Akari
"What?!",ang sigaw ko at napakapit ako sa aking ulo.
Aray ko po naman! Pero bakit parang ang bilis naman ata?
"Don't push yourself. Di ka pa fully recovered.",ang sabi ni Aichi na nasa tabi ko pa rin.
"Pero Mom.",ang sabi ko kay Mom at nakatingin lang siya sa akin.
Huminga muna siya ng malalim at nagsalita.
" This is your world, Akari. You should follow my order. Besides, dito mahahasa ang abilidad mo tulad nila.",ang sabi ni Mom sabay tingin sa katabi ko.
Abilidad? And a realization struck my head nang maalala kong nakipaglaban kami sa isang babaeng kulang na lang ay ilagay ako sa Intensive Care Unit.
"Hindi na po ba magbabago ang isip ninyo?", ang tanong ko.
Umiling si Mom at halatang desido na ito.
"Hindi ko na hahayaang may masaktan pa sa inyo. Lalo na ikaw Akari. Lalo na't ipinagkatiwala ka sa akin ng magulang mo. Kaya ngayon pa lang i-enroll ko na kita sa Chikara Academy.",ang sabi ni Mama.
"Chikara Academy?",ang takang tanong ko.
"Ui Akari, alam kong ilang araw ka ng tulog, at hindi ko alam kung yan ang side effect ng ginamit na gamot sa'yo ni Dr. Yuki. Nalimutan mo na ba ang sinabi ko kanina na nasa Medical Department tayo ng Chikara Academy?",ang nang-aasar na sabi ni Aichi.
"Academy 'to?!", ang sigaw ko at sa pangalawang pagkakataon ay sumakit na naman ang ulo ko.
" May mga magagaling silang healers dito kaya don't worry.",ang sabi ni Aichi sabay kindat.
Napalingon ako kay Mom. Sayang ang tuition sa dati kong school! Although wala silang elevator at kahit ang laki nila maningil ng tuition.
"Pero Mom!",ang sigaw ko pero sumalubong sa akin ang nakataas na kilay ni Mom.
Patay. Isang mahabang diskusyon 'to. Mahirap depensahan ang gusto kong mangyari kapag nasa ganitong mood si Mom.
"This is for your security. Tingnan mo. Napahamak ka pa. Do you think hahayaan pa kita sa mundo ng mga Hamstrung?!",ang sabi ni Mom at halata sa boses niya ang awtoridad.
"Po? Pero Mom malayo po ito sa bituka,",ang sabi ko pero agad naputol iyon nang biglang nagvent-out si Mom.
"Pagtatalunan na naman ba natin ito?! And sa tingin mo makakaya ka pa namin protektahan?!", ang sigaw ni Mom.
Napabuntung-hininga na lang ako sa sinabi ni Mom. Napatingala naman ako ng biglang magsalita ulit si Mom. Pero this time ang kalmado ang boses niya.
"Ipapaprocess ko na ang papers mo. Lilipat ka na ng school. ",ang sabi ni Mom at saka nag-walk-out.
Makalipas ang dalawang linggo ay nakalabas na rin ako ng Medical Department.
Naiproseso na ni Mom ang papeles ko at kahit si dad ay walang nagawa.
Habang pilit ko pa ring inaabsorb ang mga nangyari ay heto ako at may panibagong inaabsorb.
Gusto niyong malaman?
INAABSORB KO NA LAHAT NG KAKILALA KO AY MAY POWERS PALA!
Katulad na lang ni Papa. Sa kanya pala ni namana ni seiji ang ability niyang pasunurin ang halaman.
Last day ko na sa mundo ng mga tao, kaya naman sinamahan ako ni mom na pumunta ng Chikara Academy.
Gumawa ng tinatawag na portal si Mom at doon kami dumaan patungo sa academy. Nagtataka pa nga ako dahil lumabas kami sa isang gubat. Kabisado ni Mom ang daan kaya naman binibilisan ko ang lakad ko upang hindi ako maligaw.
Napatigil kami sa paglalakad nang makita namin ang Gold na Signage ng Chikara Academy.
Napanganga na lang ako struktura ng gate. Puro ginto ang ginamit rito. Ilang libro kaya ang mabibili ko kapag sinangla ko ito?
Siguro kung sa ibang school 'to ay ginto na rin ang tuition bago pa maipagawa ang ganitong klaseng gate.
Huminga ako nang malalim. Heto na talaga. Nasa harap kami ng Chikara Academy.
"Ma sigurado na po ba kayo sa desisyon niyo?",ang tanong ko.
Wala akong kamalay-malay sa mga bagay na susuungin ko. Especially nalaman kong may mga kapangyarihan ang makakasalamuha ko. Kainis kasi eh. Pwede bang maging normal na lang ulit?
"Oo naman. Alam kong naninibago ka dahil hindi ordinaryo ang eswelahan na papasukan mo. Para rin 'to sa security mo.",ang parang sirang plaka na sabi ni Mom. Pang-ilang beses niya ba itong isinagot? Security reason? Para saan? Di naman kami ganun kayaman ah?
"Wag kang mag-alala. Kaya mo yan!",ang ni Mom sabay tapik sa balikat ko.
"Okay po Mamimiss ko po kayo Mom.",ang sabi ko at agad ko siyang niyakap.
" Mamimiss rin kita anak. Ikamusta mo na lang ako sa Dad mo ha.",ang sabi ni Mom at hindi na nga ako nagulat.
"Si Dad narito po siya?",ang tanong ko.
"Oo Professor siya jan. O paano sweetie? Alis na ako. Kailangan ko pang magpunta ng Medius Regnum.",ang sabi ni Mom.
All my life akala ko isang businessman si Dad. Yun pala isa siyang professor? Gaano kaya kayaman ang may-ari ng school na ito?
"Opo."ang sabi ko at saka pumasok na ako sa loob.
Eto lang ang masasabi ko.
"Whoa. Ang ganda.",ang sabi ko.
Crystal water ang tubig mula sa fountain at karamihan sa mga estudyante at nagpapractice ng kanilang mga kapangyarihan.
Naputol ang pagkamangha ko nang may nagsalita..
"How pathetic! Ang babaw naman ng kaligayahan mo. Isang weaklings.", ang sabi ng isang istatwa.
Nagulat ako dahil nagsasalita yung istatwa.
"Istatwa? Ang cool!",ang sabi ko at hinawak-hawakan ko pa.
"Tigilan mo nga ako! Kalilinis lang sa akin eh! Bakit ganyan expression mo?! First time mo lang ba makakita ng istatwang nagsasalita?", ang tanong ng istatwa at nagcross-arms pa ito.
"Oo.", ang sabi ko saka sinundot sundot ang ilong nito.
"Hay naku bagong sampid ka na naman. Bakit ba may mga katulad mo na nagmula sa mundo ng mga Hamstrung? Psh. Mga mababang uri!",ang sabi nung istatwa.
Nagbago ang expression ko dahil sa mga sinabi niya.
"Once na marininig ko ang line na yan, hindi ako magdadalawang isip na durugin ka.",ang sagot ko sa kanya.
Ang kapal naman ng mukha niyang manlait samantalang istatwa lang naman siya.
"P-Pasensya na! Ikaw naman di mabiro!",ang natataranta niyang sabi.
Umalis na ako at nagtungo sa Headmaster's Office.
Pagkapasok ko roon. Tumambad sa akin ang isang lalaking mukhang nasa 20's. Parang kamukha siya ni Aichi. Siguro kuya niya 'to.
"Good morning po.", ang tanong ko at talagang naiilang ako.
"Good Morning, Miss?", ang tanong niya at saka ibinaba ang binabasa niya.
"Akari Farhengart.", ang sabi ko at napalingon ako sa paligid ko.
Siguro ang laki ng tuition fee dito?
Nanlaki ang mata niya nang malaman niya ang pangalan ko.
"Have a seat Miss Farhengart.",ang sabi nito.
"No thanks Sir.",ang sabi ko.
"Okay here's your key for your dorm, schedule and welcome to Chikara Academy!", ang sabi niya at saka iniabot ang susi sa akin.
Ang weird. Nagmamadali ba siya? Walang intro-intro diretso bigay agad ng susi?
"Thank you Sir. Pasensya na po sa abala.", ang sabi ko nang maalala ko ang sinabi ng istatwa kanina. Mukhang hindi nga sila nag-aaksaya ng panahon sa mababang nilalang na katulad ko.
"Sige po mauna na po ako.",ang sabi ko at pumunta na ako sa magiging dorm ko.
Pagkapasok ko sa loob ng Dorm.
Hindi yun Dorm kung hindi isang bodega. Ang gandang school, pero mukhang bodega ang dorm?! Okay lang ba talaga sila?!
"Kailangan ko na 'tong linisin.", ang sabi ko kahit no choice ako sa nakikita ko. At saka isang diskriminasyon 'to!
Headmaster Yuri
Nagulat ako ng may biglang lumabas na estudyante sa office ko. Agad akong pumasok at nakita ko ang sira ulo kong estudyante. Si Heiji Hamilton.
"Anong ginagawa mo rito? At anong ginagawa nung estudyanteng yun rito?",ang tanong ko.
"Ah dahil tinatamad akong pumasok, dito muna ako headmaster.",ang sabi niya habang nakaupo sa swivel chair ko.
Nagpunta ako sa table ko upang kunin ang susi ng punishment room. Madalas talaga ay di maiiwasan ang mga pasaway na estudyante. Lumapit ako sa aking drawer upang hanapin ang susi ng Punishment room. Pero laking gulat ko nang hindi ko makita ang susi.
"Teka? Nasaan na yun?",ang sabi ko at pilit hinahanap ang susi.
Napatingin naman ako kay Heiji na pinaglalaruan ang globong binigay ni Fiora sa akin noon.
"Hoy, Heiji! May nakita ka bang susing kulay violet na ang ulo ay hugis heart?",ang tanong ko kay Heiji at saka nanlaki ang mga mata niya.
"Oi. Oi. Nagbibiro ka lang di ba?",ang tanong niya.
"Mukha ba akong nagbibiro?!",ang sigaw ko rito.
"Patay. Yun yung susing naibigay ko sa estudyante kanina.",ang sabi niya at saka napakamot siya ng ulo.
"Kainis! Heiji anong ginawa mo?! Ang ibinigay mong susi sa estudyante ay yung susi sa punishment room?!",ang sigaw ko kay Heiji.
"Aba malay ko bang yun yung maibibigay ko! Bakit kasi ang dami mong susi dito?! At isa pa sino bang matinong tao ang magdedesign ng pambabae para sa punishment room?!",ang sigaw ni Heiji.
"Kainis! Pag may nangyaring masama sa kanya I'll make sure ikaw ang papalit sa kanya!",ang sigaw ko.
Pero naputol ang pagtatalo namin nang makarinig kami ng isang sigaw.
"Sa punishment room!", ang sabi namin ni Heiji kaya naman napatakbo kai papuntang punishment room.
Pagkadating namin sa punishment room ay agad naming kinatok ng wagas ang pinto.
"MIss! Miss! buksan mo ang pinto!",ang sigaw ni Heiji.
"Tulong! Seiji! A-Aichi!" ,ang sigaw nung babae sa loob. Narinig namain ang tunog ng pagkakasakal kaya naman lalo kaming nataranta.
Mukhang mawawalan ito ng malay pero dahil sa nakakandado ang pinto hindi namin makita ang talagang nangyayari.
"Teka? May pinaparusahan ba ngayon sa punishment room? Ang cool!",ang sabi ni Aichi.
"Sira ulo! Anong cool ka jan?! Yung babaeng estudyante nagkamali siya ng pinasukan!",ang sigaw ko.
"Kasalanan niya na yan! Para siyang shunga eh!",ang sabi naman ni Sakura.
Grabe talaga brutal talaga ng dalawang 'to!
Napansin ko na dumaan si Mr. Farhengart kaya naman agad ko siyang hinatak.
"Seiji, buti na lang napadaan ka rito!",ang sigaw ko.
"Sorry sir hinahanap ko po kasi si Ate Akari!",ang sabi nito.
"Yun nga ang problema eh, nasa loob siya ng punishment room!",ang sabi ni Heiji.
"ANO?! NASA LOOB SI AKARI?! SINONG SIRA ULO ANG MAGBIBIGAY NG SUSI NG PUNISHMENT ROOM SA KANYA?!",ang sigaw nung tatlo at kinatok ang punishment room.
"Akari! Buksan mo ang pinto!",ang sigaw nila.
" Ate Akari buksan mo ang pinto!",ang sigaw ni Seiji.
"T-Tulong!", ang sabi nung babaeng tinatawag nilang Akari.
"Ate!, ang naiiyak na sigaw ni Seiji.
"Sir sirain na natin ang pinto!", ang sabi ni Sakura.
Nice idea! Kahit ma-lagot ako sa construction elves basta mailigtas ko lang yung estudyante!
"O sige!",ang sabi ko at hindi na ako nagdalawang isip.
Pinataman ng vines ni Seiji, Ice shards ni Aichi at ng Floral Bombs ni Sakura ang pinto ng punishment room.
Sumunod ang lightning kay Heiji. At sumunod ang sa akin, ang shadow.
Nang masira na namin ang pinto. Nakita namin siya na nakapulupot ang vines sa leeg niya.
"Dispel!", ang sabi ni Seiji.
Nang maalis na yung Mga vines sa leeg nung babae ay agad tumakbo si Aichi at sinalo si Miss Farhengart.
"Ok ka lang ba?!", ang tanong ni Aichi pero agad siyang binatukan ni Sakura.
"Nasakal na nga yung tao tapos tinatanong mo pa kung okay lang siya?",ang sigaw ni Sakura.
Nakita kong nagigising na si Miss Akari.
"A-Aray. Saan si Headmaster na nagbigay ng susi kanina?",ang tanong niya kaya naman itinuro namin si Heiji.
Oi ikaw ang hinahanap Heiji!, ang sabi ko kay Heiji.
"Bakit ako hindi naman ako ang Headmaster?!, ang sigaw ni Heiji.
"Malamang ikaw ang nagbigay ng susi sa kanya eh!, ang sigaw ko kay Heiji.
Lumingon si Heiji sa ibang direksyon sabay taas ng kamay na animoy sumasagot sa klase.
"A-Ako.",ang sabi ni Heiji.
"Ganun ba.",ang malamig na sabi nung estudyante at saka lumapit kay Heiji.
Bakit ganun? Masama ang kutob ko rito.
Seiji
"Ganun ba.",ang sabi ni Ate Akari
Patay kang bata ka! Napalunok kami ng laway sa naging tono ng kanyang pananalita.
"Ah Heiji ipagdarasal ka namin.",ang sabi ko.
Dahil nakita ko ang expression ni Ate Akari.Galit na galit siya sa nangyari!
"Haaaaaaaah!"ang sigaw ni Ate at hinampas ni Ate Akari si Heiji gamit ang bag niya na puro hard bound na libro hanggang sa hindi na makatayo.
"A-Aray.",ang sabi ni Heiji na ngayon ay namimilipit sa sakit.
"Ah Ate pasensya na siya yung totoong Headmaster..",ang sabi ko.
" Eto yung totoong susi ng dorm mo Miss Akari. By the way, welcome to the academy Miss Farhengart. At pasensya na sa lahat ng nangyari.",ang sabi ni Headmaster bilang paghingi ng dispensa.
"Thank you po.",ang sagot ni Ate at sinamahan na namin siya sa kanyang dorm dahil baka mapaano na naman siya.
Dinala na namin siya West dormitory upang hanapin ang kwarto niya. Tumigil kami sa tapat ng isang pintong walang kulay.
" Hawakan mo ang pintong iyan. Nakadepende sa chikara mo ang magiging disensyo nito.",ang sabi ni Headmaster kaya naman ng hawakan ni Ate Akari ang pinto ay naging ginto ito at napalibutan ng iba't ibang uri ng mga bato.
"Kung ganun, siya pala ang anak ng Hari at Reyna ng Medius Regnum.", ang sabi ni Headmaster.
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko iyon. Mahabaging baging! Di naman ako nabibingi di ba?