Chapter 20

2182 Words
"Do you like him?" tanong nito bigla. "Huh?" naguguluhang sambit ko. Anong pinagsasabi niya? Mukhang saglit itong nag-isip bago sumagot. "Never mind." Akmang tatalikod ito pero tinawag ko siya. "Teka! Saan ba rito gagawin ko?" Salubong pa rin ang kilay nito na lumapit at binuklat ang libro niya. Parang mapupunit ang bawat pahina niyon sa bigat ng kamay niya. Tinuro niya ang gagawin ko. Siya pa talaga ang galit? Ako nga dapat naiinis dahil naninira siya ng mood at kahit nasa outing talagang hindi siya pumayag na walang ipagagawa sa 'kin. Parang nananadya lang at talagang alipin ang tingin niya sa 'kin. Nang tingnan ko naman ang tinuro nito parang ang dali lang naman niyon sagutan. Epal lang talaga siya! Masama ko siyang tiningnan. "Bakit ba ang init ng ulo mo? Kung nag-away kayo ng babae mo 'wag kang nandadamay!" Hindi ko napigilang sabihin at inirapan siya. Parang nagulat siya sa sinabi ko at hindi inasahan magsasalita ako sa kaniya ng gano'n kaya hindi agad ito nakasagot. "Pati si Luke na walang ginagawa sa'yo inaaway mo," dugtong ko pa. Unti-unting nagsalubong ang kilay nito at tinagilid ang ulo habang nakatingin sa 'kin. "Bakit mo siya pinagtatanggol?" "Bakit hindi?" balik tanong ko. "Wala namang ginagawa sa'yo 'yong tao susungitan mo." Napansin kong gumalaw ang bagang niya. Maya maya humugot ito ng malalim na hininga at nag-iwas ng tingin. Hindi na siya sumagot at tinalikuran na ako. Akala ko aalis na siya pero umupo lang ito sa isang nakatumbang puno sa 'di kalayuan at nagsindi ng sigarilyo. Dito na tuloy naubos ang oras ko. Wala akong nagawa kun'di panuorin sina Missy na masayang naliligo na ulit sa falls. Ilang minuto kong binasa ang isang pahina sa libro niya pero hindi ako makapag-concentrate. Bumuntong hininga ako at bumaling sa lalaking iyon na abala na sa cellphone niya. Tiningnan ulit ito nang masama habang minumura sa isip ko. Hindi ko naman inaasahang bigla rin itong babaling sa direksyon ko. Napalunok ako. Tumaas ang isang kilay nito at nabasa ko sa pagbuka ng bibig niya ang salitang 'What?' Nagsalita ako nang mahinang boses para sadyaing hindi nito maririnig. "Bwisit ka!" Kumunot ang noo nito. "What?" Malakas na tanong nito. "Bwisit ka!" ulit ko pero mahina pa rin kaya hindi pa rin nito narinig. Baka bigla kasi akong sugurin at kung anong maisipan gawin. Gusto kong matawa dahil pakiramdam ko naiisahan ko siya at nakakaganti ako dahil nakikita kong mukhang naiinis na ito. Napakapikon pala talaga! Kinabahan ako nang tumayo nga talaga ito at humakbang palapit sa 'kin. Malapit na siya pero biglang dumating 'yong babaeng kasama niya at tinawag ito. "Hey, Jack! Kanina pa kita hinihintay. Let's swim na! Dalhin mo rin ako sa ilalim ng falls. Nando'n sila lahat. Nakakainggit!" "Ikaw na lang, Ritz. Wala ako sa mood." "Why? What happened ba? Bad mood ka kanina, eh," tanong ng babae at kumapit sa braso nito. Hindi sumagot si Jackson at akmang lalapit ulit sa 'kin pero mabuti na lang pinigilan siya ng babae. "Tell me, anong p'wede kong gawin para gumanda ang mood mo ulit? Hmm?" tanong nito habang hinahaplos sa dibdib ang lalaki. Nasusuka ako sa view kaya nag-iwas na ako ng tingin. Kailangan talaga maglandian sila sa harap ko? Tinuon ko na lang ang atensyon sa sinasagutan ko hanggang sa matapos ko 'yon. No'ng gabi gumawa ang mga boys ng bonfire at umupo kaming lahat sa palibot niyon habang tumutugtog ng gitara at kumakanta si Luke. Maganda pala ang boses niya. Puwedeng siyang maging main vocalist ng isang boy group. Siguradong sisikat siya at marami ang kikiligin sa kaniya. Silang lahat actually. Hindi ko lang sigurado ro'n sa isa. Baka masira lang din ang image nila agad dahil sa kaniya. Napaka-playboy kasi. Wala sa loob na dumako ang tingin ko rito. Tahimik lang itong umiinom sa hawak na alak habang nakatingin sa apoy. Bigla akong nag-iwas ng tingin nang mapatingin din ito sa direksyon ko. May third eye ba siya? Lagi na lang akong nahuhuli kapag nakatingin, ah! Ayoko na nga! Baka mamaya nag-a-assume na siya ng kung ano. Inabutan din kaming lahat ng beer in can ni Clark kaya napilitan akong tanggapin iyon. Ilang oras din nakikanta sina Missy kay Luke at nang dalawin ng antok nauna na kaming tatlo nina Missy at Fiona na matulog sa papag na nasa loob ng nipa hut. Iniwan na namin ang mga boys na nag-iinuman pa rin habang naglalaro na ng cards kasama 'yong babaeng kasama ni Jackson. Kinabukasan paglabas namin naabutan namin ang mga lalaki na natutulog lang sa kumot na nilatag nila kung saan namin sila iniwan kagabi. Nagkalat pa 'yong mga lata ng beer sa paligid. Lumabas naman sa isang tent ang mag-dyowa at sa kabila ay 'yong babae. Mag-isa lang siya ro'n. Hindi sila magkatabi natulog? Naghanda kami ng almusal bago ginising ang mga lalaki para kumain. Nagkaayaan pa ulit maligo bago kami nag-decide na umuwi. Pag-uwi sa bahay nakita ko ang mga tagged photos sa aming lahat ni Kate. Nag-upload na agad siya ng mga pictures namin. Mayroong habang kumakain kaming lahat, habang naliligo sa falls, at pati 'yong nakapasan kami sa likod ng mga lalaki naka-tag din. *** Monday na naman. Parang makulimlim ang langit nang umalis ako sa bahay kaya nagbaon ako ng payong. Kahit mukhang hindi matutuloy ang P.E class namin mamaya nagbaon pa rin ako ng P.E uniform. Baka biglang tumila at matuloy. Pero sana 'wag na! Ayoko maglaro ng volleyball. Saktong pagdating ko sa school saka lang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Swerte! Hindi ako inabutan sa byahe at mukhang wala rin P.E class mamaya. Habang naglalakad sa hallway napansin ko ang kakaibang tingin ng ilang estudyante sa akin. May dumi ba sa mukha ko? Pagpasok ko pa lang sa classroom agad akong sinenyasan ni Missy na lumapit na parang nagmamadali. "Hi, Ally! Good catch, huh?" nakangiting bati sa akin ng isa sa kaklase namin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Dumiretso na lang ako kay Missy dahil tinawag niya ulit ako. "Alam mo ba pagpasok ko kanina grabe! Para akong kriminal sa mga tingin nila!" agad sabi nito nang makaupo ako sa tabi niya. Medyo napaisip ako dahil parehas kami ng nararamdaman. "Bakit naman?" "Ang sabi ng mga kaklase natin usap-usapan 'yong mga pictures natin sa falls. Trending sa buong campus!" "Ano naman daw sinasabi?" tanong ko habang nilalabas ang notebook at ballpen sa bag. "Ano pa nga ba? Malalandi daw tayo!" malakas na sabi ni Missy. Napatingin tuloy sa amin ang ibang kaklase namin at natawa. Napailing ako. Naisip ko nga na magiging big deal na naman 'tong pagsama namin sa kanila no'ng makita ko ang post ni Kate. "Bigla tuloy akong napasilip sa post ni Kate. Ang daming angry reaction sa pictures namin ni Clark! Pati na rin sa inyo ni Luke. Pati nga rin kina Fiona at sa babaeng kasama ni Jackson, eh!" Nakuha pa nitong tumawa pagkasabi niyon. "Pero huwag ka na lang magbasa ng comment section kasi ako na-stress sa mga pangba-bash nila!" No'ng lunch time pinuntahan kami nina Ron. Hindi namin agad napansin si Fiona na kasama pala niya dahil nakasuot ito ng sumbrero na itim at nakayuko. "My gosh! Ano bang nagawa kong mali?" agad bulong niya sa 'min. "Para akong wanted!" Tumawa si Missy. "Ikaw din?" Nag-angat siya ng mukha sa amin. "Kayo din ba?" Tumango kami ni Missy. "Bakit ang saya mo pa?" tanong ni Fiona kay Missy. "Mga inggit lang kasi mga 'yan! Hayaan niyo sila. Basta ako proud pa 'ko. Bakit ka ba nagtatago riyan?" "Naisip ko kasi, 'di ba kaka-break ko lang kay Victor? Baka kung anong isipin niya sa mga pictures?" "Anong iisipin niya? Siya nga 'yong cheater, eh! Single ka na kaya okay lang 'yon!" "True," pagsang-ayon ni Ron. "Iyan din nga ang sinasabi ko sa kaniya kanina pa." Inalis niya 'yong sumbrero ni Fiona. "Alisin mo na 'to. Wala namang sense. Makikilala ka pa rin naman nila dahil d'yan sa Chanel bag mo!" Taas noo si Missy na naglalakad katabi si Ron habang nasa likod naman nila kami ni Fiona na nakakakapit sa braso ko. Papunta na kami sa canteen para kumain. Tulad ng inaasahan may mga nagbubulungan habang nakatingin sa amin. May mga nakataas ang kilay at mayroon naman bakas ang kuryosidad sa mukha. Marahil iniisip nila, sino ba kami para maka-bonding namin 'yong basketball team ng school na sa court lang nila madalas makita. Hindi lang 'yon, mga naka-swimsuit pa at nakapasan sa likod nila. Hays! Nakakahiya pala kapag marami ang nakakita. Noong oras kasi na 'yon hindi ko pa naisip 'yon. Nag-enjoy lang kami. After ng 3 P.M class namin bakante na ulit kami. Paglabas ng professor namin nagsilabasan din ang mga kaklase namin para magtungo sa susunod nilang subject. Ang iba naman ay para kumain o tumambay rin sa labas katulad namin. Nagliligpit na ako ng gamit sa table ko nang tumunog ang cellphone ko. Alam ko na agad kung sino ang nag-text. "I'm hungry." Iyon lang ang nakalagay sa message. "Bestie, send ko pala sa'yo 'yong mga awrahan natin nina Fiona pati 'yong solo pictures mo. Tapos ko na i-edit. Gawin mo 'tong profile picture, ah? Pakak ka dito!" "Ayoko," agad sagot ko. Naalala ko 'yong mga pictorial kuno na ginawa namin. Napilit nila akong alisin 'yong tshirt ko no'ng umagang nag-swimming ulit kami para pare-parehas daw kaming naka two-piece sa picture. Mabuti na lang abala rin 'yong mga lalaki no'n at medyo lumayo kami. Tinuruan pa nila ako kung anong mga pose ang gagawin ko. "Kj mo naman! Para ka kayang calendar girl dito," sabi pa nito sabay tawa. Inirapan ko siya at tumayo na. Parang pinagtitripan lang naman niya 'ko. Sabay kami napatingin sa pinto ng classroom nang may apat yatang babae ang sumilip do'n. Dire-diretso silang pumasok sa loob at lumapit sa amin. Para itong mga susugod sa laban. Napatayo na rin si Missy. "Ikaw? Ikaw ba 'yon?" agad tanong ng isang babae sa akin habang nakataas ang kilay. Humakbang pa ito palapit sa 'kin. Medyo naguguluhan ako kung ano ang tinutukoy nito kaya hindi ako nakasagot agad. Si Missy ang sumagot. "Bakit? Anong kailangan niyo?" Hindi siya sinagot ng mga ito bagkos nagtanong ulit 'yong babae sa 'kin. "Ikaw 'yong parang Koala kung makakapit kay Luke? Ang kapal mo, huh! Hindi mo ba alam na kami pa?!" sigaw nito. Huh? May girlfriend si Luke? Sasagot sana ako kaya lang bigla ulit nagsalita si Missy. "Kayo ni Luke? Bakit hindi ka sinama?" May halong pang-aasar na tanong niya. Tiningnan tuloy siya ng masama no'ng apat. "Shut up! Isa ka pa!" sabat no'ng isang babae na matinis ang boses. "Sino ka? Anong karapatan mong dumikit-dikit kay Clark? Girlfriend ka na ba niya, ha? Just so you know, hindi kayo bagay!" Binalingan ko si Missy. Nakita ko ang pag-awang ng labi niya bago sumagot. "Aba't... at sinong bagay sa kaniya? Ikaw? Mas lalong hindi siya pumapatol sa boses ipis!" Akmang lalapitan nito si Missy pero pinigilan ito ng dalawa nilang kasama at humakbang rin si Missy palapit. "Sige subukan mo, kukulutin ko lalo 'yang buhok mo!" Jusko ano na naman ba 'to? Ang gulo naman! "Do you really think magugustuhan ka ni Luke? Huh?" muling sabi ng babae sa harapan ko habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. Tiningnan niya ako mula paa paitaas. "Unbranded jeans, pale face, and old backpack." sambit nito sabay tumawa nang nanunuya. Nakitawa rin ang mga kasama nito. "Hoy, mukhang pusit! Kahit anong suotin ni Ally bagay sa kaniya. Wala kang binatbat sa mukha at kutis niya! Manalamin ka nga, girl!" Sasagot pa sana 'yong babae pero napatingin kaming lahat sa cellphone na nasa kamay ko nang mag-ring 'yon. Impakto. Hindi pa nga pala ako nakapag-reply sa kaniya. "Is it him? Si Luke ba 'yan?" Nagulat ako nang hablutin ng babaeng nasa harapan ko ang cellphone ko. "Hoy! Cellphone ko 'yan!" Sinubukan kong agawin 'yon pero lumayo ito. "Hoy, magnanakaw!" sigaw ni Missy rito at sumunod din sa babae na mabilis naglakad palapit sa bintana. "Hello? Luke?" agad sagot nito sa tawag. Hinila ko ito sa braso para pigilan gano'n din si Missy sa kabila. "Wait lang ano ba!" Reklamo nito habang nagpupumiglas at pilit din nilalayo ang kamay. Lumapit 'yong mga kasama nito at kami naman dalawa ni Missy ang hinihila. "Punyemas kayo, ha!" sigaw ni Missy sa mga ito habang nakikipaghilaan ng braso. "Hello? Ikaw, sino ka?" tanong nito sa kausap sa kabilang linya. Napalunok ako. Nakita kong natigilan 'yong babae at napaawang ang labi. Tiningnan niya pa 'yong screen ng cellphone. Malakas kong binawi ang braso mula sa babaeng may hawak sa 'kin at akma kong babawiin ang cellphone rito pero namilog ang mga mata ko nang mabilis niyang ihagis iyon sa bukas na bintana. Parang tumigil 'yong mundo ko nang makita kung paano iyon tumilapon sa labas. Medyo malayo ang narating base sa lakas ng pagkakahagis. "s**t!" mura ni Missy. "Bakit mo ginawa 'yon?" Hindi makapaniwalang sigaw ko sa babae. Hindi ito sumagot at bumaling sa mga kasamahan niya. "Girls, let's go!" Nagmamadali silang umalis palabas ng room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD