" Ano bang nangyayari sa'yo Sam? Bakit wala ka yatang gana ngayon? " tanong ni Yannie, tumigil ito sa paghalik sa lalaki bumangon ito at inayos ang kumot sa kanyang katawan. " Si Thessa na naman ang iniisip mo? Nakakatawa lang noh, ako ang pinaparausan mo pero ang bestfriend ko ay nirerespeto mo hanggang maikasal kayo. "
" Pwede ba tigilan mo ang bagay na iyan. Isa pa ikaw ang nagsabi na okay lang sa'yo ang ganitong sitwasyon, sino ba ang nagsiksik ng sarili niya sa akin?" mahihimigan ng inis ang boses ni Sam.
Nahiga na si Yannie sa tabi ni Sam at kipkip nito ang kumot sa kanyang dibdib. Tumingin ito sa mukha ng lalaking kanyang minamahal ngunit hindi naman iyon kayang suklian. Tama ang sinabi nito na isiniksik niya lang ang sarili, pumayag siya kahit ganito lang ang set-up nila. Masaya na si Yannie sa tuwing kakailanganin siya ni Sam, hindi niya alam kung bakit mahal na mahal nito si Thessa, eh wala namang yatang kahit konting landi sa katawan. Kaya nga pati ang dati nitong manliligaw na pulis na according sa kanya ay minahal niya ay iniwan siya. Ang saklap lang ng nararamdaman ni Yannie dahil isinakripisyo niya ang matagal na nilang pagkakaibigan ng sahil kay Sam. Humaharap siya sa kaibigan niya ng may ngiti sa labi pero sa loob-loob niya ay dinudurog ang puso niya at naninigbugho sa kanyang bestfriend sa tuwing magkasama sila ni Sam. Siya naman ang unang nakilala ni Sam sa isang club, pero ng nakilala nito si Thessa sa isang park ay nahulog na agad ang loob nito sa matalik na kaibigan. Nagulat na lamang siya ng makita ang lalaki na nasa opisina ni Thessa at nanliligaw.
" Alam mo bang si Thessa ay may pinagdadaanan ngayon? Para siyang nababaliw.." kwento ni Yannie para siraan si Thessa sa kanyang si Sam.
" Seriously, ikaw makakakita ng multo? Sinakyan ko lang siya kanina baka makahalata pa siya. Ikaw ba naman sabihin na nakakakita ng multo at kung paano sila pinatay katulad lang sa mga pelikula. Nagsimula daw lahat iyon ng tumuntong siya sa pamamahay na ito. Oh by the way, na-meet din niya pala ang ex mo..Ruby yata ang name? Pati nga kaluluwa ni Tim ay nakita niya daw at patay na daw ang jowa ni Jacky. If I know iniwan na nito si Jacky kasi ang boring nagmana sa kanyang amo. Boring.. " napabangon si Sam sa sinabi ni Yannie.
" What did you say? " gulat na tanong nito. Dahil ngayon lang niya nalaman ang mga bagay-bagay. Kaya naisip niya ang sinasabi ng kanyang Mama na may alam na si Thessa, ito pala iyon. Sa un-natural ways niya nalaman ang lahat. Paanong ang mga multo ay nagagawa ang mga iyon kay Thessa? Kaya ba itinatago iyon ng nobya niya sa kanya at lumalayo na ito?
" Hay, ang haba ng sinabi ko di ka pala nakikinig. I said si Thessa nakakakita daw ng ghost. Nababaliw na siya diba? " maarteng sabi ni Yannie, bigla siyang sinakal ni Sam sa leeg dahil ayaw niya sa lahat ay nakakarinig ng salitang 'baliw' at isa pa ang matalik na kaibigan nito ay sinisiraan ang babaing pinakamamahal niya
" Don't call her crazy! Naiintindihan mo?! Ngayon sabihin mo sa akin lahat ng sinabi ni Thessa sa'yo. Lahat-lahat! " pinipilit tanggalin ni Yannie ang mahigpit na pagkakasakal ng kamay ni Sam sa kanya ngunit sobrang lakas ng lalaki. Nanlalaki ang mga mata nito at namumula ang mukha sa galit.
" H-hindi a-ako m-makahinga.. " nauubusan na si Yannie ng hangin ng bitawan siya ni Sam padaskol siya na binitawan nito sa kama. Suminghap-singhap siya ng hangin. Hinawakan niya ang kanyang lalamunan na tila namanhid sa ginawang pagsakal ng lalaki.
" Magsalita ka na ngayon! " bulyaw ni Sam na ikinaigtad naman si Yannie. Hindi siya sanay sa nakikitang galit ng kalaguyo, o dahil ngayon lang niya itong nakitang galit. Akala mo ay sinapian ng masamang espiritu.
Dahil sa takot ay nagkuwento si Yannie ng mga sinabi ni Thessa sa kanya. Bawat detalye ng nakita nito. Kaya mas lalong nag-iba ang aura ni Sam.
" Sabi niya ay nakita niya si Tim, tinuro daw nito kung saan at paano siya pinatay. Iyon 'yung time na nakita nating siyang nakabulagta sa room ni Jacky. " kuwento ni Yannie.
" Sinabi ba ni Thessa kung sino ang pumapatay? " seryosong tanong ni Sam at kitang-kita ni Yannie ang pagkuyom ng mga kamao nito.
" Ang sabi niya isang lalaking naka-maskara ang pumatay sa dalawang babae, pero iyong kay Tim hindi daw makita ang mukha dahil nakatalikod." sabi ni Yannie, tumayo si Sam mula sa kama. Kumuha ito ng maisusuot mula sa kanyang cabinet.
" Saan ka pupunta? " nakakunot-noong tanong ni Yannie.
Nagulat si Yannie ng biglang bumukas ang isang pinto. Hindi niya alam na may connecting door ang kwarto ni Sam at nanlaki ang mga mata niya sa nakitang lalaking pumasok! Hindi siya makapaniwala akala niya ay namamalikmata lang siya.
" S-Sam! Nakita mo ba ang kapatid ni Thessa? " humihingal na sabi ng lalaki. Salit-salitan ang pagtingin ni Yannie sa dalawang lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Nakatingin pa nga ang lalaking bagong pasok pa lang sa kanyang direksyon. Ngumisi ito sa kanya at tiningnan ang buo niyang katawan. Kaya lalong hinigpitan ni Yannie ang pagkakahawak sa kumot.
" Si Gemma? Bakit? Ano nanamang ang ginawa mo? " galit na tanong ni Sam.
" Nakita niya akong pinatay ang assistant ni Thessa. Hinabol ko siya pero biglang nawala. " nag-aalalang sabi nito.
" Ako na ang bahala sa kanya hahanapin ko para wala siyang masabi kay Thessa. " tumigil si Sam mula sa kalagitnaan ng paglabas at tumingin ito sa hanggang ngayon ay naguguluhan pa ding si Yannie.
" Ikaw na ang bahala sa babaeng iyan Kuya Marcus..masyado siyang madaldal at baka kumanta pa siya kay Thessa. " tumalikod na si Sam at bago niya isinara ang pinto ay nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Yannie sa takot.
" Yes, ang bait ng kakambal ko binigyan ako ng bagong laruan. " tuwang-tuwa na sabi ni Marcus.
" SAMMMM!" rinig na rinig ni Sam ang sigaw ni Yannie habang naglalakad siya sa may pasilyo ng kanilang bahay.
" S-si Y-Yannie ba i-iyong sumigaw? " nangangatog na tanong ni Thessa nasa bungad ito ng pinto at nakatingin kay Sam. Bigla namang nagbago ng emosyon si Sam, naging maamo ulit ang mukha nito. Dahil mamaya ay makatunog pa ang dalaga at mapurnada ang mga plano niya.
" Sigaw? Wala naman akong narinig na sigaw.. bakit gising ka pa? Gabi na masyado Hon, dapat tulog ka na. " malambing na sabi ni Sam.
" Ah, kasi gusto kong kamustahin ang kalagayan ni Jacky. Alam mo na matagal ko na siyang assistant, ayokong isipin niya na pinapabayaan siya ng employer niya. " paliwanag ni Thessa, ngunit nakakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang nobyo. Lumapit ito sa kanya at umtras naman siya ng hahawakan siya nito.
" Pinasilip ko siya kay Tina at ang sabi ni Tina ay natutulog na ito sa kanyang kwarto. " nakangiting sabi ni Sam. Nahalata nito ang pag-iwas ni Thessa.
" Ah, ganoon ba? Sige matutulog na ako.. " agad niyang isinara ang pinto ngunit iniharang ni Sam ang sarili para hindi niya iyon maisara.
" Okay ka lang ba Hon? Wala kabang itinatago sa akin? " nanunuri ang mga mata ni Sam habang nakatingin sa nobya. Nag-iwas naman ng tingin si Thessa, kinakabahan siya sa kanyang nobyo ngayon.
" Ha? W-wala, wala naman akong itinatago. " pinilit ni Thessa na huwag mabulol pero nabigo siyang gawin.
" Okay sige sabi mo eh, matulog ka na. Goodnight Hon. " at lumapit ang mukha ni Sam sa kanya, binabalak ba siya nitong halikan sa labi. Hindi nga nagkamali si Thessa dahil dinampian siya ni Sam ng halik sa labi. Saglit lang iyon, tsaka ito ngumiti at iniwan siya. Nanatili lamang nakatayo doon si Thessa.
" Sinungaling siya! Huwag kang maniwala! " nagulat si Thessa ng marinig ang isang sigaw sa kanyang likuran at nilingon niya ito. Nanindig ang mga balahibo niya sa nakita. Si Tim na galit na galit at sa tabi nito ay nandoon ang duguang katawan ng assistant na si Jacky bitbit ang hindi pa naisisilang na anak!