Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Renz sa labas. Pagkatapos ng huling pag-uusap namin ilang araw itong hindi nagpakita. Naisip ko na lang na marahil ay nabigla ito sa sinabi ko. Naalala ko pa ang naging reaksyon nito noong araw na 'yon. "Sinong tatay ni Alexa?" Hindi ko nagawang sumagot agad. Nag-iwas ako ng tingin at hindi ko mahagilap sa isip ko ang tamang salita na dapat kong sabihin. "Si... si Jackson Mondragon ba? Siya ba?" Muli akong nag-angat ng tingin rito at matiim ko siyang tiningnan sa mata. "Iyan ba ang sa tingin mo?" "Siya lang naman ang naging boyfriend mo, hindi ba?" "Tama ka. Dapat lang na siya ang ama ng anak ko kung hindi lang naging magulo ang lahat." "A-anong... ibig mong sabihin?" Seryoso ko itong tiningnan sa mata. "Alam mo kung anong ibig kong sabihin." A

