Twelve – Saksi

1799 Words
Samantala, sa kwarto ni Jacky ay hawak-hawak nito ang isang papel na naglalaman ng isang sulat. Ini-abot iyon ng katulong nila Sam na si Tina kanina. Sabi ay may nagpapabigay sa kanya. Muli niyang binasa iyon.. Alam ko kung nasaan ang iyong asawa. Magkita tayong mamayang gabi sa likod ng bahay na ito. ps.wala kang pagsasabihan tungkol dito. Kung hindi mapapahamak siya. X Nilagay ni Jacky sa kanyang dibdib ang sulat. Niyakap niya iyon. Napapaisip siya kung bakit nasa taong iyon si Timothy at bakit binantaan siya nito na mapapahamak ang nobyo sa oras na may pagsabihan siya? Tumayo si Jacky at lumabas ng kwarto nasalubong pa niya si Gemma na may dalang tray ng pagkain. " Jacky, saan ka pupunta? Heto na ang dinner mo? " tanong ng nagtatakang si Gemma. " Magpapahangin lang ako sa labas. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin. " pagsisinungaling ni Jacky. Medyo madilim na sa labas. Kaya nagmamadaling lumabas si Jacky ng bahay iniwan niya si Gemma para makaiwas sa tanong. Ngunit sumunod pala ang dalaga sa kanya. " Ayos na ba ang pakiramdam mo Jacky?" habol na tanong ni Gemma. Naabutan nito si Jacky sa bungad ng pinto. " Ah, oo, Gemma okay lang ako. Huwag mo na akong sundan, gusto ko munang mapag-isa. " sabi nito at kumawala na sa pagkakahawak ni Gemma. Kunot-noo naman na sinundan ng tingin ni Gemma ang babae. Pumasok na ulit siya ng bahay at ibinalik na lang ang tray ng pagkain sa kusina. Nang mapadaan siya sa dining ay nagtanong si Thessa. " Nasaan si Jacky? Bakit hindi niya ginalaw ang kanyang pagkain? " " Magpapahangin daw sa labas, nagpunta sa may pool. Gusto niya daw mapag-isa. " kinuha naman ni Tina ang tray na hawak ni Gemma at saka naupo siya sa hapag kainan. " Mahamog na ah, makakasama para sa buntis na katulad niya. " singit ni Sam. " Ayaw magpasama Kuya Sam at nagmamadali pa nga eh. " tugon ni Gemma bago sumandok ng pagkain. " Panibagong biktima nanaman.. " nagtinginan ang lahat sa nasa gitna ng dining table. Ang Mama ni Sam na tulala habang sumusubo ng pagkain. " Mama, ano nanaman ba ang sinasabi niyo? " salubong ang kilay ni Sam sa ina. " Wala ng magbabago. Nasanay na ako sa lahat. " bulong nito at nakatingin lang sa isang direksyon. Akala mo may kausap na iba. " Tina, pinainom mo ba ng gamot si Mama? " tanong ni Sam kay Tina. Mabilis itong lumapit at sunud-sunod na tumango. " Opo, Señorito. " " Hindi naman ako baliw eh! Totoo lahat sinasabi ko! May demonyo sa pamamahay na ito!" sigaw ng Mama ni Sam, hinampas din nito ang mesa kaya nagulat sila Thessa, Yannie at Gemma. " Tina! Dalin mo sa kwarto si Mama ngayon na! " sigaw ni Sam tumayo na ito mula sa pagkakaupo nito at nilapitan ang kanyang Mama. Hinawakan nito ang kanyang Mama sa magkabilang braso para hindi ito magwala ng tuluyan. Lumapit na din si Tina at inalalayan ang kanyang among babae. " Hindi ako baliw! May demonyo dito! Papatayin din niya kayong lahat! Lahat kayo!" sigaw nito sa mga nasa hapag kainan. Paulit-ulit lang ito na sumisigaw hanggang sa mawala sa paningin ito ng mga naroroon. Tulala at tahimik lang sila Thessa dahil sa nangyari, nawalan na din sila ng gana sa pagkain. Si Sam naman ay napahilamos sa kanyang mukha at hinarap ang mga tulalang babae. " Ahm, pagpasensyahan niyo na sana si Mama. Inatake nanaman siya ng kanyang sakit. Huwag niyo na lang intindihin ang mga sinabi niya. " paliwanag ni Sam sa kanila. Tumingin ito kay Thessa na tumayo na din sa upuan. " Thessa.. " tawag nito sa nobya. Tiningnan lang siya nito at saka tinalikuran. " Sam, pabayaan mo muna si Thessa. Alam mo naman na hindi siya sanay sa mga ganyang tagpo. Kami na muna ni Gemma ang bahala dito. " si Yannie na hinarang si Sam ng balak nitong sundan si Thessa. " Pupuntahan ko na lang muna si Mama. " pagpapaalam ni Sam sa kanya at umakyat na din itong muli. Nakita niya pa si Thessa na nakasilip sa pinto bago nagmamadaling sinara iyon ng makita siya. Napabuntung-hininga na lang si Sam. Simula ng magbakasyon sila dito ay tila nagkaroon ng bakod ang relasyon nila ni Thessa. Nawala na ang malambing at maasikasong Thessa na nakilala niya. Naisip niya na sana hindi na niya ito niyayang magbakasyon at hindi na niya ito pinakilala sa kanyang Mama. Ang talagang plano lang naman niya kaya niya ito dinala sa kanilang probinsya para mag-propose, ngunit mukhang malabo na iyon sa mga nangyari ngayon. Ang nais niya lang naman ay mabuhay ng normal at walang tinatago. Gusto niyang magkaroon ng masayang pamilya..pero mukhang masisira iyon ng lihim niyang nakaraan. Ang lihim na itinatago ng kanyang pamilya. Naglakad na si Sam patungo sa silid ng kanyang Mama. Palilipasin muna niya ito bago kausapin si Thessa at ayusin ang mga bagay-bagay. Ipagtatapat na niya dito ang lahat kung kinakailangan dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari kay Ruby. " Ma'am Thessa! Ma'am Thessa! Nakikiusap ako sa'yo! Tulungan mo ang mag-ina ko.. " isang boses ang pumukaw sa mahimbing na pagtulog ni Thessa. " Huh? Sino ka?" medyo paos-paos pa ang boses ng dalaga. Pilit siyang umaaninag sa dilim. Ngunit wala siyang makita na tao. Mahihiga na sana siyang muli ng.. " Ahhh! " tili ng dalaga, dahil sa itaas ng kisame ay nandoon si Tim na nakatingin sa kanya. Maputi ito at ang palibot ng mga mata nito ay nangingitim. Duguan din ang damit nito. " Huwag kang matakot, wala akong gagawin sa'yo.. " pagpapahinahon niya sa kanya. Nagtalukbong naman si Thessa ng kumot para hindi makita ang itsura ni Tim. " A-anong k-kailangan mo sa a-akin? " nanginginig na tanong ni Thessa. " Nasa panganib ang mag-ina ko..tulungan mo sila. Papatayin sila. " pakiusap ng multo ni Tim. " Hindi ko kaya! Wala akong lakas ng loob para lumaban sa killer na 'yan! Lumayo ka na sa akin! " sigaw ni Thessa. " Iligtas mo sila nakikiusap ako..wala silang kasalanan. Ako inaamin ko kasalanan ko ang nangyari sa akin pero ayoko silang madamay sa mga katarantaduhan ko. " sinilip ni Thessa ang multo at nakita niyang nasa tabi na niua ito. Sa tapat niya mismo nakatayo at malungkot ang mukha nito. " Nasaan ba si Jacky ngayon? " tanong ni Thessa. " Nasa likod bahay siya, ang lugar kung saan ako pinaslang. Walang ng oras, kailangan mo ng magmadali. " at bigla na lang itong nawala sa kanyang harapan. Doon unti-unting nagmulat ang mga mata ni Thessa, sumalubong sa kanya ang kadiliman sa kanyang kwarto. Isang panaginip..akala niya ay totoo niyang nakausap si Timothy. Ngunit parang totoo? Hindi kaya totoong nasa panganib si Jacky? Ngunit ano ang gagawin niya? Nagmadaling bumangon si Thessa sa kanyang kama at nagbihis. Bahala na kung ano ang mangyari ngunit kailangan niyang malaman kung nasaan si Jacky. Sa kabilang kwarto kung saan mag-isang nakasilip lang si Gemma sa bintana. Mula doon ay tanaw ang daan sa likod bahay. Napakunot ang noo ng dalaga ng makita niya ang isang lalaking naka-maskara na may bitbit na babae. Pasan-pasan nito iyon sa balikat na akala mo ay isang sako ng bigas. Hindi niya tinatantanan ng tingin iyon, nanlaki ang mga mata ng dalaga ng makilala ang babae. Si Jacky! Sigaw ni Gemma sa kanyang utak. Napaisip siya kung bakit nandoon si Jacky at buhat-buhat ng naka-maskara. Dala ng kuryusidad ay lumabas si Gemma ng kwarto. Parang pusa itong bumababa ng hagdan. Ingat na ingat na may magising. Tinungo niya agad ang likod bahay ng siya ay makalabas ng bahay. Sinundan niya ang daang dinaanan ng lalaking naka-maskara. Nakarating siya sa dulo at may nakita siyang isang maliit na kubo. " Sino ka?! Anong gagawin mo sa akin?! " mula doon ay may narinig siyang sigaw ng isang babae, pamilyar sa kanya ang boses ni Jacky. Nang makalapit si Gemma ay may nakita siyang isang siwang na pwedeng pagsilipan. Nakita niya si Jacky na nakagapos sa lamesa. Nakabukaka ito sa harap ng naka-maskarang lalaki. " Gusto kong makuha ang isang bagay mula sa'yo. Gusto kong idagdag sa mga koleksiyon ko. " nakakalokong sabi ng lalaki. " Ano bang sinasabi mo? Pakawalan mo na ako. Buntis ako at baka kung anong mangyari sa anak ko. " pakiusap ni Jacky sa lalaki. " Iyon nga mismo ang kailangan ko ang fetus sa sinapupunan mo.. " napatakip ng bibig si Gemma sa narinig mula sa lalaki. Nakita ng dalaga na may hawak itong clamp at ipinasok iyon sa ibaba ni Jacky. Tinakpan ni Gemma ang mga mata niya dahil sa nakikita niyang ginagawa ng lalaki kay Jacky. Humihiyaw sa sakit ito sa sakit mula sa ipinasok na metal. Akala mo ay humahalukay lang ito sa putikan kung ikutin ang metal na hawak. " Maawa ka! Tama na! Ang baby ko! Huhuhu! " hiyaw ni Jacky. Nanginginig si Gemma sa kanyang nakikita. Sino ba ang lalaki na ito at hindi makatao ang ginagawa. Naalala ni Gemma ang eksena sa may dining kanina. Ang isinisigaw ng Mama ni Sam. Hindi kaya? Muling nanlaki ang mga mata ni Gemma ng makita niyang pinunit nito ang damit ni Jacky. Parang baliw pang tumatawa ang naka-maskara habang hawak nito ang isang matalim na kutsilyo. Nagpipiksi si Jacky, pinipilit niyang makawala sa pagkakagapos dahil alam niyang ang gagawin ng lalaki sa kanyang harapan. " Maawa ka! Pakiusap! " umiiyak na sabi ni Jacky. " May sinasabi ka ba? Hindi ako isang diyos para maawa." ang lalaki ay lumayo saglit sa kanya at may binuksang isang cabinet. Halos masuka si Jacky sa nakita, kahit si Gemma na nasa labas ay ganoon din ang reaksyon dahil sa nakasabit sa cabinet ang halos iba ng kulay na katawan ni Timothy. Luray-luray ang braso nito at may hiwa ang leeg. " Timothy!!!! Anong ginawa mo sa kanya?! Ahhh! " taghoy ni Jacky. " Ganyan talaga ang ginagawa sa mga magnanakaw. Huwag kang mag-alala makakasama mo na rin naman siya. " ngumisi ito kay Jacky at iniamba ang matalim na kutsilyo. Isinaksak nito ang kutsilyo sa tiyan ni Jacky at parang baboy lang na hiniwa-hiwa iyon para bumuka ang kanyang tiyan, si Jacky ay sumusuka na ng dugo sa ginawa ng lalaki. Hinalukay-halukay iyon ng lalaki at ngumiti ito ng makita ang hinahanap. Itinaas nito ang isang fetus kasama ng bituka ni Jacky. Tinanggal nito ang maskara na nakatakip sa kanyang mukha. " Hindi! " sigaw ni Gemma, napatingin ang lalaki sa pinanggalingan ng sigaw. Agad na tumayo si Gemma ngunit nanginginig ang kanyang tuhod dahil sa takot. " Sinong nandiyan?! " sigaw ng lalaki nakita pa ni Gemma na kinuha nitong muli ang kutsilyo at patakbong lumabas. Pinilit ni Gemma na tumayo at tumakbo palayo mula sa kubo. Kailangan niyang sabihin sa ate niya ang mga nakita niya! Kailangan na nilang umalis dito sa lalong madaling panahon! Sa kakatakbo niya ay hindi niya alam kung saan siya pupunta. Napatili siya ng may humablot sa kanya at takpan ang kanyang bibig. Natakot ang dalaga dahil ang katiwala ito ng bahay. Si Hilario!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD