Naupo si Thessa sa kanyang kama. Hindi niya pa din mapaniwalaan ang inasta ni Sam kanina. Ang maamo nitong mukha ay tila naging mabangis na hayop? Isa pa, gustuhin man niyang sabihin ang nangyayari sa kanya sa pamamahay na ito naisip niyang walang maniniwala sa kanya. Siya nakakakita ng multo? Hindi lang mismo ang multo ang nakikita niya pati ang mga naranasan nitong pagkamatay. Napasabunot si Thessa sa kanyang buhok, hindi niya kasi alam ang gagawin.
Napatingin siya sa may pinto dahil may kumatok.
" Thessa..ako ito si Yannie, pwede ba akong pumasok?" pagpapaalam ni Yannie sa kanya.
" Bukas 'yan. " matipid na sagot ni Thessa.
Dahan-dahang sumilip si Yannie, tumingin kay Thessa at saka pumasok.
" Pwede ba tayo mag-usap?" nakangiti nitong tanong. Kumibit balikat lang si Thessa.
Naupo naman si Yannie sa gilid ng kama. Nakamasid lamang si Thessa sa kanya. Nagtanggal muna ng bara sa lalamunan si Yannie bago nagsalita.
" Lately, napapansin ko na parang iba ang ikinikilos mo. I don't know pero may nabago sa'yo..maybe dahil sa na-experience mo sa stalker mo kaya ka naging ganyan. Alam mo 'yon Thess, parang nagiging aloof ka na at tila may sariling mundo. Ilang araw palang tayo dito naging ganyan na ang kilos mo. Napansin ko din na medyo nanlalamig ka kay Sam. Huwag ka sanang ma-offend pero sinasabi ko sa'yo ito as your bestfriend. Dahil kung mas may makakakilala sa'yo ako iyon dahil since grade school magkasama na tayo. " pahayag ni Yannie sa kanya.
" Alam ko naman lahat ng iyan Yannie, but..it's hard! Napakahirap sabihin ng bagay na nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung kanino ako magsasabi, kung paano ko sasabihin lahat-lahat ng nangyayaring ito. " may pagka-eksaheradang sabi ni Thessa. Hinawakan naman siya ni Yannie sa balikat at saka tinitigan sa mata.
" Bakit hindi mo simulan sa umpisa? Bakit hindi mo i-try ikuwento sa akin paisa-isa? Malay mo mabigyan natin ng solusyon ang pinu-problema mo at para gumaan 'yang nararamdaman mo. " masuyong sabi ni Yannie sa kaibigan.
" Pero..pero baka i-judge mo ako. Baka isipin mong nababaliw ako. " sabi ni Thessa.
" Ganoon ba ang tingin mo sa akin Thessa? Sa tingin mo huhusgahan kita? Kaya mo nga ako naging bestfriend eh, for better or for worst sasamahan kita at dadamayan kasi kaibigan kita eh. No, scratch that parang kapatid mo na din ako. " pagpapaliwanag ni Yannie. Yumuko si Thessa sa mga sinabi nito. Nag-iisip siya kung sasabihin nga ba niya ang mga pangyayari na naganap sa kanya simula ng dumating siya sa bahay na ito? Huminga muna siya ng malalim bago muling tumingin sa kaibigan.
" Ganito iyan Yannie..may isang bagay na hindi ko naman tinataglay noon pero simula ng mapunta tayo sa pamamahay na ito ay parang kabute na lang siyang sumulpot. Sa totoo lang ang weird pero hindi ko naman hiniling ang magkaroon ng ganitong..ewan kung ano ba ang tawag dito! Hindi ko--"
" Teka, teka, teka! Ano bang sinasabi mo? Masyado kang maraming paligoy-ligoy eh, diretsuhin mo ako. " naguguluhang sabi ni Yannie nakataas pa ang kamay nito para pahintuin si Thessa sa pagsasalita.
" Yannie, I see ghost, hindi lang sila pati ang mga bagay na naranasan nila bago sila namatay. Remember the day nung ginigising niyo ako dahil binabangungot ako? Doon lahat nagsimula dahil sa isang babae na nakita ko sa second floor ng bahay nila Sam pagdating palang natin dito. Tapos nung minsan namasyal akong mag-isa to take pictures? May nakilala akong Ruby and patay na pala siya. Ex siya ni Sam. Then..I..si..paano ko ba sasabihin, si Timothy..nakita ko siya. P-patay na siya.." pagku-kwento ni Thessa pero ang huling sinabi niya ay ginawa niyang pabulong baka kasi may makarinig, lalo na si Jacky baka ano pa ang mangyari doon.
" What si Timothy?!" gulat na bulalas ni Yannie pero agad niyang tinakpan ang bibig nito para tumahimik. Ngunit tinanggal iyon ni Yannie. " Sorry, na carried away lang ako. What? Si Tim, patay na? Serious ka? " hindi makapaniwalang sabi ni Yannie, nanlalaki pa ang mga mata nito kay Thessa.
" Iyan na nga ang sinasabi ko eh, hindi mo ako paniniwalaan. " pagtatampo ni Thessa sa kaibigan.
" Hindi sa ganoon, sinabi mo nakakakita ka ng patay? Akala ko kasi sa mga TV or sa mga stories ko lang siya makikita at mababasa. Ang tawag kasi sa ganyan third-eye or ESP. Nakakapagtaka na nabuksan ang ganyan mo dito pa sa lugar na ito, kung saan dayo lang tayo. May panaginip ka ng babaeng nakita mo unang pagdating palang natin, may Ruby na Ex ni Sam at si Timothy patay na? Pwede mo bang idetalye lahat ng mga iyan? Makikinig ako. " seryoso na si Yannie sa mahabang sinabi niya kay Thessa. Medyo kahit papaano ay nalinawan si Thessa sa mga iyon, nabigyan siya ng kaalaman sa nangyayari sa kanya. Kaya hindi siya nag-atubili ikuwento ang lahat sinimulan niya sa babae sa second floor na nakatanaw sa kanila noong unang dating pa lang nila. Hanggang sa panaginip niya ng karumal-dumal na pagpatay sa babae. Ang pamamasyal niya sa gubat na nakilala niya si Ruby at ng dinala siya nito sa bangin para ipakita ang kanyang pagkamatay. Ang aksidenteng pagkakadiskubre niya sa rebulto sa hardin at ang pagwawala ng Mama ni Sam dahil doon. Ang pinakahuli ay ang kay Timothy. Ikinuwento niya na nakita niya ito sa may pool pero hindi siya pinapansin, pati ang pagpapakita nito sa kwarto ni Jacky. Sinabi niya sa kaibigan na siya ang naglakas loob para tanungin si Timothy patungkol sa kanyang pagkamatay.
" Grabe! Grabe lang ang kwento mo Thessa. Kung iko-connect natin ang pagkamatay ng dalawang babae iisa lang ang pumatay sa kanila. Iyon ang sinasabi mong lalaking nakamaskara. Ngunit iyong kay Tim, sino kaya? Ang isa pa palang conclusion ko ay lahat ng crime ay sa lugar lang na ito nangyari. Meron pa pala, kung iyong sa babae pinatay sila dahil sa may pagka-maniac ang lalaking killer..si Tim, ano kaya ang reason kung bakit siya pinatay?" huminga ng malalim si Yannie matapos sabihin ang kanyang nasa isip ayon sa kwento ni Thessa, parang asta detective pa ito habang nagsasalita. Inilagay pa nito ang kanang kamay sa kanyang baba na animo'y nag-iisip. " Ngayon ay malinaw na ang lahat kung bakit ka nagkakaganyan. Siguro kahit ako baka magkaganyan din kapag naka-experince ng ganyang klase ng kababalaghan."
" Teka! " biglang bulalas ni Yannie, nagsalubong naman ang kilay ni Thessa sa inakto ng kaibigan.
" Bakit?" tanong ni Thessa dito.
" Hindi kaya ang mga kaluluwa ay humihinge ng tulong sa'yo? Pwedeng magturo iyon sa killer para mahuli at ikaw ang sagot para matahimik ang kanilang mga kaluluwa. " nakaturo pa si Yannie sa kaibigan na nagugulat.
"Ako?! Eh, wala nga akong lakas ng loob para tumulong sa kanila. Isa pa where talking about a psycho-path s***h killer in here. Anong laban ng isang mahinang babaeng katulad ko doon? Stalker ko nga tinakbuhan ko sa Manila tapos aasahan nila akong tulungan sila?" eksaheradang sabi ni Thessa.
" Pero hindi mo ba iyon napapansin? Ikaw ang link sa tatlo. Ikaw lang ang makakapagreport sa pulis regarding sa crime. " pangungumbinse ni Yannie sa kanya.
" No! No! No! Sasabihin ko sa pulis na.. Mamang pulis may irereport po akong p*****n naganap po siya sa bahay ng boyfriend ko at lahat po iyon ay ipinakita ng mga multo ng pinatay sa akin. " sarkastikong sabi ni Thessa.
" Hindi naman sa ganoon Thessa, isa pa stop being sarcastic ako na nga ang nagbibigay ng solusyon sa problema mo eh. Malay mo if you help them captured the killer mag-disappear na sila sa life mo. " maarteng sabi ni Yannie.
" Yannie, ayokong pumasok sa maskumplikadong sitwasyon kung saan maaring manganib ang buhay ko pati buhay ng mga kasama ko. " seryosong sabi ni Thessa kay Yannie. " Pakiusap ko lang sa'yo Yannie, sa atin na lang muna ang lahat-lahat ng napag-usapan natin. Hindi natin alam kung sino ba ang killer, baka nasa paligid lang siya. " pakiusap ni Thessa sa kaibigan, nagpatango-tango naman si Yannie sa kanya.