Chapter 8. Dean's office

1890 Words
Allyza Alcantara POV Parang sasabog ang dibdib ko habang naglalakad patungo sa Dean's office. Dalawang araw na ang lumipas at kahit kaunti umasa ako na walang gagawin si Crystal pero kanina habang nasa klase ay dumating ang secretary ng Dean at sinabing pinatatawag ako sa opisina nito. Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Missy at pagtataka sa mukha ng mga kaklase ko. Alam ng lahat na ama ito ni Crystal kaya nanginging ang tuhod ko na pumasok sa loob nang buksan ng sekretarya ang pinto para sa 'kin. Nakita ko agad ang Dean na nakaupo sa swivel chair nito. "Maupo ka, Hija." Utos nito at itinuro ang upuan sa tapat ng office table nito. Tahimik sa loob kaya halos marinig ko na ang malakas na kabog ng dibdib ko. Naupo ako at naghintay ng sasabihin nito. "Nabalitaan ko ang nangyari sa party na dinaluhan niyo," panimula nito. Kung ganoon alam niya na ang nangyari.. Pigil ang hiningang hinintay ko ang sunod na sasabihin nito. "Sayang, Hija. Scholar ka pa naman. Hindi madaling makapasok dito kaya siguradong hindi basta-basta ang husay at sipag mo. Nakakapanghinayang na masisira iyon dahil sa isang maling aksyon." Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi malinaw sa 'kin ang sinasabi niya. Lalo akong nilukob ng kaba. "A-ano po ang ibig niyong sabihin?" "Importante ang good moral values ng estudyante sa University na ito, lalo na ang mga kasapi ng Maxville Scholarship Program. At isa pa, nag-iisang anak ko lang si Crystal. Lubos ko itong iniingatan kaya hindi ko mapapalampas ang sinumang mananakit sa kaniya." Naguguluhan pa rin ako. Nalilito ako sa mga sinasabi ni Mr. Bermudez, pero hindi maganda ang kutob ko sa mga narinig. "Didiretsohin na kita, Hija. Dahil sa pagpapabaya at pananakit ng kapwa mo estudyante na nagkataong anak ko... tinatanggal na ng eskwelahan na 'to ang scholarship mo." Napakurap-kurap ako at tila hindi pa ma-absorb ng isip ko ang narinig. Hanggang sa unti-unti ko iyon maintindihan at parang bombang sumabog sa harap ko. Kusang umawang ang mga labi ko at namuo ang luha sa mga mata ko. "P-pero wala po akong sinaktan, Mr. Bermudez. H-hindi ko sinaktan ang anak niyo. S-siya po ang nanakit sa 'kin," lakas loob na sambit ko. "Naiintindihan ko na mahirap para sa 'yo na tanggapin ang desisyon na ito, Hija. Naikonsulta ko na 'to sa Presidente ng school. Huwag kang mag-alala, maaari mong tapusin ang semester na ito pero kailangan mong lumipat sa susunod na semester." Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko sa mga narinig. Hindi ko na rin halos maintindihan ang iba pang sinabi nito. Pilit kong pinigilang tumulo ang mga luha ko pero nag-unahan pa ring bumagsak ang mga iyon. Sinubukan ko pang makiusap pero puro pasensya na lang ang naisagot nito at may gagawin pa raw ito. Lumabas ako sa silid na 'yon na nanlalabo ang paningin dahil sa mga luhang ayaw maubos kahit anong punas ko. Nakasalubong ko si Jackson pero hindi ko ito pinansin at tumakbo na ako palayo. Hindi na ako bumalik sa klase ko at pumasok ako sa isang bakanteng classroom. Binuhos ko lahat ng sakit at sama ng loob ko doon. Hinayaan kong umagos ang mga luha ko hanggang sa kusa na iyon mapagod at matuyo. Hindi ko akalaing sa isang iglap mawawala lahat ng pinaghirapan ko. Ang pag-asa ko na makatapos ng kolehiyo at matupad ang mga pangarap ko. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga sinabi ni Mr. Bermudez. Hindi ako nanakit ng tao. Wala akong inagrabyado, wala akong sinaktan. Nagkakamali siya. *** Baon ang pag-asa sa dibdib ay pumasok pa rin ako kinabukasan. Susubukan ko pa rin ayusin ang problema ko nang mag-isa. "What?? Bakit baliktad yata?" gulat na gulat sina Ron at Missy nang sabihin ko sa kanila ang pinag-usapan namin ni Mr. Bermudez. Malungkot akong umiling. "Hindi ko alam..." "Maldita talaga ang babaeng 'yon! Mukhang gumawa pa ng sarili niyang kwento para palabasin na ikaw ang masama!" Nagpupuyos sa galit na wika ni Missy. "Pero ang bali-balita ay wala raw nakaalis ng party na 'yon na hindi binura ang mga nakuhang video sa cellphone nila. Kailangan makausap natin si Crystal. Siya ang nag-utos sa Dean kaya siya lang din ang makakapagpabago ng desisyon nito," ani Ron. Tama si Ron.. Kahit imposible, hindi puwedeng sumuko na lang ako at walang gawin. Kung kailangan humingi ako ng tawad at magmakaawa kay Crystal ay gagawin ko. Lulunukin ko lahat ng pride para isalba ang scholarship ko. Napag-alaman ko na maging sina Ron at Fiona ay kinausap ng Dean. Pero dahil umawat lang naman sila ay binigyan lang sila ng warning. Nahihiya ako na maging sila ay nadamay dahil sa problemang kinasangkutan ko. Kahit anong pigil ko ay nagpumilit si Ron at Missy na samahan ako para hanapin si Crystal. Kinausap ko na rin sila na hayaan akong makipag-usap dito. Hindi namin ito nakita sa mga classroom kaya nagpasya kaming silipin ang likod ng campus at hindi nga kami nagkamali, nasa garden ito kasama ang mga kaibigan. Naramdam ko na naman ang pagbigat ng dibdib ko nang maalala ang gabing iyon. Kung paano niya akong sinaktan at pinahiya sa harap ng maraming tao. Humugot ako ng malalim na hininga bago magsimulang lumapit sa kinaroroonan nito. Nakasunod naman ang dalawa kong kaibigan sa likod ko. Una akong nakita ng isa sa mga kaibigan nito at itinuro ako kaya lumingon si Crystal at ang isa pang kasama. Nakataas ang sulok ng mga labi nila at nanunuya akong tiningnan. "Oh, ano pang ginagawa mo rito?" mataray na tanong ni Crystal at nakapameywang na hinarap ako. "C-Crystal... nandito ako para makiusap sa'yo. Huwag mong gawin 'to. Mahalaga sa 'kin ang scholarship ko. P-Patawarin mo ko-" Sarkastiko itong tumawa. "Kawawa ka naman. Alam mo, you deserved it. Nababagay lang sa'yo na matanggal sa expensive school na 'to!" Hindi ko pinansin ang pang-i-insulto niya. "Hindi kita sinaktan at alam mo 'yon. Please, Crystal. Bawiin mo 'yong sinabi mo kay Mr. Bermudez. Alam mong hindi 'yon totoo. Gantihan mo ako, saktan mo ako. Gagawin ko lahat pero please... 'wag ang scholarship ko..." Nagsisimula na naman mag-init ang mga mata ko pero wala na akong pakialam kung umiyak ako sa harapan niya. Akma ko itong hahawakan sa kamay pero marahas nitong nilayo iyon na tila nandidiri. "Lumayo ka nga sa 'kin! Dapat ka lang mawala dito! Hindi ka nababagay rito! Alis!" sigaw pa nito at tinulak ako. Hindi ko iyon inasahan kaya napaatras ako at napaupo sa lupa. "Ally!" agad akong dinaluhan nina Missy at Ron. "Sumosobra ka na, ah!" sigaw ni Missy. Sinenyasan ko silang ayos lang ako at pinigilan siya. "Okay lang, Missy," mahinang bulong ko. "Kaya mong gawin ang lahat? Sige! Kainin mo 'to." Binuhos niya ang laman ng chips na hawak niya sa lupa. "Kainin mo lahat 'yan. Dali!" utos nito na tila natutuwa sa pinapagawa. Nagtawanan naman ang mga kaibigan nito sa likod. "No! Huwag, Ally. Aalis na lang tayo," matigas na wika ni Missy. "Ally? What's happening here?" napalingon ako sa taong dumating. Jackson Mondragon POV Kasama ko si Clark at ang dalawa pa naming kaklaseng babae. We are on our way sa gymnasium dahil pumayag silang doon pag-usapan ang gagawin sa thesis dahil may practice pa kami after. Nadaanan namin si Crystal na mukhang may inaaway na naman sa garden. Tss. Such a spoiled brat. Lalagpasan ko lang sana ang mga ito pero napahinto ako nang makilala ko kung sino ang mga kausap nito. Kusang nag-igting ang panga ko nang makita kung paano niyang itulak si Ally at ibuhos ang laman ng hawak nitong chips. Akmang lalapit ako pero napahinto rin ako nang makita ko ang isang lalaking dumating. Kinausap siya nito at inalalayan siyang tumayo. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ng lalaking 'yon habang hawak nito ang kamay niya. Tss... Sinulyapan ko pa itong muli at tiningnan nang masama ang kamay nitong nakahawak pa rin sa kamay ni Ally bago ako tuluyang tumalikod. Katabi ko ang isa kong kaklase at ramdam ko na kanina pa nito dinidikit ang dibdib niya sa braso ko habang ipinapaliwanag ang laman ng libro na hawak nito. Hindi ko naman halos naintindihan ang mga sinasabi niya dahil nasa iba ang isip ko. Hanggang ngayon pala umaaligid pa rin ang lalaking 'yon sa kan'ya. Kusang kumuyon ang kamao ko. Naputol lang ang pag-iisip ko ng kunin ng babae sa tabi ko ang atensyon ko. "Hey, Jackson. Are you listening?" Wala sa loob na napalingon ako sa kaniya. Sobrang lapit na rin pala ng mukha nito. Malagkit itong nakatingin at kinagat pa ang ibabang labi. Tiningnan ko si Clark na noon ay abala rin makipag-usapan sa isa pa naming babaeng kagrupo. Muli kong binalingan ang katabi ko. I know that look. Pare-parehas lang naman ang gusto ng mg babaeng tulad nito. "Follow me," bulong ko rito. Nagpaalam ako kay Clark na aalis lang ako saglit at binigyan niya lang ako ng makahulugang ngisi. Sumunod ang kaklase ko hanggang sa makarating kami sa likod ng gymnasium kung saan walang tao at hindi abot ng CCTV. Dinikdik ko siya sa pader. Napasinghap ito nang ipasok ko ang isang kamay ko at dakmain ang malusog nitong dibdib at pisilin iyon nang marahas. She moaned. Hinayaan kong dumampi ang mga labi nito sa mukha at leeg ko pero saglit lang 'yon dahil pinatalikod ko na ito agad. Inangat ko lang ang suot nitong maikling palda at binaba ang underwear. Kinuha ko ang maliit na pakete sa bulsa ko at pinunit iyon gamit ang ngipin. Mabilis ang kilos na nilabas ko ang alaga ko at sinuot ang condom doon. Without any words, marahas kong pinasok ang kahabaan ko sa loob nito. Malakas itong napadaing kaya tinakpan ko ang bibig niya gamit ang isang kamay ko habang ang isa ay mahigpit kong kinapit sa baywang nito. Hindi nagtagal ay natapos agad ako. "T-Thanks, Jackson... That was... rough," hinihingal na sambit nito. Inayos ko ang sarili bago ko siya iwan doon. Allyza Alcantara POV Matapos kong magmakaawa kay Crystal ay inilayo na ako nina Missy rito. Pumasok kami sa isang classroom para doon magpalipas ng oras bago ang susunod naming klase. "Anong maitutulong ko? Sabihin mo lang, Ally. May ipon ako, puwede kong ibigay sa'yo para makapag-enroll ka pa rin next semester," wike ni Renz nang malaman ang mga nangyari. "Me too. Tutulong ako sa'yo, friend" ani Ron. "Me three. Mag-aambagan kami para makasama pa rin namin dito sa school," pagsang-ayon ni Missy. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko. Umiling ako. "Hindi niyo kailangan gawin 'yon.. Hindi niyo obligasyon na bayaran ang tuition fee ko. Gagawan ko na lang ng paraan. Baka may paraan pa," sagot ko sa mga ito kahit hindi rin ako sigurado. "Basta, I will help," Renz sighed. "Hindi makatarungan ang naging decision ni Mr. Bermudez, hindi porket anak niya ang Crystal na 'yon ay madali na lang sa kan'ya na agawin sa'yo ang karapatan mong mag-aral ng libre dito. Pinagsikapan mo 'yon." "Huwag kang mawalan ng pag-asa, friend. Malay mo magawan pa natin ng paraan." Pagpapalakas ni Ron sa loob ko. "True! At nandito lang kami, Ally." Malungkot akong ngumiti muli sa kanila. Hindi ako sigurado kung may laban ang katulad kong mahirap sa mayayaman at makapangyarihang tao na kayang-kayang paikutin ang mundo namin. Pero sa ngayon, iisa lang ang alam kong dapat gawin. Ang subukang ipaglaban ang pangarap na mayroon ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD