko dahil tumalon siya sa mula bintana eh kaso nasa third floor kami.
"Ayos lang siya! Akari! Tumakas ka na!", ang sigaw ni Aichi at tumalon rin ito sa bintana .
"O paano susunod na ako sa kanila?",ang sabi ni Sakura at tumalon rin ito sa bintana.
Susunod na sana si Seiji ng hawakan ko ang kanyang kamay.
"Seiji mapanganib sa labas! Baka mapahamak ka!",ang sabi ko rito at nagsimula ng tumulo ang luha ko.
"Kaya na namin 'to. Wag kang mag-alala di kami ordinaryo.", ang sabi ni Seiji at kumalas siya sa pagkakahawak ko at tumalon rin ito sa bintana..
"Seiji mapanganib sa labas!",ang sigaw ko at medyo nakahinga nang maglanding ng matiwasay si Seiji mula sa third floor.
Wala na akong nakikitang mga estudyante at school personnel sa paligid dahil malamang nauna na silang tumakbo.
Napabalik ang atensyon ko sa bintana at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nakita kong haharapin nila ang higanteng alakdan na parang sa isang tingin ay kaya kang pisain sa hampasan lang.
"Seiji bumalik kayo rito!",ang sigaw ko.
Magkahalong kaba at takot ang aking nararamdaman. Masyado atang malakas ang loob nila.
Kahit gaano pa kalakas ang aking pagsigaw ay hindi sila nakikinig nilabanan nila ang higanteng alakdan.
Nabasag ang mga salamin ng bintana kaya naman napatakbo ako palabas ng classroom. Napasigaw ako sa sobrang takot dahil sa mga nagtatalsikang bubog.
Napatingin ulit ako sa labas at nakitang tatama sa pwesto ko ang buntot ng alakdan.
"Tulong!", ang sigaw ko at nagulat ako ng may isang liwanag na pumigil sa pagtama ng buntot ng alakdan sa akin. Agad nawala ang buntot nung alakdan sa harap ko at agad akong tumakbo pababa ng classroom. Habang tumatakbo ako sa hallway ay nakikita ko ang patuloy na pagsabog.
Nakakasalubong ko rin ang mga nakahandusay na katawan ng mga estudyante. Kaya naman tinulungan ko yung mga estudyante na may malay pa at buhay pa.
Habang inilalayo ko sa pagsabog yung mga estudyante ay napatingin ako sa mga kaibigan at mga kapatid kong nakikipaglaban sa alakdan.
Agad akong bumalik sa loob ng building upang iligtas ang iba pang estudyante. Nagulat ako sa mga pagsabog kaya naman ay napaluhod ako. Ngunit nung sumilip ako mula sa third floor ng school building ay namangha ako sa nakita ko.
Naglabas sila ng powers nila. Akala ko ancient times lang ang meron nun.
"Floral blade!",ang pagkcast ni Sakura ng technique at lumabas ang isang atake na gawa sa iba't ibang uri ng bulaklak.
Tumalon naman si Aichi at saka umatake.
"Blizzard!",ang pagkacast ni Aichi ng technique at nagkaroon ng matatalas ng ice shards mula sa lupa patungo sa higanteng alakdan.
Tumakbo naman si Seiji sa likuran ng alakdan at saka umatake
"Poisonous vines!",ang pagkacast ni Seiji ng spell at may lumabas na baging mula sa lupa at pinigilan nun ang buntot ng alakdan.
Agad tumakbo si Seiji at grumupo ulit kay Sakura at Aichi.
" Ngayon na Kira! ",ang sigaw ni Aichi.
Mula sa taas ay nakita ko ang pagngisi ni Kira. May lumabas na magic circle sa kanyang paanan at nagulat ako ng biglang magkacrater ang kinatatayuan ng alakdan.
"Gravity down!",ang pagkacast ni Kira at mula sa ere ay bumulusok siya pababa ngunit nang malapit na siya sa lupa ay bigla siyang lumutang.
Nakita ko ang pagbagsak ng alakdan kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Siguro naman ay wala ng kung anong halimaw sa paligid.
Pero sa di kalayuan ay may nakita akong babaeng naglalakad mula sa malayo.
Pinunasan ko ang aking salamin at muling isinuot.
"Bravo! Hindi ko akalain na may Taga-Chikara Academy pala dito.",ang sabi ng isang babaeng naka-bobcat at suot ang pagkaiksi -iksing damit.
"Wala ba kayong kasawaan!",ang sigaw ni Kira.
Kasawaan? Anong ibig niyang sabihin? Nakalaban na nila iyon?
"Wala dahil ngayon papatayin ko na kayo!",ang sabi nito na parang isang baliw.
Nagpakawala siya ng ng vines na matinik at hinabol nito sina Aichi.
Naalala ko bigla yung sinabi nung babae kanina.
"The love ones will suffer
And the only thing is to be a fighter
The Lady with the power of thorn of rose shall be reap,
a hair which is braided will be whip
And her smile will be seen in her lips."
Napatingin ako sa kanila at nakitang tumalsik ng sabay-sabay sa iba't ibang direksyon.
"Aichi! Seiji! Sakura! Kira!", ang sigaw ko.
Mukhang malakas yung kalaban nila. Kahit magsabay-sabay sila hindi nila ito mapabagsak.
Si Kira walang malay,si Aichi may sugat sa ulo si Sakura naman may sugat sa binti at si Seiji sakal-sakal nung babae.. Lahat sila hindi makagalaw ng dahil sa natamong pinsala.
"Seiji!",ang sigaw ko.
Nataranta ako ng mapalingon sa direksyon ko yung babae.
Nag-isip ako ng paraan para makatulong sa kanila.
Naalala kong may mga antique sa hallway sa fourth floor. Agad akong tumakbo papuntang 4th floor.
Nakita ko yung espadang antique na nakadisplay sa hallway. Kinuha ko iyon at agad tumakbo sa may bintana. . Hindi na man ako nabigatan dahil sanay naman akong humawak ng mabibigat.
Ibinagsak ko yung espada mula sa bintana at tumalon ako mula dito patawid sa kalapit na puno.
"Aray! Paano kaya nila nagawa yun?",ang bulong ko sa sarili ko at saka dahan-dahan bumaba sa puno.
"Mukhang may isang pusang gustong makipaglaro sa akin. Ang kaso hindi ko maramdaman kung isa ba siyang chikara user. Baka naman isa siyang hamstrung.",ang sabi nito na malamang ako ang tinutukoy niyang hamstrung.
Kahit kinakabahan ay tumakbo ako malapit sa babaeng sumasakal kay Seiji at saka sinaksak ko iyon sa likod ng babae.
Napasigaw ang babae sa sakit at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
"Wag mong sasaktan ang.mga kapatid ko at ang mga kaibigan ko!", ang sigaw ko.
Sila na lang ang meron ako kaya hindi ko hahayaan na masaktan sila!
"I-Ikaw!",ang sabi niya kaya sa akin nalipat ang atensyon niya kaya naman ako ang sinakal niya.
Pilit akong kumakawala sa kanyang pagkakasakal.
"Akari!",ang sigaw ni Aichi na unti-unti nang nakakagalaw mula sa pinsalang natamo niya.
Dahil sa pagkakasakal sa akin ay hindi ko nakita ang isang bagay patungo sa direksyon ko. Tumama iyon sa likod ko. Tiningnan ko iyon ay nakita ko ang isang baging na puro tinik.
Napasigaw ako dahil sa sakit. Masakit ang atake na yun pero tiniis ko. Muli kong binunot ang espada sa katawan niya kahit na kinakapos na ako ng hininga
Hindi rin siya makakilos dahil sa pinsalang natamo niya. Kaya isinaksak ko ulit yung espada niya and this time sa tapat ng puso niya. Kasabay rin nun ang pagtama ulit ng vines sa katawan ko.
Napahiyaw ako dahil sa sakit. Parang torture ang nangyari sa akin.
Nabitawan na niya ako dahil dun.
"Hindi ko akalaing magtatapos ang buhay ko ng dahil sa isang hamstrung.",ang sabi niya at naging abo naman yung babae.
Nang makawala ako sa pagkakasakal nila ay napaubo naman ako ng dugo dulot ng mga tinamo kong pinsala.
"M-Muk-hang tapos na.",ang sabi ko habang nakatingin sa kanila.
Nakita kong ang mga namumuong luha sa mga mata nila.
"Akari!",ang sigaw ni Sakura na pilit tumatayo.
Nagthumbs up ako at kasabay nun ang pagbagsak ng katawan ko. Itinaas ko ang kamay ko at ngayon ko lang napansin na maganda palang pagmasdan ang bughaw na langit.
Kahit hirap na hirap at sugatan ay kita ko ang patuloy na paglapit sa akin nina Aichi, Seiji at Sakura.
"Kamusta ok lang ba kayo?",ang tanong ko kasabay ng paglabas ng dugo ko sa bibig ko.
"Kami ang dapat magsabi niyan Akari!",ang sigaw ni Sakura at napatawa ako sa kanya.
"Anong nakakatawa sa nangyari?! Akari! Don't you dare to die or else ipapatorture ko ang kaluluwa mo!", ang sigaw niya at kasabay nun ang patuloy na pag-iyak niya.
"Bakit mo ginawa yun?! Ate please wag kang mamamatay!",ang sigaw ni Seiji.
Nakikita ko sa mga mata niya ang takot, lungkot at pag-aalala.
"D-Di ba ka-patid ko kayo? Di ba mga kaibigan ko kayo? Isa pa, iisang pamilya tayo? I need to protect you at all cost. And besides, I'm not ready to die. So wag kayong OA. I'm just going to sleep.",ang naghihinang sabi ko.
"Ate Akari! Sorry kasi hindi ako naging mabuting kapatid! Please wag mo naman kaming iwan!!",ang sigaw ni Seiji
Naramdaman ko ang pagsakit ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong meron sa mga baging na iyon.
Napasigaw ako sa sobrang sakit na siyang naging dahilan kaya napahawak ako sa bandang dibdib ko.
Mukhang hanggang dito na lang ako. Nagsimula ng manlabo ang paningin ko at napaubo pa lalo ako ng dugo at patuloy na hinahawakan ang dibdib ko na patuloy sa pagsikip.
"Please wag ka nang magsalita pa! Dadalhin ka namin sa academy!",ang sigaw ni Aichi.
Kahit nanghihina ay pinilit kong hilahin ang kwelyo ni Aichi.
"Aichi, maraming salamat sa lahat. Natutuwa ako na nakilala ko kayo. Nakikiusap ako na bantayan niyo sina Seiji at Kira.",ang nanghihinang sabi ko
Sa sobrang panghihina ko ay nabitawan ko ang kwelyo ni Aichi.
"Wag ka nang magsalita pa! Malakas ka di ba?",ang sigaw ni Sakura at nagpatuloy ito sa paghagulhol.
Napakainit ng nararamdaman ko dahil sa patuloy na paglabas ng dugo sa katawan ko.
"Alagaan mo sarili niyo ha. Lalo ka na Seiji. At Aichi, pasensya na kung namantsahan ko ng dugo ang uniform mo.",ang sabi ko at ipinikit ko ang mga mata ko.
Ako na ata ang pinaka-baliw na tao. Nagawa ko pang magsorry ng namantsahang uniform kahit na mamamatay na ako.
Aichi
Nakita ko ang papikit ni Akari at nabitawan niya rin ang aking kwelyo sa sobrang panghihina.
Baliw ka talaga,Akari! Nagawa mo pang magsorry na namantsahan mo ang uniform ko kahit nasa bingit ka na ng kamatayan!
"Wag mo nang intindihin yung uniform ko! Akari mahalaga gumising ka please!",ang sigaw ko at inalog ko ang katawan nuya.
Nakikita ko ang patuloy na pag-agos ng dugo ni Akari.
Napatingin naman ako sa mga healer na paparating palang mula sa academy. Kaya naman agad namin silang tinawag.
"BAKIT NGAYON LANG KAYO?! KAILANGAN NAMIN NG HEALER DITO!",ang sigaw ko kaya naman awtomatikong napabilis lalo ang pagkilos ng mga healer.
Agad lumapit ang healer kay Akari. Ginamot naman kami ng iba pang healer kaya nawala na yung mga injury namin. Pero nagulat ang isang healer sa kundisyon ni Akari.
"Masama ito. Kailangan natin siyang dalhin sa academy.",ang sabi ng healer.
"Pero isa siyang hamstrung! Hindi siya maaari dun!",ang sabi pa ng isang healer.
Wala akong pake kung magwala si Headmaster. Ang mahalaga ay mailigtas ang kaibigan ko!
"Dalhin na natin siya sa academy!",ang sigaw ni Seiji.
Nagkatinginan ang dalawang healer at nagsensyasan.
"Oo!",ang sigaw nung dalawang healer at agad kong binuhat si Akari.
Binilisan namin ang pagpunta sa academy upang mabigyan ng lunas si Akari. Nakita kong namumutla na ang katawan niya senyales na anumang oras ay bibigay na siya.
"Tumabi kayo d'yan!",ang sigaw ko nang makarating kami sa Academy upang isugod si Akari sa Medical Department.
"O nariyan pala kayo!",ang sabi ni Dr. Yuki.
"Doc alam naming labag ang magdala ng isang hamstrung dito pero please gamutin niyo po siya!",ang sigaw namin.
Naging seryoso naman si Dr. Yuki.
"Dalhin niyo siya rito.",ang sabi ni Dr. Yuki at ibinaba ang medication chart na hawak niya.
Tiningnan ni Dr. Yuki ang mga sugat na natamo ni Akari.
"Masama ito. Kumakalat na yung lason sa katawan niya!",ang sigaw niya kaya naman mas lalo akong kinabahan.
Pinalabas muna kami upang magawa niya ang kanyang dapat gawin. Hindi kami mapakali sa aming narinig.
"Kainis!",ang sigaw ko at saka biglang lumamig ang paligid.
Nagyelo ang sahig. Hindi ko na naman napigilan ang chikara ko. Hinawakan ni Sakura ang kamay ko upang kumalma. Napalingon ako kay Sakura at saka siya umiling.
"Malakas si Akari, alam natin yun.",ang sabi ni Sakura ngunit dahil sa pangamba na maaaring mawala si Akari ay nagsimula itong humagulhol ulit.
"Alam ko kakayanin niya 'to.",ang sabi ni Seiji at ikinuyom niya ang kanyang kamay na halatang sinisisi ang sarili sa nangyari.
Pagkalipas ng ilang oras ay lumabas na si Dr. Yuki.
"Kamusta po siya?",ang tanong ko.
At lahat kami ay pawang kinakabahan sa anumang sasabihin ni Dr. Yuki.
"By now,her condition is stable pero hindi ko alam kung kailan siya magigising. At kahit isa siyang Hamstrung, nakakagulat na nakaya ng katawan niya ang lason ng taga-Chikara Realm. Kadalasan ay nagiging abo ang mga Hamstrung sa oras na tumama ang lason na ito sa kanila.",ang sabi ni Dr. Yuki na halatang nahirapan dahil bumagnas ang pawis sa kanyang noo na agad naman niyang pinunasan gamit ang isang panyo na kulay magenta.
Nakahinga naman kami ng maluwag dahil sa balita ni Dr. Yuki. Agad siyang umalis upang tingnan ang iba pang pasyente.
Ilang minuto lang ang pagitan pagkatapos umalis ni Dr. Yuki ay biglang dumating si Mrs.Farhengart.
"Mom!",ang sigaw ni Seiji.
"Anong nangyari?!",ang tanong ni Mrs.Farhengart at halatang natatakot siya sa maaaring mangyari..
"Nagsakripisyo si Ate Akari kaya siya ngayon ang nasa hospital bed.",ang sabi ni Seiji kaya naman niyakap siya ni Mrs. Farhengart.
"Ok lang ba kayo?",ang tanong ni Mrs. Farhengart sa amin.
Bakas ang pag-aalala ni Mrs. Farhengart kaya naman tumango lang kami bilang sagot.
"Were not, Mom! Nagkagasgas ang precious skin ko!",ang sigaw ni Kira na nagkamalay na.
Kaming lahat ay napairap na lang sa tinuran ni Kira.
"Ok lang po kami.",ang sabi ni Seiji at nag-cross arms siya sa dahil sa inasta ni Kira.
Lumapit naman si Sakura at kulang na lang ay sipain palabas ng Medical department si Kira.
"Mas precious pa ang buhay ni Akari kaysa sa balat mo!",ang sigaw naman ni Sakura na kanina pang naiinis kay Kira.
"Anong sinabi mo?!!",ang sigaw ni Kira at nagsimula na namang magbangayan ang dalawa.
"Farhengart! Rogue! Please manahimik kayo!",ang naiirita kong sigaw sa kanila.
For Pete's Sake! Nasa ganito kaming sitwasyon tapos nagawa pa nilang mag-away?!
"Just shut the heck up, Hamilton!",ang sigaw nung dalawa sa akin at muli ay nagtitigan sila na konti na lang ay matutusta ang langaw kung sakaling may dadaan sa pagitan nila.
Nag-init ang ulo ko at napantig ang tenga ko sa mga narinig ko.
"Minumura niyo ba akong dalawa?!",ang sigaw ko sa kanila na may halong inis.
Halatang kinilabutan yung dalawa dahil sa sinabi ko. Samahan mo na rin ng pagpalamig ko ng paligid.
"H-Hindi.",ang sabi nung dalawa kaya naman tumahimik yung dalawa sabay irap sa isa't isa.
"Good. Mabuti na ang nagkakaintindihan tayo. Baka hindi niyo gugustuhing makita na itapon ko ang inis ko sa inyo!",ang sabi ko pero agad nawala yun nang bumalik ang pag-aalala ko.
Kailan pa gigising si Akari? Bumalik ang kaba ko sa dibdib. Napatingin ako kay Mrs. Farhengart nang bigla niya akong tapikin sa balikat.
"Kung inaakala mo na isang Hamstrung si Akari nagkakamali ka. Higit pa siya sa inaakala mo.",ang sabi ni Mrs. Farhengart at saka ngumiti.
Parang binigyan naman ako ng assurance na magigising rin si Akari.
"Kung ganun.",naputol ang sasabihin ko nang biglang kumindat si Mrs. Farhengart.
"Tama ka tulad natin siya. Sa ngayon di ko muna sasabihin ang pagkatao niya. Alam mo na hindi mo alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan.",ang sabi ni Mrs. Farhengart at saka ngumiti siya na parang wala kami sa nakakabahalang sitwasyon.
Lumabis ang pagtataka ko. Kung hindi isang Hamstrung si Akari, bakit siya nasa mundo ng mga ito?
"Pero paano napunta si Akari sa Mundo ng mga Hamstrung?",ang tanong ko.
"Sa tamang panahon ko sasabihin.",ang sabi ni Mrs. Farhengart.
Pagkalipas ng 3 linggo.
Akari
Nagising ako na puro puti yung nakikita ko. Agad kong hinagilap ang salamin ko upang tingnan kung nasaang lupalop ako ng mundo. Buti na lang at nakalagay ito sa desk kaya naman agad ko itong sinuot.
"Nasaan na ba ako?",ang tanong ko.
Pagkatingin ko sa taong natutulog sa tabi ko.
Si Aichi!
Hinaplos ko ang kanyang asul na buhok. Ang cute niya pala kapag tulog.
Nagulat ako ng magising ito kaya naman nataranta ako. Dapat pala di ko na lang siya ginising.
"A-Akari?!",ang gulat na pagkakasabi niya agad niyang pinunasan ang mukha niya at kinapa kung nay panis na laway ba na tumulo.
Naalala ko ang naging laban nila sa kanilang kalaban noong nakaraan kaya naman agad ko siyang tinanong.
"Musta na ang pakiramdam mo?,ang tanong ko rito.
"Ako ang dapat magtanong niyan! Please lang wag mo naman kaming patayin sa pag-aalala!",ang sabi niya sabay yakap sa akin.
Parang kumulo ang tiyan ko sa ginawa niya. Hindi ko alam pero parang kinilig ako sa ginawa niya. Lalo akong namula nung nakita kong may nanonood sa amin. Nabitawan niya pa nga ang medication chart sa sobrang gulat.
"Ahm. Aichi nakakahiya dun sa babae.",ang sabi ko sabay turo dun sa babaeng nakatingin sa amin.
Lumingon siya sabay bigay ng death glare dun sa babae kaya umalis yung babae sa sobrang takot. Naiwan niya pa nga yung medication chart sa sobrang taranta.
"Grabe ka.",ang sabi ko dito sabay hampas sa braso niya.
Tama bang takutin ang isang babae?
"Ok lang yan. Ako naman ang isa sa Elemental Prince ng Academy. At isang Prince din ng kaharian namin.", he said na parang alam ko na ang nangyayari.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Teka nasaan ba tayo?",ang tanong ko kaya naman ngumisi siya.
"Nasa mundo tayo na tinatawag naming Chikara Realm. At sa ngayon nasa Medical Department tayo ng Chikara Academy.",ang sabi niya kaya naman napatulala ako.
Kaya kahit na awkward ay binigyan ko siya ng tawag ng pagrespeto. Pero sa pabirong paraan.
"So shall I call you mahal na prinsipe?",ang pang-aasar ko sa kanya.
"Wag mo nga akong tawaging mahal na prinsipe! Nahihiya ako eh!",ang sabi niya.
"Wow! Isang Aichi Hamilton? Nahihiya? Meron ka pala nun?",ang sabi ko in a sarcastic way.
"Heh? Maiba nga ako! Bakit ka nga pala pumunta sa mundo ng mga tao? Bakit ka nasa school namin? Anong pakay niyo dun?",ang tanong ko kaya naman nawala ang ngisi ni Aichi.
Aba! Nagulat na lang ako na after two months of school year biglang nagtransfer yung kambal sa school namin!
Alam niyo bang bangungot ang inabot ko simula nang lumipat ang mga 'to?
Habang nasa gitna kami ng seryosong tanungan ay biglang pumasok si Mom sa kwarto.
"Mom kayo po pala!",ang sabi ko kay Mom.
Tumingin si Mom ng seryoso na siyang ayoko dahil pakiramdam ko ay mawiwindang na naman ang utak sa gagawin niya.
"Anak ililipat na kita ng school.",ang sabi ni Mom sa akin at pilit inaabsorb ang sinabi niya.
Ilang minuto rin bago ko na-process ang sinabi ni Mom.
"What?!",ang sigaw ko at nakita ko ang nakangising mukha ni Aichi.
"Anyway, lilipat ulit sina Kira dito.",ang sabi ni Mom.
"WHAT?!",ang sigaw ko na naman na siyang nagpasakit lalo ng ulo ko.
Jusko po naman! Mahabaging langit! May ginawa ba akong kasalanan para maranasan ang lahat ng ito?!