bc

Ang Pinuno

book_age18+
476
FOLLOW
4.7K
READ
love-triangle
HE
opposites attract
heir/heiress
drama
city
war
like
intro-logo
Blurb

Pag-ibig oh pag-ibig. Paano ka nga ba ilalarawan? Huni ng mga ibon? Hampas ng alon sa aplaya? Mga anghel ba na nagkakantahan? O musika sa tenga?

Isang matapang na Army Officer, sinalo lahat ni Edwin nang magsabog ng kagitingan ang langit. Hindi siya nangingilag, kahit pa kay kamatayan. Walang puso pagdating sa kalaban, subalit pagdating sa pag-ibig, pagdating kay Claire, ay torpe ang pinuno.

Una niyang masilayan ang kagandahan ni Claire, sapul ni kupido ang kanyang puso. Iyon nga lamang at hindi siya gusto ng dalaga.

Musika at gitara. Ilan ang kalahi ni “Eba” na hindi mahuhumaling dito? Madalang, sapagkat ang musika ay may may karismang hahatak sa bawat damdaming pupukawin nito.

Ligtas ba ang matigas na puso ni Claire? Kaya bang pukawin ni Edwin ang atensyon, at salingin ang puso ng mataray na dalaga, sa pamamagitan ng kanyang boses at gitara?

At Kakayanin ba nila ang “insekuridad” at layo, o magiging hadlang ang mga ito sa kanilang pagmamahalan?

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Anto" “Napakalayo na nito sa bayan”, mahina niyang bigkas. “Malayo pa ba tayo Sarge?”, tanong niya ke Sgt Pal, ang nagmamaneho sa dala nilang Kennedy Jeep. “Malapit lapit na tayo Sir, papasok na tayo sa pinaka barangay”, ang tugon naman ng sarhento. “Klik”, tunog ng lighter. “Isang stick muna tayo Sarge”, sabay abot niya sa kaha ng sigarilyo at panindi. Naalala niya ang kanyang cellphone. Dinukot ito sa bulsa ng tactical bag, kinabitan ng headset, at pinatugtog ang kanyang playlist, “emo” I see forever when I look in your eyes You’re all I ever wanted I always want you to be mine Let’s make a promise till the end of time. FireHouse When I look into your eyes Isa sa mga pinakapaborito niyang kanta, sinabayan niya ng hithit … Edwin…1st Lt Edwin F. Santos. Apat na taon ng naglilingkod bilang opisyal ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. Binata, ngunit sa edad na 25 ay mas mature siyang tignan. Mula kasi noong magpa-promote, ay hindi na muna nagpagupit ng buhok. Kung may balbas at bigote lamang siya ay mapagkakamalang “trainee” pa sa isang regular na "Specialization Course." “WARRIOR”, ang basbas sa kanya ng ibang opisyal, mga nakakakilala sa kanya sa hukbo. Warrior, sa anyong pisikal, at sa karanasan niya sa labanan. Matikas siya sa limang talampakan at walong pulgadang taas. May matipunong pangangatawan, mula sa braso hanggang binti ay hinubog at hinulma ng matinding pagsasanay at regular na gawaing pisikal. May katamtamang kompleksiyon, maituturing na kayumanggi. Ang kanyang tindig, lalo na kapag nakauniporme, ang siyang bumibighani sa mga kadalagahan, sa mga lugar kung saan siya napapadpad. Hindi naman maituturing na siya ay guwapong guwapo. Tama lamang. Isa lamang siyang tipikal na “Adan”, subalit may pinagpalang pisikal na katangian. I’ve looked for you all my life Now that I’ve found you We will…. (tut tut tut) “Putsa empty bat” …. Lubak-lubak at hindi sementado, maalikabok na kalsada, at mangilan-ngilang bahay at tao na nadadaanan. Ilang saglit pa ay madidinig na ang pamilyar na tunog ng kabihasnan. Ang dumadagundong na tunog ng “bass”. Napangiti ang batang tinyente. “Yun”… “May Videoke.” “Sana may red horse din dito”, mahina niyang bigkas, pero hindi nakaligtas sa pandinig ng nagmamanehong sarhento. “Ok tong si Sir”, nangingiti nitong usal. Isang kilometro pa’y bumagtas na ang Jeep patungo sa direksiyon ng isang burol, ang kanilang destinasyon, ang Command Post, o ang Kampo. Tumigil ang Kennedy sa checkpoint. “Good evening Sir”, isang pagbati at matikas na saludo sa kanya, matapos siyang silipin at makilala ng guwardiya. “Magandang gabi din”, malugod niyang balik na pagbati dito. “Sir nasa taas po ang tropa at si First inaantay po ang pagdating ninyo”, dagdag ng sundalo. Tinahak na nila ang pinakataas ng burol at unti unti ay makikita na ang mga kubong tila ba pinantay, pare pareho ang pagkakagawa, kalkulado ang distansiya o pagitan, at mistulang perpektong ipinalibot sa paligid.. “haaaaaaaaahhhhhhhhhh”, malalim na buntong hininga ng tinyente. “Ito na”, mahina niyang sambit sa sarili. Tubong ilokandia ang tinyente. Kilala siya bilang berdugo sa mga kalaban ng pamahalaan, sa komunistang grupo, at sa mga taga simpatiya sa ideolohiya at prinsipyo ng CPP NPA NDF. Berdugo, literal siyang nangangatay ng kalaban. Ang kanyang diwa’y saglit na nagbalik tanaw sa nakaraan. Isang taon na ang nakalipas, ang dahilan ng kanyang pagkakalipat. Sa isang liblib na barangay sa isang bayan sa Quezon, pagkatapos ng engkwentro sa pagitan ng guerrilla platoon ng NPA at ng kanyang dala dalang section, isang kadre ng komunistang grupo ang naiwang sugatan, hindi na nabitbit ng mga kasamahan sa takot na sila ay maubos sa labanan. “Pantay pantay na distribusyon ng yaman ng pamahalaan, walang mahirap, walang mayaman, yan ang itinanim sa utak ninyo hindi ba?” argumento ng tinyente sa bihag “Sir maawa kayo, magbabalik loob na po ako, may pamilya po ako sir, babalik na ako sa gobyerno, buhayin niyo lamang po ako, maawa po kayo sir”, sumamo ng bihag.. Subalit walang bakas ng anumang habag ang makikita sa tinyente. Poot. Umaapaw na galit ang maipipinta sa kanya, at nagpatuloy sa animoy sermon sa kadre ng komunista “Ang mga mayayaman ay patuloy na yayaman, at ang mga hikahos ay patuloy na malulugmok sa kahirapan”. “Ang mga sundalo ay kasangkapan lamang ng mga kapitalista, sa pangangamkam ng mga lupa sa kanayunan, para sa kanilang personal na interes gaya ng minahan, kung saan ang mga katutubo ay pwersahang itinataboy sa kanilang lupang tinubuan” dagdag litanya ni Edwin, mula sa doktrina ng Partido Komunista, ni “Mao Tse Tung”. “Mawa kayo sir, maawa kayo sir, huh u hu”, patuloy namang hinagpis ng bihag.. Kilala niya ang tinyente. Kilala ng kilusan ang tinyente. Alan miya kung sino ang kanyang kaharap, hindi ito bumubuhay ng bihag. “Kilala mo kung sino ako, tama?”, paniguro ng tinyente. Walang tugon ang bihag. Ang mga balikat nito’y yumuyugyog sa pagtangis. Alam na niya kung saan siya hahantong. Si berdugo ang kanyang kaharap. At oo, kilala niya, kilala nila ito. “Maawa na po kayo sir”, patuloy na pakiusap ng kadre. “Naaawa ba kayo sa mga may ari ng maliliit na koprahan na lingo lingo ninyong hinihingian?”, si Edwin. “Naawa ba kayo sa mga may ari ng maliliit na palaisdaan, at sakahan na lingo lingo ninyong kinokotongan, samantalang halos listahan na lamang ng utang ang matira sa kanila pagdating ng anihan?” “At sa sandaling hindi na nila kayang magbigay, ay ituturing ninyo silang kaaway na uri, at alam na nating lahat ang kaninlang kahihinatnan.” “Ayaw ninyo ng kapayapaan, ang gusto ninyo’y pagkakapantaya pantay lamang ng lipunan bahala ng dumanak ang dugo ng mga inosenteng mamamayan”. “Sumisigaw kayo ng hustisya, pero saan ang hustisya sa isang pamamahalang binabalot ng dahas at karahasan?” “Naawa ba kayo sa mga mga dayong inyong pinaslang at inilibing dahil lamang sa hinalang espiya sila ng gobyerno?” “Naawa ba kayo sa mga pamilya ng inyong mga dinukot at pinatay, na hanggang ngayon ay nagdurusa, hinahanap ang kanilang mahal sa buhay?” “At sa mga kasamahan naming nagbuwis ng buhay dahil lamang sa adhikaing ilapit ang mga mamayan sa gobyerno, para sa inaasam ng lahat na kaunlaran, sa pamamagitan ng kapayapaan.” “Gusto mong isa isahin ko silang binalatan ninyo ng buhay? Bagsak na at duguan, wala ng kalaban laban, subalit pinakain niyo pa ng lupa, bago niyo pakainin ng tingga?”, pangwakas niyang salita. Mababanaag sa tinyente ang nagngangalit at nagpupuyos na poot, mga tiim na bagang at matang nanlilisik sa galit… Tahimik ang paligid….. Katahimikang binasag ng isang putok ng M16 na umalingawngaw… BAAAAANNNNNNGGG…… “Blagggg” Bumagsak ang wala ng buhay na katawan ng kadre. Umagos ang masaganang dugo, galing sa basag at wasak nitong ulo….

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forgotten Wife

read
42.8K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
25.3K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
99.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
320.9K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
43.3K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
27.3K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook